Chapter 55 Breaking Down

Começar do início
                                    

"Vice ibaba mo na ako" I almost whispered in his ears. Binaba nya nga naman ako, pero na out of balance ako na napa land kay Francis.

"Are you okay Honey?!" Sabi ni Francis.

BLAAAAAGGGG!!

Napalingon ako kay Vice sinipa nya ata yung pinto.

"Sir next floor pa yung pag bubukas nung pinto." Sabi ni Francis na umakbay sakin. Ganito talaga tong si Francis clinggy. Pero nag alala ako kay Vice, baka nasaktan yung paa nya. Ano bang problema ng lalaki na yun? Nagbukas yung pinto pero nagulat ako ng hatakin ako ni Vice.

"Hoy.!! San mo sya dadalhin?" Sigaw ni Francis. Pero kanino lang ba nakikinig si Vice? Kaya knowing him wala syang pakialam. Tumigil kami sa isang tapat ng  kwarto he open the door at hinila ako paloob. Pagkatapos sinara nya at ni lock. Bigla naman akong natakot. Anong gagawin nya sakin? Tatanggapin ko na ba ngayon ang galit nya. Sinuntok nya yung pader dahilan para magdugo yung kamay nya pagkatapos tinitigan nya ako ng matalim. Dumudugo yung kamay nya nag aalala na ako sa kanya.

"Tangina Karylle!!" Sigaw nya. Para nya akong binaril sa sinabi nya. "Iniwan mo ako dahil sa kanya. Iniwan mo ako ng walang dahilan. Pinagpalit mo ako sa iba.. ha..!!" Punong puno ng galit ang mga mata nya. Ang sakit naman.  "Ilan taon yun? Apat na taon.. apat na taon na hindi ko alam kung ano ba talagang dahilan kung bakit mo ako iniwan.. Minahal naman kita ahhh bakit mo ako sinaktan? Mas mayaman ba sya sakin? Ha kaya iniwan mo ako"  kung pwede ko lang sanang ipagtanggol ang sarili ko. "Ang sinungaling mo!!" Isa pang patalim. Karylle pigilan mo ang sarili mo na umiyak. Pigilan mo. Lumapit sya sakin. Itinukod nya yung kanan nyang kamay sa pinto tapos yung isa pinaikot nya sa lower back ko. Magkadikit yung katawan namin. Namiss koto yung init ng katawan nya. Anong ginagawa nya?. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Lusaw na lusaw na ako sa paraan ng pagtitig nya. Inilapit nya yung mukha nya sa tenga ko. At umiiyak sya. God.. I'm hurting to. Gusto kung punasan ang luha nya. But I have to stop.

"Hindi mo ba talaga ako minahal?" The most painfull question coming from him. Kung alam mo lang Vice, hanggang ngayon mahal parin kita. Pero nangako akong hindi ko na guguluhin ang buhay mo may asawa kana Wala na ako sa buhay mo. Hindi ka talaga para sa akin. Once again pinigilan ko ang luha ko.

"Hindi.. kaya please forget everything that happened  about us.. Vice apat na taon mag move on kana balita ko may asawa kana.. pareho na tayong may sariling buhay.. matagal na yun kalimutan mo na ang lahat. May totoo na akong minamahal" tinulak ko sya at lumabas ng kwarto nya. I saw Francis na hinahahanap siguro ako. The moment I saw him inakap ko agad sya. At sinubsub ang mukha ko sa balikat nya at umiyak. Umiyak ng umiyak

"Sige lang.. iiyak mo lang"

Kailangan ko ng suporta. Kailangan ko ng karamay sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Why the hell I love him so much? To the point that I couldn't move on.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Vice's POV

She left me again. Tangina nilunok ko na ang pride ko para sa kanya. Para lang makausap sya pero walang nangyari. Hindi ko nakuha ang sagot na inaasahan ko. Na minahal nya rin ako. Yun yung gusto kung isagot nya sa tanong ko. Na kahit minsan naging totoo din sya sakin. Pero wala eh, nasaktan lang ako sa sagot nya. Kahit pa gano ako nasaktan sa mga ginawa nya sakin. Kahit pa gano ko patigasin ang puso ko o ibalot man sa yelo inaamin ko na nung makita ko sya ang saya saya ng puso ko. Parang binuhay nya ulit. Ano pa ba, eh sya naman talaga yung BUhay KO. Mahal ko parin sya eh. Handa ko na ngang itapon ang pride ko para sa kanya, tapos hindi nya pala ako minahal. Ang sakit sakit na sa kanya mismo nanggaling. Narinig ko na may kumatok sa pinto. Pero hindi ko yun pinansin.

My Conceited Prince || ViceRylleOnde histórias criam vida. Descubra agora