****
SHARLENE'S P.O.V
"Hi Girl! Hindi ka nagsasabing kaibigan mo pala si Jairus simula pagkabata. Ikaw tuloy number one na kinaiinggitan ng mga babae ngayon!" Tumabi sa akin ang isang magandang babae. And I don't even know her.
"Ah. O-oo." Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. Madaming kumakausap sa aking tao simula nung arte kuno ni Jairus kahapon. Hays.
"You look uncomfortable with me. I'm Mika. Ewan ko kung kilala mo ako? Haha." Natatandaan ko na! Siya nga pala si Mika Dela Cruz! Famous siya and cheer leader siya ng university.
"Ah. I remember you now!"
"Can I be your friend? If you're thinking that I'm just doing this because of Jairus' involvement to you. Nah! You're wrong!" I adore this girl's straightforwardness.
"I want to be your friend because you're pretty cool. I adore you so much!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Weird siya.
"Oh well, mukhang hindi mo ako gets. Ganito kasi yun, matagal na kitang kilala because of your coldness to everybody. Napansin ko rin na pinaka-cold ka sa mga taong matindi talaga yung ugali. Correct me if I'm wrong." Napansin niya yon? Akala ko walang nakakapansin sa presence ko.
"That's right. I like your straightforwardness." Nginitian ko siya. I like her now. Mukhang hindi siya fake.
"OMG! You look so gorgeous when you're smiling! Dapat palagi kang ngumingiti! Maattract mo lahat ng lalaki sa campus. I swear!" Inalog-alog niya pa ang balikat ko. This woman surprises me.
"Hindi ko alam kung nagbibiro ka o hindi pero I accept this wonderful offer. I can be your friend."
"Basta huwag na huwag mo lang iisipin na nakipag-kaibigan ako ng dahil kay Jairus ah. Mas type ko kaya si Nash kesa sa kanya! Haha."
"Weh? Bakit mo naman naging type yung lalaking yon?"
"Wala lang. He's also cool like you. Mas ahead kasi ang coolness niya kesa yung kay Jairus in my opinion."
"Teka lang- Kung kilala mo si Jairus simula pagkabata, ibig sabihin kilala mo rin si Nash since then?" Namilog ang mata niya pagkatapos kong tumango.
"Grabe ka! Lahat na siguro ng babae dito magpapakamatay para maging ikaw. Don't worry, your secret is safe with me. Guguluhin ka siguro ng mga girls kapag nalaman nila to." Exactly.
"Thank you Mika."
"Just call me Miks. Sige, got to go na! Next subject ko na kasi eh. See you around!" She winked at me. Siya yata yung makakaakit ng mga lalaki kapag ngumingiti at hindi ako eh.
"Siya kaya yung maganda. Hindi naman ako maganda eh."
"Anong ineemote-emote mo dyan?"
"Anak ng----!" Napatayo ako sa upuan ng may nagsalita sa tabi ko.
"Huwag ka ngang sumulpot bigla dyan! Mushroom ka ba?"
"Hindi ako amoy lupa. Huwag mo akong itutulad sa'yo!" Inihampas ko sa kanya yung libro. Panira ng magandang araw.
"Ano ba kailangan mo sa akin Nash? Nabwisit mo na ako kaya goodbye."
"Wait Shar! Joke lang yun. Magpapatulong sana ako sa'yo eh. May utang ka pa sa akin."
"Anong tulong naman ang maibibigay ko sa'yo?" Hindi naman pala ako pwedeng tumanggi dito.
"Tulungan mo akong bumili ng pang-regalo sa isang babae doon sa mall. Hindi kasi ako marunong mamili eh."
"Bakit ka pa sa akin magpapatulong? Stuffed toy na lang bilhin mo."
"Ayaw na daw niya non. Pinipilit lang naman niya akong bilhan ko siya ng regalo eh."
"Edi huwag mo ng bilhan. Pinapahirapan mo lang sarili mo eh. Girlfriend mo ba yan?"
"Huwag ka na ngang magtanong. Samahan mo na lang akong bumili!"
I'm not aware na may girlfriend pala ang isang to. Wala naman siyang kapatid kasi only child niya. Sabagay, boyfriend material naman siya pwera ugali. Jk.
****
"Ito na lang kaya bilhin mo?" Pinakita ko sa kanya yung lavender floral dress na nakita ko.
"Isukat mo na."
"Bakit ako?"
"Ka-size mo lang kasi yung pagbibigyan ko. Dali na at nagugutom na ako."
"Wow ha! Ikaw pa ang may ganang magreklamo." Pumasok na ako ng fitting room at pagkabihis ko ay nagpakita na ako kay Nash.
"Bagay..." Amazed na amazed siya nung lumabas ako. Bagay daw? Feel ko pulang-pula ako.
"Ano na naman yang pinagsasabi mo?"
"Bagay kako sa pagbibigyan ko. Tara na't babayaran ko na yang damit."
Teka lang- Nag-assume ba akong ako yung pinagsasabihan niya? Yck!
"Pakidala mo nga ito saglit." Naks naman gentleman! Ako pa talaga pinagdadala ng gamit niya habang busy siya kakabasa ng mga text messages niya.
Binilisan ko yung lakad ko dahil naiirita ako sa sobrang bagal ng lakad naming dalawa kasi busy siya kakabulatlat ng cellphone niya.
"Oy Sharlene! Saan ka pupunta?" Sinigawan ako ni Nash nung medyo nakalayo na ako.
"Ibibigay na ito sa driver niyo. Aba't uuwi na ako ah!" May duty pa kaya ako cafe!
"OY SHARLENE!"
Yan ang rinig kong sigaw ni Nash bago ako may narinig na tunog ng kotse!
Prumeno yung kotse sa mismong harapan ko at konting-konti na lang talaga ay madadali na ako. Napahawak ako sa dibdib ko at nabuwal sa sobrang gulat ko!
Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyari. Muntikan na ba talaga akong mabangga?!
Lumabas yung driver ng kotse at isang babaeng blonde ang buhok. Parang nakita ko na yung babae dati?
"OMG! What happened? Are you alright?" tanong sa akin nung babae. Pinilit kong tumayo habang nanghihina ang tuhod ko.
"SHARLENE! AYOS KA LANG?" Tumakbo sa direksyon ko si Nash at ini-scan ako from head to toe.
"Nash?" sabi nung babaeng blonde at niyakap si Nash pagkakita dito. Teka lang! Naaalala ko na siya!
Siya yung humalik at yumakap din kay Nash nung ginawa niya akong janitress!
"Ehem." Bumitaw siya sa pagkakayakap kay Nash nang sumingit ako. Hindi kaya sila ang issue ngayon dito kaya huwag silang magyakapan sa harap ko. Ako kaya itong muntikan ng masagasaan!
One thing is for sure, I'm really fond of dangers kapag si Nash ang kasama ko.
****
kryptonitegirl's note: Hi. Hello. Musta na guys? Feedbacks/ Comments na lang. :) Ingat always mga par! 14344! :**
YOU ARE READING
The Antagonist. (NashLene & JaiLene)
FanfictionWho'll be 'the antagonist' of this wonderful tale? Nash Aguas or Jairus Aquino? Will that antagonist succeed in ruining everything? Find out. © kryptonitegirl2 2014
