Chapter 33: Paglisan

Start from the beginning
                                    

*Fufu.. Alam kong sasabihin mo ang mga salitang yan, pero ano sa tingin mo? Bakit kaya hindi tinablan ng ginawa mong pag-atake si Sophia? Hindi naman immune sa kidlat ang mga Eldritch, diba?” Nakangiting pagkakasambit ni Hades.

Muli ay ikinagulat ni Zeus ang kaniyang mga narinig at dito ay naisip niya ang isang imposibleng pangyayari.

 

“Wag mong sabihing…” Gulat na pagkakasambit ni Zeus.

 

“Tama ang iniisip mo Zeus. Anak nyo siya ni Sonia.” Sambit ni Poseidon.

 

“Ngayon Zeus, ano ang pakiramdam ng kalaban mo ang sarili mong dugo’t laman?” Sambit ni Eclaire.

 

“Pero imposible! Papaanong hindi ko nalaman ang tungkol sa bagay na ‘to?!” Gulat na pagkakasambit muli ni Zeus.

“Simple lang. Itinago ito sayo ni Sonia at nang maipanganak niya si Sophia ay ikinulong niya ito gamit ang Nilfleheim ritual, ang “Frost Time Cage”. Ipinagkatiwala sa’kin ni Sonia ang inyong anak at kahit ano daw ang mangyari ay hindi mo dapat malaman na nagkaanak kayo. Hindi ko alam kung ano ang rason nung mga panahong yon, pero nalaman ko din ito matapos mo kaming lokohin.” Sambit ni Poseidon.

*** Note: Ang Nilfleheim Ritual “Frost Time Cage” ay isang mataas na uri ng spell na bukod tanging mga Sorcerer/Sorceress lang ang makakagawa.

Sa paraang ito ay ikinukulong nila sa isang hindi nababasag na kristal ang isang nilalang at sa ilalim ng ritual na ito ay mapapahinto nila ang oras nang sinumang sasa-ilalim sa kapangyarihang ito. Tumatagal ito ng panghabang buhay at tanging mga Sorcerer/Sorceress lang din ang makaka-sira ng kristal upang makasunod/magsimula sa tamang takbo ng oras ang sinumang nasa loob nito. ***

 

(Note: Nagawang mabasag ni Poseidon ang Frost time cage na sisidlan ni Sophia, dahil taglay niya ang DNA ng isang Sorcerer. At ang bagay na ito ay nalaman niya sa tulong din ni Sonia at nangyari ito nung oras na ipinagkatiwala niya ang kaniyang anak dito. xD)

“Anak..” Mabagal na pagkakasambit ni Zeus.

“Totoong nagmula ako sa genes mo, pero labis ko yong ikinahihiya. At wag mo akong tawagin anak, dahil hindi kita itinuturing bilang aking ama!” Sambit ni Sophia.

“Masakit ba Zeus? Pwes mas matindi pa sa mga nararamdaman mo ngayon ang dinanas na’min ni Sonia matapos mong ipaubos ang aming lahi.” Sambit ni Eclaire.

 

“Uulitin ko sayo! Nasaan ang katawan ng aking ina?!” Sambit muli ni Sophia.

Hindi magawang magsalita at kumilos ni Zeus sa mga sandaling ito at ilang sandali pa nga ay isa-isa ng pumatak ang luha sa kaniyang mga mata.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng grupo nila Hades, bagkus ay ginamit pa nila ang pagkakataong ito para umatake. Agad kinuha ni Sophia ang sandata ni Hades at kalaunan at mabilis na sinugod si Zeus.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now