Xena's POV
"So ikaw pala si Eris Xena? What a beautiful name for a beautiful and strong woman."
Kaharap ko ngayon ang King at Queen ng Royal Vampire Palace. Grabe lang. Nakaka- intimidate sila in a way na nakaka- amaze. Scarlet ang color ng buhok ni Queen Erza at halata namang malakas at maganda syang babae.
"Hehe thank you po. Hmm totoo po ba yang buhok nyo ? Ang ganda naman po kasi."
"Oh She's so cute right, Hon? Bagay talaga sya sa anak natin."
Bakit hindi nya ako sinagot?
"It's okay wife. She likes you."
Bigla naman akong binulungan ni Zero. Hanggang ngayon hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko. Para pa ngang kinakabahan sya.
Tiningnan ako ni King Jellal. Bakit parang ayaw nya sa akin? Natatakot tuloy ako sa kanya.
"Hey, wag ka matakot sa kanya. Mabait sya. Ganyan lang talaga yan kasi di ka pa naman kilala nyan."
"Bakit ba binabasa mo yung mga iniisip ko? Huhu kanina ko pa napapansin yun ha? andaya naman sana ako rin diba?"
Nagbubulungan kami ni Zero ngayon. Sana lang hindi kami marinig nina Queen Erza.
"Of course you can. Tuturuan kita kapag may panahon na tayo."
"Hehe talaga pwede din pala ako . Kaso bawal ako mapagod."
"Yes i know about your dis-"
Bigla namang nagsalita si King Jellal hindi tuloy natapos ni Zero ang sasabihin nya. Pero alam ko na agad kung anong sasabihin nya kasi nababasa naman nya yung nasa isipan ko kaya posible talagang malaman nya. Nakakalungkot lang talaga.
"Leander ihatid mo na sya sa kwarto nya para makapagpahinga man lang sya. Tatawagin na lang kayo kapag kakain na. Paguusapan na din natin ang kasal ninyo."
Pagkatapos sabihin ni King Jellal ang sinabi nya ay tumayo na silang dalawa ni Queen Erza na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nya.
"Magpahinga ka na Eris ha? Leander baby anak wag mo na syang istorbohin."
---------------
"Ngayong araw, ika-1 ng Nobyembre taong 214 masasaksihan ng mga nasasakupan ng Royal Vampire Palace ang pagiisang dibdib ng ating prinsipeng si Leander Hero Goddard at ang kanyang napiling asawa na si Eris Xena Asclepius."
Andito kami ngayon sa parang Hall ng Palace at nabigla ako nang sinabi nila na Asclepius. Bakit? Tapos nakarinig pa ako ng bulungan.
"Wow! Asclepius sya? Kaya naman pala. Kilalang pamilya kaya wag na tayong magtaka."
"Pero teka! Bakit parang may kamukha sya?"
"Oo tama! Si Princess Eritrea!"
"Naku bakit magkamukha sila?"
Kung nagtatanong kayo kung bakit naririnig ko lahat ng yan. Aba hindi na pala bulong, parang sinasadya naman nilang iparinig sakin tapos nung tumingin pa ako umiwas naman sila ng tingin.
"Zero, bakit Asclepius yung surname ko? Di ba Argovia yung surname ko?"
Bakit kailangan pang palitan?
"Wife use your mind in communicating with me. Someone might hear you. Just go with the flow okay? Just trust me?"
"Um O-kay"
Pinilit ko na lang mag-isip ng itatanong sa kanya pero wala na akong maisip. Hay ano bang nangyayari?
Nagulat na lang ako ng lumuhod ang lahat ng vampire at immortals dito.
"Bilang simbolo ng pag iisa. Ikaw, Eris Xena Asclepius ay ibibigay ang lahat lahat sa prinsipe ng Royal Vampire Palace. Prinsipe Leander Hero simulan mo na."
Nagtataka pa ako ng biglang hinarap ako ni Zero. Dark red yung mga mata nya pero hindi ako nakaramdam kahit konting takot. Nakaka-amaze yung mga mata nya na parang hinihila pa ako papalapit. Napapikit na lang ako kasi parang di ko na kayang tingnan pa ang mata nya pero ramdam ko naman na papalapit sya sa akin.
" Wife."
Pagkatapos nyang sabihin iyon. Naramdaman ko ang pangil nya sa leeg ko. Doon na ako nagsimulang matakot. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng pangil nya sa leeg ko at napasigaw na lang ako. Ang sakit, sobrang sakit na napapaluha na ako. Mamamatay na ata ako.
"Ugh! T-tama n-a!"
Sa dalawang salitang iyon ay tumigil na sya pero patuloy pa din ang pagiyak ko. Then everything went black.
Bakit?
-------------
YOU ARE READING
Enchanted To Meet You
VampireSi Leander Hero Goddard ay isang vampire. Asawa nya si Eritrea na dating tao na ginawang bampira dahil ginusto nya iyon simula nang malaman nya na nag-eexist pala at totoo ang mga bampira. Namatay si Eritrea dahil may nalaman sya tungkol sa mga masa...
