PROLOGUE

64.8K 786 36
                                    

PROLOGUE :

      Ako si Vera Vita Grace . Isang masayahing tao , matulungin , mabait at mapagmahal .

Kuntento na kung anong meron kami noon .

Masaya , payapa at mapagmahal na Pamilya .

Pero isang araw , nagkaroon ng isang problema na nagpabago sa buhay namen o sa buhay ko . Isang problemang ako ang naging kabayaran o ang naging tanging solusiyon .

Nagkautang ng malaking pera ang mga magulang ko  sa Pamilyang Bautista na kung saan nagsasaka ang mga magulang ko .

Ipinakasal nila ako sa kanilang nag-iisang anak na lalaki upang mabayaran ng mga magulang ko ang naging utang nila dito . Hindi na ako tumanggi o nagprotesta pa . Dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit napunta ako sa ganoong sitwasyon .

Nung una akala ko magiging maayos lang ang lahat . Dahil may mababait akong asawa , hipag at mga manugang . Pero nung una lang pala iyon . Dahil habang patagal ng patagal . Lumalabas ang kanilang tunay na ugaly at anyo maliban kay Don Sandro Bautista na siyang ama nang naging asawa ko .

Naging malupit sila saken . Na kahit may katulong sila sa pagkalaki-laki ng mansion nila ay pinapapatulong parin nila ako sa paglilinis . Kahit sa ako'y nagkaroon ng laman sa tiyan ay hindi parin nila ako pinatitigil sa pagdadala ng mabibigat na bagay .

At hindi lang iyon ang naranasan kong paghihirap sa mansiong iyon . Hindi lang pagbubuhat ng mabibigat ang naranasan ko , pati narin ang mga mabibigat nilang kamay na dumadapo sa buo kong katawan.

Nahihirapan man ako at gustuhin ko mang sumuko , hindi ko magawa ni hindi ako maaring tumakas doon dahil kapag ginawa ko iyon . Kalayaan ng mga magulang ko ang nakataya .

Lumipas ang mahabang panahon at malusog na lumabas at lumaki ang aking anak na si Jean Rose Bautista na siyang nag-iisang tao sa buhay ko na hindi ako pinahirapan at sinaktan . Hindi katulad ng Daddy niya , Lola niya at ng kaniyang Tita na halos mahabang panahon din nila akong inapi , inalila na parang hindi ako kabilang sa pamilya nila .

Magbabago pa kaya sila sa aken ? magbabago pa kaya ang takbo ng buhay ko ? magbabago pa kaya ang pag-uugaling ipinakita nila sa aken ? magbabago pa kaya ang trato nila ? . Pero paano ? para akong isang walang buhay na asawa sa kanila sa mansiyong ito .

A Lifeless Wife

A Lifeless Wife ( Completed )Where stories live. Discover now