CHAPTER TWO

1.3K 65 4
                                    

HINDI na alam ni Zenaia kung anong klaseng pagtatago pa ang kailangan niyang gawin. Saan man siya magpunta ay matatalim at masasamang tingin ang sumasalubong sa kaniya. Hindi lang iyon, saan man din siya magtungo ay nakikita o nakakasalubong niya si Billius. May sa-demonyo yata ang lalakong iyon. O baka ginayuma na siya nito kung kaya't lagi niya itong nakikita.

Nang dumating ang lunch break ng araw na iyon ay desido na siyang umuwi ulit. Kumikirot pa rin ang kamao niya at nahirapan siyang magsulat ng notes kanina. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang iyon kasakit, literal na para talaga siyang sumuntok sa pader.

"H'wag niyong kalimutang magdala ng swimwear bukas para sa swimming lesson, kung hindi ay hindi ko kayo tatanggapin sa klase ko," sabi ni Mr. Delos Santos na siyang Physical Education teacher nila. Napangiwi siya. She doesn't like swimming. In fact, she doesn't even know how to swim at all. May phobia siya sa tubig at hindi niya alam kung saan iyon nagsimula.

"Class dismissed."

Bitbit ang bag ay nagmamadali na siyang bumaba ng hagdanan at nagtungo sa pinto papalabas ng building. She wants to go home. Literal na napagod hindi lang ang katawan niya kundi ang isip niya. Ngunit hindi pa man siya nakakailang hakbang mula sa hagdanan ay nakita na niya kaagad ang bulto ni Billius malapit sa pinto na tila may hinihintay. Kaasar...

Ilang saglit siyang tumayo roon at inantay itong umalis. Pero limang minuto na ang nakalipas ay nanatili lang ito roon. Kaya labag man sa kalooban ay dumiretso na siya patungo sa cafeteria para mananghalian. Hindi niya ito pinansin kahit nang lingunin siya nito at panooring lumayo. Mabigat ang mga paang pumila siya para bumili ng pagkain.

'Mamaya na lang ako uuwi after lunch,' bulong ng isip niya.

"You can't go home. I'll be watching over you," anang tinig ng isang lalaki mula sa likuran niya.

"What the actual fudge?!" naisigaw niya sa gulat dahilan upang magsitinginan ang mga naroroon. Nilingon niya ang lalaki at ganoon na lamang ang inis na naramdaman niya nang makita si Billius na nakatayo sa kaniyang likuran. How was he even able to guess what she was thinking. He gave her a sexy smirk.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Asik niya rito.

"No," diretso nitong sagot.

"Seriously? This is literally called harrassment!"

"That's an overstatement. I'm just making sure that you'll be attending your next class," sabi nito bago nagpatuloy sa pila at kumuha ng tray.

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang likuran nito. Naikuyom ni Zenaia ang kamao pero hindi na gumawa ng eksena. Pinagtitinginan na rin kasi siya ng ibang estudyante. Padabog na kumuha siya ng tray at inunahan na ito sa pila.

"That's rude."

"I don't care. Ikaw nga iyong nang-aagaw ng pila riyan," sita niya rito bago kumuha ng pagkain.

"You should eat something healthy." Narinig niyang komento nito sa junk foods na nasa tray niya.

"Don't you know how to shut up?" Iritang tanong niya rito at pinalitan ng cheese burger ang mga chichiryang kinuha niya bago nagtungo sa counter.

"I do, actually."

She glared up at him. "Then, stop talking to me." Hinarap na niya ang cashier at nagbayad. Hindi na niya pinansin ang nagtatakang ekspresyon nito. Malamang sa nagtataka ito kung bakit nakabusangot ang mukha niya. She went to the farthest table. Iyong malayo sa ibang estudyante at bintana. But she was beyond pissed off when Billius sat on the opposite chair in front of her. She threw him a death glare.

"I told you, I'm simply making sure that you'll be attending your classes this afternoon."

"Why do you even care about that?"

Taming the Darkness (Series 3)Where stories live. Discover now