SABI MO
Sabi mo, mahal mo ako,
Sabi mo, iingatan mo ako,
Sabi mo, poprotektahan mo ako,
Sabi mo, tutuparin mo lahat ng pangako mo.
Sabi mo, di ka aalis sa buhay ko,
Sabi mo, di mo sasaktan ang tulad ko,
Sabi mo, ibibigay mo lahat ng gusto ko.
Kaya sabi ko, maniniwala ako sa'yo.
At naniwala nga ako.
Pero nag iba ang ikot ng mundo.
Unti unti kang nagbago.
Grabe, napaniwala mo ako.
Kaya ngayon heto ako.
Nagpakalayo-layo sa'yo.
Dahil sinira mo ang buhay ko.
Sasaktan mo lang din pala ako.
Masaya naman talaga tayo.
Hanggang sa sumira ka sa pangako mo
Diba, sabi mo tutuparin mo
Asan na ngayon ang mga hiling ko?
Kaya heto ako at lumayo sayo
Nasira ang buhay ko ng dahil sayo.
Napakasakit talagang umasa, ano?
Nasasaktan ako hanggang sa napagtanto ko.
Totoo palang minamahal mo ako
Totoo palang iniingatan mo ako
Totoo palang pinoprotektahan mo ako
Totoo pala talaga lahat ng mga pangako mo.
Totoo palang di ka umalis sa buhay ko
Totoo palang di mo kayang saktan ang tulad
Totoo palang binibigay mo lahat ng gusto ko.
Kaya ngayon, humihingi ako tawad dahil nagduda ako.
Dahil hindi ikaw ang sumira ng buhay ko
Ako mismo ang gumawa sa sarili ko nito
Hindi ikaw ang sumira kailanman sa pangako.
Ako ang hindi tumupad sa sinabi ko.
Dahil ang sabi ko ikaw ang mahal ko
Sabi ko, ikaw lang ang nasa puso ko
Sabi ko, walang papantay sa'yo
Pero noong may ivang nakita ang mga mata ko, umalis ako sa tabi mo.
Kaya ngayon nagbabalik ako.
Humihingi ng tawad at nagsusumamo
Hindi pala masaya sa pinuntahan ko.
Dahil ang totoong ligaya ay nasa tabi mo.
Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.
Inaamin ko na'ng makasalanan ako.
Tinatanggap ulit kita ngayon sa buhay ko.
Ako kaya? Matatanggap mo ba ulit ako?
Sabi mo, halika uwi na tayo.
Sabi mo, okay lang basta nandito na ako.
Sabi mo, mahal mo pa rin ako.
Sabi mo, nung una pa lang, napatawad mo na ako.
Panginoon, totoo talagang mahal mo ako.
Dahil habang nung malayo ako sayo
Noong akala ko katapusan na ng mundo
Andon ka, iniingatan at pinoprotektahan ako.
Panginoon, salamat dahil hindi ka nagbago
Dahil kahit na naging makasalanan ako
Tinanggap mo pa rin ako ng buong buo
Kahit na ako itong nang iwan sa'yo.
Pangako, hindi na ako aalis sa tabi mo
Mananatili na muli ako sa tabi mo
Mahal na mahal kita, O, Panginoon ko
Salamat sa walang sawa mong pagmamahal sa isang tulad ko.
At ito ang sabi ko.
Date Written: 30 October 2018
Date Revised: 26 January 2019
