Tumango nalang ako at walang pasabing umalis. Saan naman kaya yun nagsususuot?

Naglalakad ako papuntang ice cream shop para sana yayain ang mga gin kapitan ng inuman ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Honey!!" - sigaw ni mommy sa kabilang linya.

"Hmm, honey?" - naka-ngiting bati ko.

My mom is such a hype.

"Anong oras dismissal niyo ngayong hapon?" - malakas na tanong ni mommy na halatang excited.

"Maaga hon eh, mga 3:00 pm ganon." - baton ko. "Bakit?"

"Nice! Umuwi ka agad, inimbitahan ako ng amiga ko sa birthday niya, isasama kita." - biglaang usal niya na ikina-kunot naman ng noo ko.

"What? Ayoko sumama hon." - malumanay kong baton.

'Tss, mabobored lang ako dun eh.'


"Sasama ka.." - pag-uutos niya. "Atsaka kilala mo naman yung pupuntahan natin eh." - dugtong niya pa.

"Saan ba?" - tanong ko atsaka nag sindi ng sigarilyo.

"Sa Valleña's residence. Birthday ni Lydia." - baton ni honey.

"Valleña?" - tanong ko. "Yung mama ni Lindy?"

"Yep!" - masayang baton ni honey.

Close na close na talaga siya sa parents nina Jao at Lindy simula noong kidnap scene na nangyari kay Lindy noong nakaraang taon. Well, should I be thanking that beautiful tragedy?

"Okay hon, I'll be home after class." - sambit ko.

"Okay!" - mabilis naman niyang baton, then she hanged up.

Dalawang linggo nang hindi pumapasok si Lindy at wala akong alam kung bakit, kaya naman kukunin ko ang opurtunidad na to para tanungin siya.

Hindi ko ngayon inaya ng inuman ang mga gin kapitan dahil sa lakad namin ni mom.

Tulad ng nasa plano ay umuwi ako agad pag katapos ng klase. Pagka-uwi ko ay nakita ko si honey na nag-peprepare kaya naman tulad niya ay nag-ayos na rin ako.

Hindi raw gaano kalaki ang birthday ng mama ni Lindy. Simpleng family dinner lang daw kaya naman ay nag suot lang ako ng simpleng longsleeve para hindi ma-exposed ang mga tattoo ko.


5:30 kami nakarating sa bahay ng mga Valleña at tulad ng inaasahan, halos kami-kami lang rin ang tao. Wala pa sina Jao at Sofia na batid ko ay hindi talaga pupunta.

Kahit simpleng family dinner lang ay pawang naka-dress ang mga babae kasama na ang mama ni Jao.

"Happy birthday amiga!" - pamugad ni honey sa mama ni Lindy.

"Thanks! Buti naka-dating ka!" - natutuwang baton naman nito sa kanya.

Nag-usap sila ng nag-usap samantalang inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng kanilang bahay. Ito ang unang beses na naka-pasok ako sa bahay ng mga Valleña. Naka-pasok na ako dati sa teritoryo nila pero hanggang sa bahay lang nina Jao. Maganda at halos parehong-pareho ang desinyo ng bahay ng mga Supamacho at Valleña, ang halos pinagka-iba lang nito ay ang pintura at ang ayos ng Living room, dining room, etc.

Enemy vs Enemy | ✓Where stories live. Discover now