Prologue

30 0 0
                                        

Matingkad pa sa kulay ng bahaghari ang ala ala ng masakit na pangyayari sa buhay ko.

Sa isang Plaza habang umaambon namamasyal kami ng boyfriend kong si Damian Business management Major ako naman Hospitality Management course.

Naglalakad kami ng dahan dahan gusto ko sana magmadali umuwi dahil nababasa na ko ng ulan, ngunit napansin ko na alang kibo si Damian at naglalakad ng mabagal, kaya sinundan ko sya hinawakan ko ang kamay nya at huminto.

Nag-aalala na inusisa ko , tila malungkot sya "Ian may problema ka ba ?".

"I'm sorry Melody Break na tayo." Sabi ni Damian. 

Nanlaki ang mata ko hindi ako umimik sabay tulo ng luha ko sabay sa pagpatak ng ulan.

"Tara na Melo sumilong tayo sa may 7/11 sa kanto"malamig nyang anyaya sa kin tila umiiwas ng tingin sa akin.

"Damn it!, Ian humarap ka sa akin "Pa singhal na sabi ko . Nagulat din ako sa nging reaksyon ko.Hindi ako ganun pasensyoso ako pero pag sobra palang nasaktan magiiba ka talaga. 

Humarap sya sa akin nakita ko ang mapungay nyang mata ang pisngi nya na namamalat dahil sa treatment nya sa acne nya pero may nakikita din akong patubo rin. Mahirap talaga pag may cystic acne nakakababa ng tiwala sa sarili, pero kahit ganun minahal ko sya kahit hindi sya perpekto. Hindi ko alam bakit sya nagkaganito ngayon.

"I'm sorry Melody hiwalay na tayo gusto ko maging magkaibigan na lang tayo."nanginginig na sabi nya.

"Bakit? Anong g-ginawa ko? "Naiiyak na sabi ko.

"Break na tayo ayoko na" Sabi nya.

Tumulo uli ang luha ko at tumakbo na palayo kay Damian.

Hindi nya ko hinabol at lumayo na ko ng lumayo patakbo hindi alintana ang buhos ng ulan na bumabasa sa buong katawan ko.

At iyon na ang huli naming pagkikita.

Perfectly ImperfectWhere stories live. Discover now