Kabanata 1 - Naiwan sa Nakaraan

33 1 0
                                        

Mag li-limang taon na sana kami ngayon. Iniisip ko, kung hindi ba nangyari ang araw na yun, masaya kaya kaming dalawa ngayon? Sana ba nakapag-diwang kaming dalawa ng anniversary namin? Ano kayang mangyayari kung hanggang ngayon kami pa rin?

Ilang buwan na akong nag-iisip pero nasasaktan lang ako. Sinasaktan ko lang ang sarili ko, kung sabagay dapat hindi na ko na iniisip yung mga bagay na matagal ng natapos.

Aaminin ko, siya ang paborito kong what was, what is at what if pero tapos na. Tama na dahil hindi na niya ako mahal.

"Kamusta kana?" mahinang tanong niya sakin at hinaplos ang buhok ko.

"Ayos lang ako. Bakit ba?"masungit kong sagot sa kanya kahit nanginginig na ang boses ko.

Nabigla ako nang bigla niya ako niyapos. Nanigas ang katawan ko at habang hinihigpitan niya ang kanyang pag yakap ay nanghihina ako. Pakiramdam ko ay maiaatang ko sa kanya ang buong pagkatao ko pag nagtagal pa ito.

"Alam kong hindi, kahit hindi mo sabihin. Kilalang-kilala na kita Marie. Maloloko mo ang iba, pero ako, hinding-hindi." bulong niya sa tapat ng tenga ko. Ang mainit niyang hininga ay lalong nag pahina sa mga tuhod ko.

Gusto kong maiyak. Bakit ko ba kailangang mag panggap sa harapan niya? Tingin ko, mas kilala niya pa ako kaysa sa sarili ko.

"Sorry kung hindi ko kayang pawiin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Alam kong hindi ako ang kailangan mo pero ito lang muna ang mabibigay ko." mahinang sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko na para bang ito ang magtatanggal ng sakit na nararamdaman ko. Mabuti na lang, mabuti na lang at nandito ka.

Unti-unting bumagsak ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Ang unfair ko. Hindi niya dapat nararamdaman 'to.

"Ron." pilit kong sinabi ang pangalan niya sa gitna ng paghikbi.

"Shh. Hindi mo kailangan humingi ng sorry." mabilis niyang tugon na para bang alam na niya ang mga susunod kong sasabihin sa kanya.

"Pero..." sabi ko ngunit pinutol niya ito.

"Isipin mo muna ang sarili mo, kaya ko ang sarili ko Marie."

"Salamat Ron. Maraming salamat." sabi ko at saka siya niyakap ng mahigpit dahil kahit papaano ay napapawi ang sakit. Ang sakit na hindi ko alam kung kailan mawawala.

"Basta't para sayo." tugon niya saka pinunasan ang mga luha ko.

Pagkatapos ng eksena na iyon, nag pasya na kaming umuwi. Hinatid niya ako sa bahay at siniguradong nakapasok ako sa gate bago siya tuluyang umalis. Laking pasasalamat ko dahil nandito si Ron para sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala siya. Hindi ko alam kung paano ko makakayanan harapin mag-isa ito.

"Hija, bakit ngayon ka lang umuwi? Nasaan si Ron? Hindi ka ba niya hinatid pauwi?" tanong ni mama pagkatapos kong mag mano sa kanya.

"Umuwi na siya Ma, baka pagod yun sa kakasama sa akin."

"Saan ba kayo galing anak?" tanong ni Mama at pinagpatuloy ang pagtutupi ng mga nilabhan niya.

"Sa plaza lang po, nag ikot at kumain."

"Sige, mukhang pati ikaw pagod din. Mag pahinga kana."

"Salamat Ma."

Humalik ako sa pisngi niya at saka pumanik. Alam kong pati si Mama nahihirapan na rin na makita akong ganito. Hindi naman talaga ako tahimik, hindi matipid mag salita at hindi rin tambay sa kwarto. Nag-iba lang talaga ang ihip ng hangin. Nagbabago naman talaga lahat ng tao na kahit gusto nilang bumalik sa dating pagkatao nila, hindi na maaari dahil sa maraming dahilan.

Di Na Kita MahalStories to obsess over. Discover now