Paano, Kailan, Saan?

41 0 0
                                        

Hindi ko na matandaan kung paano, saan, kailan at bakit ang mga ngiti ay nawalan ng kapit.

Paano naging itim ang mata. Walang makita saan man magpunta. Walang makitang liwanag kahit pa umaga. Paano nagsumula ang wakas. Paano nagwakas ang bukas.

Saan, saan pa ba dadako ang buhay na baliko. Saan pa ba iuuntog ang sarili para makatulog. Saan pa ba tatagbo upang di na ako habulin ng mga boses na hindi alam kung saan nanggagaling.

Kailan ba nagsimula ang lahat ng halusinasyon. Kailan ba nagsimulang mangatog ang mga tuhod na hindi naman gutom o pagod. Kailan ba matatapos ang pagbilis ng pintig ng pusong hikahos. Kailan tatahimik ang marahas na hangin, ginihinaw, nanlalamig sa tenga ay uhaw.

Bakit, bakit dinaranas ang gantong pighati. Balisa sa buong maghapon. Sa pagkalunod 'di makaahon. Tila may malaking kumunoy ang humihila sa ibaba. Manhid na, wala nang pandama. ngumingiti't masaya, lumuluha ngutin ang puso ay bato na.

Ako naman ito pero bakit ibang muka ang nakikita ko sa repleksyon ko.

-aia

Bulong ng IsispWhere stories live. Discover now