Simula ng malaman ko na baby uli ako sa mundo ng libro at isa akong prinsesa na nakatakdang mamatay marami akong naiisip na gagawin para mabuhay pa ako ng matagal.
"Mariela ayos lang ba na hindi umiyak ang prinsesa hindi ba dapat ay umiiyak sya minuminuto pa nga?"
"Marahil ay normal lang ang di pag iyak ng prinsesa"
'Syempre di talaga ako iiyak hindi naman ako bata although baby nga ako hmmm. Nagugutom na rin ako ilang oras na ang nakalipas nung pinakain nyo ako puro kayo daldal'
"Adel diba kahapon pa dumating ang bagong katulong na magaalaga rin sa prinsesa?"
'Ayy... weehhh di nga may bagong magaalaga nanaman sakin hmmmm...'
"Oo Mariela dahil dalawa lang tayong nagaalaga kaya dinagdagan ng katulong para sa prinsesa"
"Sino nga uli ng bagong katulong?"
"Beatrix ang pangalan nya sa totoo lang ayaw ko sa kanya baka kung ano pa gawin nya sa prinsesa mukhang matapobre at walang alam gawin na gawain hmmmppp..." may pag dabog na kilos pa si Adel with matching lakad lakad pa
'hahaha ang kulit rin talaga ni Adel. Sa natatandaan ko meron ngang Beatrix na character sa babasahin na napulot ko sa library'
Sa kwento si Beatrix De Morgan ay isang ambisyosnag katulong na sinubukang iseduce ang tatay kong demonyo lagi rin nyang sinasaktan ang prinsesa na inaalagaan nya which is ako pero in the end namatay rin sya di nagtagumpay ang plano nya nung pinasok nya ang Diamond Palace lalo na ang kwarto neto. Ayaw kasi ni demonyo na kung sinu-sino ang pumapasok sa kwarto nya.
Pinugutan nya ng ulo si Beatrix at pinatapon kung saan mang lugar
' Yan kasi di ginamit yung utak alam nya naman na kalat sa buong nasasakupan na walang babae ang nakikita at nakakapunta sa Diamond Palace ehh bob* rin tsk.. tsk... tskk'
"Ako ba pinaguusapan nyo?" dumating ang isang babaeng mataray at mukhang suplada. Maganda nga sya pero wala namang utak
hindi nakapagsalita sila Mariela at Adel lalo na ng lumapit sa crib ko ang ambisyosa
"Umalis na kayo ako na bahala sa prinsesa" sa pagtaboy ng ambisyosa sa dalawa kong katulong kinuha nya ang pagkain ko at pilit sa pinapakain sa akin
'Ang sakit kung ikaw lang rin magpapakain sakin di nalang ako kakain, ganito pala ang ginawa mo sa unang prinsesa' naiiyak na ako sa sobrang pag diin nya sa bottle milk
![](https://img.wattpad.com/cover/204820793-288-k55166.jpg)
YOU ARE READING
How to survive as a "PRINCESS" (REVISED)
FantasyNaaksidente lang ako pero pag kagising ko PRINSESA na ako kaso di tulad ng ibang prinsesa sa kwento ang sakin walang happy ending, paano ko nalaman?? dahil nabasa ko.. opo nabasa ko at mamamatay ako sa kwento dahil papatayin ako ng AMA ko Ngayon ka...