Season I: Prologue

4.8K 136 17
                                    


Napahiga ako sa sahig nang sa wakas ay matapos ko ang painting na halos isang linggo kong pinagpaguran. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Puwede pala ang makaramdam ng pagkakuntento sa mga bagay na ikaw mismo ang lumikha?

I smiled as I continued observing my painting in awe. I didn't expect that I'd be able to paint as detailed as this one. I painted fifty faces of women from my imagination; different faces but all are amazingly powerful and brave. I managed to define their different features. Nevertheless, they are all equal, fearless and strong. Their eyes are illustrating different stories... different emotions... different battle... but you'd know they aren't weak. They  are beautiful... and were all born fighters.

All my life I've spent so much time searching for what would really make me happy but then I realized that there was only one that could give it to me.

Art.

Realizing this breakthrough, I started creating my own kind of happiness. Naging masaya ako sa landas na tinahak ko— ang pagpipinta. Sa bawat pag-guhit at pagbibigay kulay sa mundong kusang loob na ginagawa ng kamay ko, naging kaakibat no'n ang pagkasabik na matapos ang buong obra. Doon palang, masasabi kong mahal ko ang ginagawa ko.

I sighed in relief and contentment. Nasisinagan ng sikat ng araw ang ilang mga magagandang mukhang nilikha ko sa painting, kaya't mas naging depina ang bawat kulay— ang buhay sa mga mukha nila.

Ilang minuto pa ang pagkatulala ko sa obra ko nang makarinig ng dalawang katok. Bahagyang umangat ang ulo ko para tanawin ang nakasaradong pinto.

"Miss Sydney, ihahain na po ba namin ang almusal mo?" Boses ni Manang Vivian mula sa labas ng aking kwarto.

"Sure, Manang!" I replied. Bumangon ako at nag-inat ng katawan pagkatapos ay naglakad papuntang balcony.

Agad kong naramdaman ang masarap na pang-umagang sinag ng araw. I breathed in and smiled widely. I didn't sleep all night because I prioritized the final touches of my painting but it's all worth it. Ang puproblemahin ko na lang ay kung saang pader sa bago kong condo idi-display iyon.

Itinali ko ang mahaba't umaalon kong buhok at inayos ang aking bangs. Isa pang pag-iinat ng katawan pagkatapos ay bumalik na ako sa loob ng kwarto at hinagilap agad ang cellphone ko bago dumiretso sa dining area.

Now that I am done with my work, it's time for me to do some research about that Reid Alvedo— who happened to be the fiancé of my bestfriend, Aliyah Monterde. Umupo ako sa usual chair ko habang hinahanda ni Manang Vivian ang breakfast ko.

"Hindi ka na naman natulog, hija?" She asked.

I gazed at her and smiled, "Hindi po ako makakatulog kapag hindi ko natapos ang painting, Manang. Good news! Tapos ko na po!"

Tumango ito at unti-unting napangiti. Hinain niya ang plato sa harap ko at saka hinaplos ang buhok ko.

"Magpahinga ka pagkatapos mong mag-almusal. Hindi magugustuhan ng nanay mo na nagpupuyat ka ng sobra." Malambing niyang wika.

Marahan akong tumango at sumaludo sa kanya, "Aye aye, Captain!"

Nang iwan ako ni Manang ay sinimulan ko ang pagkain ng almusal. Hawak ang kutsara sa kanang kamay samantalang cellphone naman sa kaliwa. I am busy chewing my food and stalking that Alvedo at the same time.

I googled his name first. And oh, man! I am impressed. He looks so handsome and he's very fit. Mukhang arogante ang gwapong mukha pero hindi na lugi ang kaibigan ko sa kanya, ah! I also searched his name on Facebook and damn it, he has a Facebook account! I checked his profile and found out that he hangs out most of the time with his friends...

Seducing Seiji YamaguchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon