para sa gusto lang magbasa.. XD

7 0 0
                                        

"Bakit may mga taong hindi tayo kayang mahalin?"

nakita ko ito sa fb at ngayon ay tinatanong ito ng puso ko...

di joke.. ang O.A na masyado.. hahaha

basta nakakarelate ako dito..

May isa akong kaibigan. Noong una palang kami nagkakilala, mabait siya.

Pero kalaunan, nang close na kami palagi ko na siyang inaaway.. hindi naman sa grabe na away.. yung tukso2 lang.. ang sarap niya kasing asarin. hahaha.. game pa siya noon.

At di ko alam kung anong nangyari. basta nalang inaaway niya narin ako. akala ko joke2 lang niya yun pero parang pino-personal niya na ang mga jokes ko..

Sa ngayon magkaibigan parin kami.. Di ko lang alam kung gaano katagal. Actually hindi ko talaga siya maintindihan nag-momood swings siya.. parang kanina lang masaya siya at mabait sa akin at maya-maya ay magagalit sakin.. hay nako...

Parang pinapakita niya na ayaw niya sakin.. Ang sakit kasi parang bestfriend ko na siya.. kung sinabi lang niya noon sakin sana na ayaw niya sakin edi sana hindi masyadong masakit.. medyo marami-rami narin ang mga panahon na magkasama kami.. sa mga kalokohan at iba pa..

Nagtataka nga ako na kung wala ang bestfriend niya (raw) ay sakin bumabaling ang atensyon niya ngunit pag nandiyan na siya ay hindi niya na ako pinapansin.

Talaga bang hindi niya rin ako kayang mahalin eh halos lahat ginawa ko na.. parang alalay na nga ako sakanya. kung may pagkain rin ako ay binibigyan ko siya.. kahit nga hindi pa ako nakakatikim nun..

Siguro nga tama ang sinasabi ng mga kaklase ko na ginagamit niya lang ako. kung may pera ako o kung may pagkain o kung wala siyang mapaglibangan.. Nagsasalita rin siya ng masasakit na salita. Ni hindi ko nga siya narinig na pinuri ako ni isa.. masakit... nakakababa ng self-confidence..

Pinapadama niya sakin na wala akong kwenta.. Pero kahit ganun pa man pinapatawad ko siya. ganun talaga ang pagmamahal.. dapat wala kang ini-expect na kapalit..

Dito ko nalang itatapos tong walang kwenta kong pag-eemote. hahaha. pero kung may sagot kayo sa tanong pwede rin na sabihin niyo sa akin.

Sana naman kahit ganito ang buhay ko ay masaya ako dahil may mga iba parin akong kaibigan diyan sa tabi-tabi. hahaha.

-fin

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 04, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Walang kwentaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant