Ako nga pala si Sheila, pero Ella ang tawag nila sakin. Nakatira ako sa bahay ampunan. Sabi kasi ni Sister Melisa natagpuan ako sa isang lumang bahay malapit sa simbahan. Nagtataka daw sila nung matagpuan nila ako doon. Dahil bukod sa luma na ito, nakakatakot at walang taong nagtatangkang pumasok doon. Wala akong ideya kung anong itchura ng aking Ama at Ina. Nung pumunta daw si sister Melisa sa pulisya at nireport ang nangyari, lumipas na ang linggo, buwan at taon wala paring pumupunta para kunin ako. Kaya nagpasya na sila na permanente na akong maninirahan sa bahay ampunan yun ay kung walang aampon sa akin. 5 years old na ko at 5 years na rin akong nangungulila sa aking magulang. 5 years na din akong napupuno ng katanungan.
Enero 18,1965
Nakaupo ako sa isang pangmatandang upuan. Nang bigla akong nahilo at nagdilim ang paningin ko.
Nakita ko ang isang lalaki na duguan at tadtad ng sugat.
Paulit ulit nyang sinabi ang katagang "Mahal ko patawarin mo ako!!!"
Di ko naramdamang nahulog na pala ako sa upuan at kasalukuyang nakaluhod habang tumutulo ang luha ko.
"Diyos ko, ayos ka lang ba Ella?!" nag-aalalang tanong ni Sister Remmie
Si sister Remmie ay baguhan palang na madre. Mayroon siyang mapupungay na mga mata. Matangos na ilong. At mahabang buhok. Siya ay 23 pa lamang. May balingkinitan na katawan. Para siyang isang anghel.
Bumalik ang paningin ko pero panandalian itong nanlabo.
"Iha bakit ka tumatangis?" nagtatakang tanong ni Sister Remmie
"patawar--" naputol bigla ang sinasabi ko.
At mapatulala ako. Paulit ulit kong naririnig ang "patawarin mo ako!!!"
"iha? Anong ibig mong sabihin? Patawarin? Ano ba ang iyong kasalanan?" nagtatakang tanong ni Sister Remmie
"Patawad po ngunit maaari nyo pu ba akong ihatid sa aking silid. Medyo di po maganda ang pakiramdam ko" mahilo hilong sagot ko
"Osige Iha, mag-usap nalang tayo kapag bumuti na ang iyong pakiramdam" nag-aalalang tugon ni Sister Remmie
Inihatid na nya ako sa kwarto. Dahil bata pa ako non di ko maintindihan ang ibig sabihin ng nakita ko.
Lumipas ang tatlong araw
Habang nahihimbing ako mula sa pagtulog narinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa ibabang palapag ng bahay ampunan.
May narinig akong sumigaw
"Remiliaaaaa!" may halong galit ang sigaw ng lalaki
Bumangon nako para tignan kung ano bang nangyayari sa ibaba. Nagulat ako ng makita ko si sister Remmie na kausap yung lalaking sumisigaw.
Bumaba ako para makinig sa pinag-uusapan nila
"Remilia mahal ko" agad na niyakap nung lalaki si Sister Remmie
"Ano ba? Di ba't sinabi ko na sayo na lubayan mo na ako?" tinulak ni sister Remmie yung lalaki
"Ngunit mahal ko, alam ko namang ayaw mo talagang magmadre. Napilitan ka lang dahil sa kagustuhan ng iyong ina. Sumama ka na sakin" pagpupumilit nung lalaki
"Maximo, di na kita mahal" biglang naluha si Sister Remmie pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon
Kitang kita ang galit sa mga mata ni Maximo.
"Di mo nako mahal?! Remilia alam kong buntis ka!" nag aapoy na sa galit ang mga mata ni Maximo
Nagulat ako sa nalaman ko. Kaya pala minsan ay nahihilo nalang bigalaan si Sister Remmie. Kaya pala lagi siyang nagpapabili ng mangga, yun pala ay naglilihi sya. Buntis pala siya.
"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni sister Remmie habang naluluha siya
"Di na mahalaga yon, ang mahalaga ang kinabukasan ng magiging anak natin. Mahal bumalik ka na sakin" pagsusumamo ni Maximo
"Di maaari isa na akong ganap na madre" tugon ni sister Remmie
Nagulat ako ng biglang tinutok ni Maximo ang isang patalim sa leeg ni Sister Remmie.
YOU ARE READING
The fortune-teller
FanfictionIsang pambihirang kakayahan na magiging sagabal sa pag-iibigan ng dalawang nilalang na kailan may hindi papayagan ng tadhana.
