Chapter Two

9.3K 242 20
                                    

Lose your virginity: check!

Ngayon, ano ba’ng susunod niyang gagawin? Hinilig ni Nadia ang ulo sa unan at tumitig sa kanyang maikling listahan. Mula sa sampu ay naging bente na ang mga items na isinulat niya roon magmula  nang simulan niya ‘to tatlong buwan na ang nakakaraan. Napatitig siya sa kulay crème na mga dingding ng kanyang k’warto. She had always wanted to paint it lavender or lime green, kaya lang wala lagi siyang oras. And she always wanted to buy a giant corkboardand plaster it on one of the walls. Inilagay niya ang dalawang iyon sa kanyang listahan.

Nag-ring ang phone sa tabi niya at kinuha niya ‘yon. “’Ma! Ano, kamusta ang El Nido?”

“Ang mahal ng buko dito! Two hundred! Talagang nananaga ‘yung mga tindero dito!”

Tumawa si Nadia at sumandal sa headboard ng kama.  Inunat niya ang mga binti sa kulay pink na bed sheet. “Gano’n talaga kapag tourist spot, mahal lahat. Si Papa?”

“Naliligo, papunta na kaming Puerto Princesa mamaya. Sa makalawa, uuwi na kami ng Baguio. Ano, kamusta ka d’yan? Si Ate mo, pumupunta?”

“Nung isang araw. Bilhan niyo si Aunty Karla ng mga ref magnets, nagkokoleta siya no’n.”

“Oo nga, bumili na kami. O, lumabas na si Papa mo. Sige, ingat ka d’yan. Kamusta nga pala yung reunion mo kagabi?”

Ngumisi siya. “Okay lang.” 

“O, sige na, ang mga pinto at bintana, isara mo ha? Ingat d’yan. Next time tayong lahat naman ang magbakasyon, ha? Isama natin si Ate mo.”

“Oo nga, kaya lang kailangan pa nating mag-ipon ng mas malaki para d’on. Sige, ingat din.”

“Sige.”

Binaba nila ang tawag at binalingan niya ulit ang listahan na kanyang hawak.

Vacation for parents: Check.

May Vacation for whole family pa siya na hindi nate-check-an.

Dumako ang mga mata niya sa item five.

Learn to play the piano, or a keyboard.

 Okay, siguro magagawa niya iyon ngayong natitirang one and a half month vacation niya. Tamang tama at magbabakasyon sa Baguio sa mga kamag-anak nila ang mga magulang niya at siya lang mag-isa sa bahay.

Hinagilap niya ang towel at tinungo ang banyo.

PUROS voice messages ng Mama niya ang sumalubong kay Levi sa kanyang pag-uwi.

Pinaalala sa kanya nito ang family reunion sa dulo ng buwan, pero sa kabuuan, his mother just nagged him to get a steady girlfriend. Hindi niya maintindihan, may apo na ang mga ito sa Ate niya, ba’t pa siya kinukulit ng mga ‘to mag-asawa?

He went to his room and took a long shower.

Kiniskis niya ang balat ng loofah, tinatanggal ang lahat ng residue ng nagdaang gabi. He could still smell Nadia on his skin, could still taste her on his tongue.

Images of last night flashed through his mind. Nadia beneath him, her lips parted, her dark eyes wide. Nadia above him, riding him, her hair falling like silk water fall around them.

His blood heated and every part of his body hardened.

Nagmura siya at nilakasan ang malamig na tubig.

What the hell happened last night? Hindi pa rin niya alam ang sagot doon. It shouldn’t bother him, really. Lalaki siya at nag-enjoy siya. He enjoyed one night stands, he preferred them, actually. Relationships gave him migraines.  Love ‘em and leave ‘em ang kanyang modus. But he was not an asshole, ipaglalaban niya iyon kahit saang korte. He never sweet talked anyone into anything. Okay, so maybe he did. A little. Pero hindi siya nangangako ng kung ano para lang makuha ang gusto niya. It was all for fun, he always made sure that was clear. Last night was all for fun, too.

List Of My Heart (CHAPTERS 1-3 ONLY)Where stories live. Discover now