0.2

417 26 0
                                    

"okay twin sis, spill it."

kasalukuyang nasa kwarto sila ng dalaga para pag-usapan ang hihinging pabor nito.

kinakabahan na ngumiti si josephine sa kakambal.

kumunot naman noo ni josh dahil ito yung mga ngiti ni josephine na alam niyang hindi maganda ang tumatakbo  sa utak neto.

nakaramdam na siya ng kaba. baka kung anong kalokohan na naman naisip neto.

ang mahirap pa sobrang mapilit si josephine. hindi ka neto tantanan hanggat hindi ka pumapayag sa gusto niya mangyari.

"josh kasi--"

"potek naiihi ako sa kaba gawa mo"

"seryoso na kasi josh!"

"gaga seryoso ako! ano ba kasi yun?!"

pero ayaw na talaga niya marinig ang sasabihin neto.

"can you please pretend to be me for the remaining months this school  year?"

lumipas ang ilang segundo pero wala pa ring sagot ang binata. tanging ginagawa lang neto ay titigan ang kapatid.

"woy josh! ano? okay kalang?"

"baliw ka talagang bata ka ano josephine? ganyan ba epekto ng sakit mo sayo? aba talagang dapat madaliin pag galing mo."

"josh seryoso. please do it for me!" she plead.

"ayaw ko nga!"

"ilang buwan na lang naman natitira bago mag bakasyon. 2nd semester na lang josh o!"

"makapag salita to akala mo ba sobrang dali ng pinapagawa mo?" josh said in disbelief. "me? pretend to be you for months? what kind of sick joke is that?"

"josh i really need this."

"hala hindi mo ba naiisip na may sarili akong buhay?"

well wala naman talaga masyadong ganap sa buhay si josh. he stopped going to school, ayaw na raw niya mag-aral e. he said na hindi naman sa school naituturo ang gusto niya.

he spends most of his times at party and works as a cashier sa isang coffee shop. wala naman siya problema sa pera since their family is rich pero gusto niya raw kumita kahit sa simpleng paraan lang. minsan sideline niya rin mag perform at events.

"josh please! i don't want my friends knowing about my illness and ayaw ko mapag-iwanan ng mga ka-batch ko. gusto ko maka graduate kasabay nila."

josh saw his sister's eyes already getting teary so he decided to get out of the room bago siya bumigay.

"sorry josephine but no fucking way."

he was near the door when he heard the words from his sister,

"you're so unfair. lagi ko ginagawa kahit ano para sa ikasasaya mo. you were suppose to be the heir of our family business but since you don't wanna study anymore and be free from it kasi sabi mo nga hindi yun ang gusto mo gawin sa buhay, nag-volunteer na ako to replace you. running a business wasn't what i wanted to do too but for your happiness inako ko responsibilidad mo." humihikbing sabi ni josephine. "ngayon lang naman ako humingi ng pabor sayo hindi mo pa ako mapag bigyan"

josh heart aches as he hear this words. totoo naman lahat ng sinasabi ni josephine but what she's asking for was out of this world.

hindi niya alam kung kakayanin niya yun. what if he failed her?

josephine continued on crying. akala niya nakaalis na nang tuluyan ang kakambal until she felt someone hugged her.

"okay. i'll do it for you my princess."

pretendingWhere stories live. Discover now