"Sana, maari ba kitang maging kaibigan? Mas masaya kong tatawagin mo nalang akong Mina kagaya ng ginagawa ni Nayeon." Ngumiti naman si Sana at niyakap si Mina. "Salamat prin- ang ibig kong sabihin ay Mina."

Mas lalong hindi na mag iisa si Mina dahil may bago na ulit siyang kaibigan, kami.

"Gusto kong lumabas." Alam niyang napaka delikado pag siya ay nakitang lumabas ng palasyo, ngunit bakit hindi? Naka suot siya ng pangkatulong na kasuota.

"Tara, ngunit ayusin mo ang iyong pag sasalita, wag ka masyado mataray at huli, pag tinanong ang iyong pangalan anong iyong isasagot?" Tanong ko sakaniya. "Sharon." Binuksan ko naman ang pintuhan upang makalabas kaming tatlo.

Pag labas namin ng silid nila Mina ay nakita namin sila Chaeyoung at may kasama siyang isang matangkad na babae.

"Magagandang binibini anong ginagawa niyo sa harap ng silid ng prinsesa?" Tanong ni Chaeyoung, kinabahan naman ako dahil nakita nila kaming lumabas ng pinto ng silid ni Mina.

"May inutos lang ang mahal na Prinsesa, at ngayon ay natutulog na siya." Palusot ni Sana na siya namang pinaniwalaan ng dalawa.

"Ikinagagalak kong makita kang muli binibining Sharon." Sambit ni Chaeyoung at yumuko sa harap ni Mina upang mag bigay galang.

"Maari ba kitang makausap? Chaeyoung?" Tanong ni Mina, tumingin naman si Chaeyoung ka katabi niya upang manguha ng pirmiso, agad tumango ang babaeng katabi niya.

Naglakad naman si Chaeyoung at Mina palabas ng palasyo, makikita mo ang matinding kaba ni Mina.

"Ah Nayeon, si Tzuyu nga pala." Tumingin naman ako sa matanggkad na babae, siya pala si Tzuyu, ang sinasabi kanina na iniibig ni Sana.

"Mawalang galang na ngunit kailangan kong pumunta sa hardin upang mamitas ng bulaklak." Hindi ko kailangan ng bulaklak ngunit ang pangit namam siguro kong papagitna ako sa dalawa.

Nakita ko naman si Sana na tumingin saakin na parang papatayin na ako, lumakad nalang ako at iniwan silang dalawa.

Hindi ko na sila liningon dahil baka sila ay mailang lang.

Pag dating ko sa hardin ay naalala ko ang isang mandirigma kanina, ang pag kakaalam ko ang kaniyang pangalan ay Jeongyeon.

"Binibini ano ang ginagawa mo dito?" Liningon ko naman ang taong nag salita.

"Pipitas lang ng bulaklak." Siya yong babae kanina.

"Hayaan mong samahan kita." Nginitian ko nalang siya ulit, kanina ay pinag mamasdan ko lang siya mula sa malayo, ngunit ngayon ay kasama ko na siya.

"Ikaw ba ang nasa bintana kanina?" Nagulat naman ako sa kaniyang tanong ngunit nakita na niya ako kaya hindi na ako mag sisinungaling.

"Oo ako nga,narinig kong ikaw ang kanang kamay ni Hineral Jihyo." Tumango lang siya habang nag hahanap ng bulaklak.

"Binibini ito, napaka ganda ng bulaklak na ito." Tinignan ko naman ang hawak niyang bulaklak. Mapupulang rosas ngunit madaming tinik.

"Sandali lamang tatanggalin ko ang mga tinik upang hindi ka masugatan." Tinaggal niya naman ang mga tinik, ngunit nang tatanggalin niya na ang panghuling tinik ay nasugat siya nito.

"Aray!" Sigaw niya dahil sa hapdi sa kaniyang daliri, agad ko namang hinawakan ang dalari niya at pinunasan ang dugo. Buti na lamang at palagi akong mag dalawang panakip butas sa sugat.

"Maraming salamat Binibini." Inilagay niya naman ang rosas sa aking tenga.

"Hindi naman yata patas kong alam mo ang aking pangalan at hindi ko alam ang iyo." Oo nga hindi pa ako nakapag pakilala.

"Ako si Nayeon, isa ako sa sampung katulong." Tumngo naman siya.

"Alam kong alam mo na ang pangalan ko, ngunit mag papakilala ulit ako. Ako si Jeongyeon, ang isa sa limang babaeng mandirigma at kanang kamay ni Hineral Jihyo."

"Nayeon! Nasaan si Mina?" Nagulat naman ako ng makita ko si Dahyun napapalapit saaming direksyon.

"Mina? Hindi ba siya ang mahal na prinsesa?" Tumango lang ako,alam naman niya siguro na nag sampung katulong lang at kamag anak ng prinsesa ang may karapatang makita siya.

"Mauuna na ako Jeongyeon, ikinagagalak kong makilala ka." Nginitian niya lang ako, hinila naman ako ni Dahyun.

"Dahyun dahan dahan! Ayaw ko pang mamatay!" Sigaw ko kay dahyun dahil halos matumba na kami sa lakas ng hila niya.

"Gusto ko ng makita ang aking pinsan! Bilisan mo nayeon!" Isang beses sa isang buwan lang kasi dumadalaw si Dahyun dito sa palasyo dahil siya ay nag aaral.

"Mga binibini ayos lang ba kayo?" Tanong ng isang mandirigma na tinutulungan kaming tumayo, dahil sa pag hila sakin ni Dahyun ay tumumba kaming dalawa, buti nalang at may isang mandirigmang nakakita saamin.

"Ayos lang kami kailangan ko ng makita ang prinsesa!" Sigaw ni Dahyun, hinarang naman siya ni Momo.

"Tumabi ka sa daraanan ko!" Pag pupumiglas ni Dahyun.

"Ngunit hindi mo pwedeng makita ang prinsesa!" Siguro hindi alam ni Momo na pinsan ni Dahyun si Mina.

"Pinsan ko siya! Kaya maari ko siyang mahawakan at makita!" Sumasakit na ang tenga ko dahil sa sigawan ng dalawa.

"Paano kong nag sisinungaling ka? Ano ba ang iyong pangalan?" Huminahon naman na si Momo ngunit hindi si Dahyun.

"Kim Dahyun! Nag mula ako sa pamilyang Kim!" Nagulat naman si Momo at yumuko, kilalang kilala ang pamilyang kim sa buong kaharian dahil sila ang isa sa mga kamag anak ng pamilyang Myoui.

"Pasensya na Binibing Dahyun, ako'y iyong patawarin." Nakita ko namang umamo ang mukha ni Dahyun.

"Ayos lang, ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Dahyun pabalik kay Momo, andito padin ako sa lupa naka upo habang sila ay nag lalandian na. Seryoso ba?

"Momo, pasensya na ulit."

Tumango lang si Dahyun at hinila na ulit ako papasok sa palasyo.

"Wahh! Dahyun sandali!"

~

Kong hindi niyo naiintindihan...

Ang white ay katotohanan and pang p.o.v nila Mina,Nayeon, Sana at Dahyun.
At ang black ay kasinungalingan and pag p.o.v nila Chaeyoung, Jeongyeon, Tzuyu, momo, at Jihyo.

Kong itatanong niyo kong bakit may black(kasinungalingan)

Sa susunonod na chapter ko na ipapaalam hehe.

Devil's Angel || michaeng ||Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin