Ex! Pakiss

4 1 0
                                        

ONE_SHOT
Tittle: EX! PAKISS_ONESHOT
Genre: rom_com
Author: MrTdC03

Started:
"EX! PAKISS!!!" Sigaw niya habang pilit niya akong hinahabol.

Pang ilang libong beses ko na bang narinig 'yan simula ng maghiwalay kami?

Tulad ng nakasanayan ay hindi ko s'ya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad na tila bang walang naririnig.

Tsk...

Hindi n'ya ba talaga napapansin na pinagbubulungan na s'ya ng mga studyante dito? Masyado n'ya ng pinapahiya ang sarili n'ya tsss.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng harangan niya ang daanan ko habang nakaangat ang dalawang braso at nanghahaba ang nguso na nakatingin sa akin.

Walang gana ko naman s'yang tinitigan.

"Ex naman~ pakiss sabi e..." Parang bata niyang wika na may pagdabog pang kasama.

Napataas naman ako ng kilay.
Na lalong nagpahaba sa nguso nito.

Tsk... isip batang pato.

"Ilang libong beses ko bang sasabihin na ayaw ko? At tigilan mo na ako?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"At ilang libong beses ko rin bang sasabihin sa'yo na... Ex! Pakiss! Para tigilan na kita?" Panggagaya niya sa tono ng boses ko.

Napamasahe naman ako ng noo bago s'ya muling tinitigan.

"Baliw ka na..." Mahinang naiusal ko bago tinawid ang maikli naming distansya.

"Oo, Baliw na talaga ak--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at kinabig ko ang likod niya bago sinakop ang napakadaldal niyang manipis at mapulang labi.

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya na mukhang ikinabigla nito ang ginawa ko na hindi niya inaasahan.

At naging dahilan iyon para maipasok ko ang dila ko sa loob ng kaniyang bibig, para mas lumalalim ang pagkakahalik ko sa kaniya.

Masyadong malakas ang lagabog ng dibdib ko lalo na ng maghinang ang aming mga labi.

Isa lang ang pumasok sa puso at isip ko...

Maya-maya pa'y sumabay na s'ya sa paggalaw. Ngunit bago niya pa magawa iyon ay pinaghiwalay ko na ang magkahinang naming labi.

"Satisfied?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

Ngunit nakatulala lang s'yang nakatingin sa akin na mababakasan ng gulat at pagkabitin na lihim kong ikinatawa.

"Ex... Pwede bang tayo na lang ulit?" Wala sa sarili niyang tanong sa akin.

Napangise naman ako dahil sa sinabi niya.

"Paano kung sabihin kong... Oo? Handa ka bang panagutan ako?"

FIN.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Story (MrTdC03)Stories to obsess over. Discover now