Prologue
"Are you really sure about this, Esme? Alam mong ikapapahamak mo 'to or more ikapahamak niya mismo." nag-aalalang wika ni Jackson. Tumingin lang si Esmeralda kay Jackson. For more than years, they were always there for each other. Hindi lang si Jackson pati na rin ang iba pa nitong kapatid.
Tinignan ni Esme ang mga kapatid, they all looked so disappointed lalo na si Kennedy.
Hindi man totoong magkakapatid still they're portraying a strong and a very happy family. Sebastian tapped Esmeralda's shoulder. Esme's Foster Dad, "We're here. We'll look after him." ngumiti ito kay Esme na siyang ginantihan niya rin pabalik.
Nagpaalam na si Esme sa kanyang pamilya para ilayo si Adonis sa kapahamakang pinasok nila. Sumakay na sa kotse si Esme kung nasaan si Adonis. Agad itong sumakay sa driver's seat at pinainit ang makina,
"Put your seatbelt on." wika ni Esme nang hindi tinitignan ang binata
"Saan tayo pupunta? Paano si Tito?" seryosong wika naman ni Adonis. "Your Uncle is safe. Ngayon, ikaw ang kailangan kong ilayo rito." hinila nalang bigla ni Esme ang kambyo at biglang pinaharurot ang sasakyan
Sa kabilang banda naman, naghahanda sina Sebastian sa nalalapit na pagdating ng mga Reed. Ang mga masasamang kauri nila,
"Malapit na sila." biglang wika ni Aaliyah. Nagtinginan si Sebastian at si Jackson,
"Lauren, manatili kayo nila Aaliyah dito sa loob. Kami na ni Jackson at Kennedy ang kakausap."
Bago tuluyang lumabas ang dalawa lumapit si Sebastian sa kasintahan na si Lauren at hinalikan ito. Ang mag-asawa ay kapwa parehong ilang daang taon na ngunit ang kanilang mukha ay nananatiling nasa mid 50s, same as their forster children. Lahat sila ilang daang taong gulang na pero ang kanilang mukha ay nananatiling nasa teenage years.
"Mag-ingat kayo." mahina sambit ni Lauren sa asawa. Ngumiti ito at tumango. Tuluyan nang lumabas ang dalawa para abangan ang mga Reed,
"Sabi na nga ba't walang ibang dala 'yang lalaki na 'yan kundi gulo lang eh." inis na wika naman ni Cecille.
"Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari. Let's just be happy for Esme." sabi ni Lauren habang tinatanaw sa bintana sina Sebastian na inaantay ang pagdating ng mga Reed.
"May magagawa tayo. Sadyang hinayaan niyo lang na mag-lapit si Adonis at Esme." hinawi ni Cecille ang kanyang kamay na dahilan ng pagkatumba ng mga upuan at mesa sa kanilang kusina.
Napatingin si Cecille kay Aaliyah na ngayon ay parang wala sa sarili. 'Sing bilis ni Flash ang paglapit ni Cecille kay Aaliyah
"You saw this coming, Aaliyah but you didn't do anything." hila nito sa damit ng kapatid, "I saw this coming pero wala akong control dito. We can't change the fate, Cecille." tinabig nito ang kamay ni Cecille na nakahawak sa kanyang damit. Akmang mag-aaway ang dalawa,
"Tumigil na kayo. Hindi makakatulong 'yang pag-aaway ninyo." sigaw ni Lauren sa dalawa.
Pinagpagan ni Aaliyah ang nagusot na kwelyo at saka nilagpasan ang inis na inis na dalaga. Sa lahat pa naman ng ayaw nito ay ang nagugusot ang kanyang damit.
"Andito na sila." marahang wika ni Lauren ng makita ang kadadating lang na grupo ng Reed.
"Anong dahilan bakit kayo naparito?" malumanay na sambit ni Sebastian. Isa-isa niyang inexamina ang mga Reed. Nasa likod naman ni Sebastian sina Kennedy at Jackson.
YOU ARE READING
Let Me Tell You About Esmeralda
VampireKahalati na ng school year pumasok si Adonis Quibael sa Marsiculo High. He moved in his Uncle's town at peace but somehow meeting Esmeralda Johansson change his peace into a crazy and extraordinary adventure. Kaakibat ng adventure na ito ay ang pagk...
