Elementary days, ka-partner kita sa lahat ng bagay:
sa sayaw, pareho tayo ng height level laging nasa unahan
sa sports, sabay tayong lumalaban sa athletic meet
sa lakaran, kasa ksama ka pag naglakwatsa ang barkada
Ganun tayo ka close, parang tayo pero hindi tayo
Pero sabi mo, in the future magiging tayo.
Magiging boyfriend kita at magiging girlfriend mo ako.
Malabo no? MU ba tawag dun?
High School days, sa parehong school tayo pumasok
Parang nung elementary days buddy buddy pa din.
Pero parang may nagbago, unti unti kang napapalayo
Nagkaroon ka ng separate set ng barkada, one of the boys ika nga
Pero sa para sa akin, ikaw pa din ang partner ng puso ko
Kuntento na sa paminsan-minsang chikahan.
Lalo akong na in love sa u.
Ikaw talaga ang first love ko
Isang araw, sumabog sa mukha ko ang masamang balita
Pinopormahan mo ang karibal ko pa sa pagka valedictorian
Sakit nun, tinalo ko nga siya sa academics
Pero tinalo niya ako sa puso mo
Ang saya-saya mo pag kasama mo siya
Sa araw-araw na nasa school tayo, dinudurog ang puso ko.
Pero ganun kita kamahal, basta masaya ka ayos na ako
Weeehhh... ayos nga ba ako?
Sa College, pumasok pa din tayo sa parehong school.
Pero unlike dati, civil na lang tayo sa isa't isa
Wala nang connection, madalang nang magkita.
At kung magkita man, tanguan na lang
Gusto man ng puso ko na ipagsigawan "Mahal na mahal kita"
Hindi ko magawa. Isa akong Dalagang Pilipinang Makaluma
Hanggang sa mag graduate tayo ng college,
Nabalitaan ko na lang pumunta ka ng Canada.
At doo'y nag-asawa na ng tuluyan
Reunion ng eskwelahan, dumating ka
Kantyawan, tawanan sa mga kalokohan
Out of the blue sinabi mo
"Eto kasing bansot na eto, ayaw sa akin"
Sabay akbay sa balikat ko.
Nabigla ako, joke ba yun?
Ako na patay na patay sa kanya, aayaw?
Pilit kung inaalala, niligawan ba ako?
Dense lang ba ako nun?
Pumasok na lahat ang "what ifs" sa utak ko.
What if sinabi ko dati na mahal kita, naging tayo kaya
Nanlumo ako. Ilang gabi at ilang taon kong iniyakan, na nagmahal ako nang walang katugon.
Sakit, ang saklap no?
Pero wala na, lumipas na ang pagkakataon.
May pamilya ka na at ganun din ako.
Pero alam ko, espesyal ka pa din sa puso ko.
I felt empty, walang closure.
Sana sa next life natin, tayo naman ang magkatuluyan.
Sa ngayon, paalam na.
Isa ka na lang "greatest regret" ng buhay.
YOU ARE READING
My First Love, My Greatest Regret
RomanceMasarap alalahanin ang first love. Masaya kung naging kayo, paano kung hindi? eto ang maikling kwento ko.
