Prologue

182 33 14
                                        


Q: What's interesting about your life?

Wala.

Normal lang naman ang buhay ko. Typical. Yung tipo ng normal tulad ng buhay ng ibang tao, buhay niyo.

Kumakain tatlong beses sa isang araw. Bumibisita sa ukay-ukay kapag may time . Nag-aaral most of the time. Gumagala kapag nagyayaya ang barkada. Umuuwi sa pamilya. May problema. Inaayos. Kumakain ulit. Gagala ulit kasama ang barkada.

Opo,may barkada ako. Pero yung mga normal na barkada lang rin (though ang pag-iisip nila di normal), yung gala namin di tulad ng iba na may pa mall-hopping o bar-hopping kasi yung amin kara-karaoke lang o di kayay makikigulo sa bahay ng isa sa'min payts na.

Yung buhay  ko ang magandang example ng life in moderation. Sakto lang. Tulad ng di kami mayaman ngunit di rin kami mahirap. Di ako sobrang matalino pero di rin ako sobrang bobo. Di ako maganda pero di rin naman ako pangit. Pero sa tingin ko naman maganda talaga ako!!

Sa EU, normal na estudyante lang rin ako. Ako lang si Levioza Love Enriquez, isang studyante ng BSBA Marketing major. Alam ko pang sosyal ang pangalan ko. Dagdagan mo pa ng nakamamatay na Love. Pero madalas pag nagpapakilala ako, Levi lang. Yan na rin ang nakasanayan kong marinig galing sa mga kaibigan ko. 

Hindi ako ang klase ng estudyanteng makikita mong sumasali sa kahit anong patimpalak o nagpaparticipate sa kahit anong organisasyon. Gaya nga ng sabi ko estudyante lang ako, yun lang. Kapag siguro magpapasa ako ng resume wala yata akong mailalagay sa achievements or something. Basta wala. Levi lang, tao lang. Humihinga.

Masaya na ako sa tahimik kong buhay.

Yung mga kaibigan mo lang at pamilya mo ang gumagawa ng ingay.

Yung mga lessons lang ang nagbibigay sayo ng stress.

Yung mga   Professor mo lang ang nang-iinis at todo papansin.

Yung sa driver ng jeep ka lang nagmamakaawang sumakay kahit sobrang siksik na.

Yung naglalakad kang walang pakialam sa ginagawa ng iba.

Yung kumakain ka kasama ang mga kaibigan mo habang masayang nagkwekwentuhan.

Yung nakatingin lang sa iba pang mga estudyanteng sikat at mayaman. Tipong pagtingin mo sa kanila nanliliit ka na kaya ayaw mong makisalamuha kasi nakakahiya.
(though meron naman akong kaibigan na kilala sa paaralan namin pero LOWKEY)

It was all rainbows and butterflies until a storm came in. Big Storm that initiates a Storm Surge.

Mula sa pagiging NORMAL nagiging WEATHER WEATHER LANG na. Di ko na maintindihan. Ang sigurado lang ako, hindi na ito nagiging tahimik. At nagsisisi ako kung bakit ko pa pinatulan ang nakakabwisit na pangyayaring to.

Naglalakad ako papuntang Faculty para ipasa ang activity namin. Nandito ako sa College of Business building. May mga nadadaanan akong classrooms pero sarado naman ito dahil panigurado may klase. Napansin kong may lumabas na Propesor sa aking gilid kaya bahagya akong yumuko at pinauna sya sa paglalakad. Sure ako na sa faculty din ang diretso nya. May katandaan na sa tingin na 50s kung di ako nagkakamali. Di ko sya kilala kasi hindi ko sya naging Propesor kahit isang beses lang. Pero familiar sya. Nakasunod lang ako sa kanya nang may marinig akong tumatakbo sa likod ko kaya napahinto ako at tumingin dun at ang mas ikinagugulat ko pa ay ang ginawa nya. Walang ibang tao sa hallway, ako, siya at ang Propesor na iyon lang.

Binato nya yung Profesor ng papel na ginawang bola at ang matindi nasapol ito sa ulo. Nanlilisik ang matang lumingon ang Professor sa amin. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko.

Sikat sya at kilalang tao. Isa sya sa mga tinitilian kapag dumaraan. Palagi kong naririnig ang pangalan kahit saan dito sa campus.

" Sino ang nagbato sa'kin?"

Matinding takot ang bumalot sakin sa tono ng pananalita ng Professor. Boses pa lang nya,masasabi ko ng terror sya. Buti na lang talaga hindi nya ako naging under.

Napatingin naman ako pabalik sa lalaki.
At laking gulat ko nang makita ang hintuturo nyang nakaturo sa akin. O-O

"Kababae mong tao, wala kang respeto!"

Napailing-iling ako nang wala sa oras. Feel ko nga mahihiwalay na yung ulo ko sa leeg ko dahil sa pag-iling eh. Sinabayan ko pa ito ng pagwasiwas ng kamay.

"Madame,hindi po ako!" depensa ko.

"At tumanggi ka pa talaga.Your defense is pointless!.Sino pa ba ang gagawa nun? eh wala namang ibang taong narito? !"

"Sya po!"
Mabilis kong tinuro ang lalaking hanggang ngayon ay nasa gilid ko. 

Walang ibang tao? Tong nasa tabi ko, Multo?

Naglabas sya ng inosenteng mukha na tila nagsasabing 'madame, hindi ko po kayang gawin yun,mabait po ako'

Lumapit na ang Professor sa amin.

"Masama ang mambintang iha. Sinasabi ko sayo, sisiguraduhin kong mapaparusahan ka sa pagpapakita ng kawalang respeto."

Pinulot nya ang 'paper ball' na nakatama sa kanya. Napansin kong nagsisilabasan na pala ang mga estudyante. At tingnan mo nga naman oh, nandito pala ako sa area ng mga kilalang tao. Malapit na akong maiyak.

"Madame, hindi po ako nambibintang. Sya po talaga ang nambato sa inyo. Kitang kita ko po. "

"Wooooh!What's your proof" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha.

".......woman?" sagot naman nung lalaki. 

Kumunot ang noo ko sa kanya. Nakakabwisit sya!!!! Sinungaling!Walangya!

"Exactly!, show me something that will prove your innosence. Kung inosente ka nga. Kasi ako, hindi ako naniniwalang magagawa yon ni Mr. Clark Israel Emperro. Such a respectable person."

"Trueeee" sabat ng mga babaeng nakikinood sa pangyayari.

Anak ng! ano bang pwedeng pruweba? Bwisit! Ganito pala ang feeling ng pinagbibintangan sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Bwisit!Nakakabwisiitttt!

"Anyway, Save your excuses and follow me to the faculty."

Napayuko ako. Excuses? katotohanan yun hindi excuses.  Gusto kong umiyak. Feel ko talaga naiiyak ako. pero walang lumalabas na luha. Nakakainis naman to oh.

Napatingin ako sa gilid ko. Wala na ang lalaking yun. Tumingin ako sa likod at andun nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya habang yung kamay parang nagdedemo kung pano nya binato yung Professor kanina.
Napatigil sa ere yung kamay nya nang mapansing masama ang titig na ipinukol ko sa kanya.

Nginitian nya ako saka kininditan. Bwisit! Bwisit!Bwisit!

Emperro. May ari ng eskwelahang pinasukan ko ay mga Emperro. ....

And that's how my life went on. Nothing interesting. Kasi kung interesting, masaya sana ako.

EnchantedStories to obsess over. Discover now