Bahagyang nilingon niya ang dalawa sa likod. Nakaramdam siya ng labis na pamimigat ng kalooban. Hindi niya akalaing ganito siya pag-isipan ng mga kaibigan. Dahil sa kaniya napunta ang mahalagang bato na iniingatan ng kanilang mahal na Inang Diyosa ay may kalakip na kaukulang kakayahang makarinig siya ng nasa isip ng mga nasa paligid niya. Mas lalo ang makakita siya ng mga magaganap mula sa kasulukuyan. Marahan na lang siyang napabuga ng hangin habang patuloy sila sa paglilibot sa lupain ng Acerria.

Mabilis na lumipas ang panahon muling nagbalik sa mundo ng Acerria si Herriena.

Ngunit sa pagkagimbal niya'y nakita niya ang nakalulunos na pangyayari sa mundong kaniyang iniwan kina Vermous. Nakaramdam siya ng labis na pighati, nagipuspos siya sa maduming lupa na may bahid na ng mga sariwang dugo. Hindi niya akalaing sa panahon ng pagkawala niya'y ganito ang madadatnan niya.

“Vermous, Yabbo, Lauke! Nasaan kayo? A-ano ang nangyari?”puno ng pagdaramdam na sigaw niya sa kawalan. Tila kay bigat ng mga paa niyang patuloy na umaapak sa dating berdeng lupa na ngayon ay nababahiran na ng mapupulang dugo.

Nanatili ang katahimikan sa buong paligid, ngunit naghuhumiyaw ang katotohanan na ang mundong kaniyang iningat-ingatan sa matagal nang panahon ay nawasak na.

Mabilis niyang ikinampay ang kanyang kamay kasabay ng pagliliwang ng kaniyang mga mata. Dahan-dahan siyang pumailanlang paitaas. Tuluyan siyang sinakop ng liwanag hanggang sa dalhin na nga siya sa panahon kung saan iniwan niya ang mundo ng Acerria sa panandaliang panahon.

Ngunit sa maikling panahon ng pagkawala niya'y maraming nangyari—mga pangyayaring hindi niya lubusang inisip na magaganap. Kitang-kita niyang ang mga pinagkatiwalaang mga nilalang at binigyan niya ng karapatang pangalagaan ang dalawang mundo ang siyang mangunguna sa pagkawasak.

Mabilis na dumaan sa kaniyang harapan ang mga pangyayari kung saan pinagtangkaan na patayin ng mga ito si Vermous ngunit nakatakas ito mula kina Yabbo at Lauke. Ipinatapon ng mga ito sa mundo ng mga tao ang una.

Kitang-kita niya kung paano babuyin ng hari ng lobo at zombie ang magkabilang mundo. Natuto ang mga itong maging sakim at ganid. Gumawa ng mga hindi kanais-nais na gawain ang mga ito. Katulad na lang pananakit, panggagahasa, pagkain sa mga laman ng tao at pagpatay sa anak ng lumikha sa lahat.

Unti-unti siyang bumulusok paibaba. Nagbigay iyon ng malakas na puwersa upang magising ang mga lobo at zombie mula sa kakahuyan ng Acerria.

Tigib ng nagdaramdam na damdamin ay tuluyang ginamit ng Diyosa ng Acerria ang kapangyarihan. Itinaas niya ang kamay kasabay ng pagbigkas sa mga salitang “Magmula sa araw na ito, kayong mga lahi ng zombie at lobo'y hindi na muling makakapunta sa mundo ng mga mortal. Maski ang kakahuyan ay hindi n’yo na mapapasok!” Puno ng hinanakit ang bawat bigkas ni Herriena.

Isang hindi nakikitang puwersa ang pumailanlang kasabay ng pagtilapon palabas ng mga zombie at lobo sa kakahuyang kinaroroonan ng mga ito. Mula sa mga puno at bato'y biglang nagkahugis at nagkawangis ang mga ito. Naging mabalasik na mga hayop at halimaw, nagsilbing bantay mula sa loob ng kakahuyan kung saan ang daan patungo sa mundo ng mga mortal. Natatanging may dugong bampira na lamang ang maaring makadaan at makalabas ng buhay.

Sa mundo naman ng mga tao, patuloy na naghahasik ng lagim ang dalawang lahi. Patuloy na nilabanan naman ng mga lahi ng bampira ang mga ito ngunit sadyang napakalas ng mga ito. Nagkalat sa buong paligid ang ilan sa mga bangkay ng mortal na nadamay sa digmaan na naganap sa tatlong lahi na hindi sinang-ayunan ng hari ng mga bampira na si Vermous. Nais ng mga lobo at zombie na tuluyang pagharian ang magkabilang mundo.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang bumuka ang lupa na kinatatayuan ng bawat isa sa kanila. Mabilis silang nilamon at ibinalik sa mundo mg Acerria. Kitang-kita nila ang galit na mukha ng mahal nilang Diyosa na si Herriena. Nasa mga mata nito ang labis na pagkadismaya.

Lahat sila ay napatingin sa diyosa na kanilang kaharap nang mga sandaling iyon. Nag-umpisa itong bumigkas. “Magmula sa araw na ito'y hinding-hindi niyo na mapupuntahan ang mundo ng mga mortal. Makakapunta lamang kayo roon kung ang isa sa lahi ninyo'y nagkaroon ng kaugnayan sa isa sa mga mortal!” Umalingawngaw ang tinig ni Herrirena sa magkabilang mundo.

Pagkatapos niyon ay marahan itong bumagsak sa lupa. Kasabay ng pagbagsak nito ay binalot ng nakakasilaw na liwanag ang lahat dahilan upang tuluyang mapapikit ang bawat nilalang sa magkabilang mundo.

Lumipas ang ilang daang taon, hindi pa rin nalilimutan ni Timothy ang naikuwento ng kaniyang ina na si Trinity. Katulad ng Diyosa ng Accerria ay ibinuwis din nito ang sariling buhay mula sa galit ng mga bathala sa tatlong lahi. Katulad ni Hesus ay isinakripisyo nito ang buhay para sa ikakaayos ng lahat. May nagawa mang kasalanan ang lahat ay naniwala pa rin itong may mabuting puso ang bawat nilalang.

Buhay niya ang naging kapalit ng kasalanan ng mga nilalang niya sa mundo ng Acerria. Upang bumalik sa dati ang mundo ng mga tao, maski ang tagong mundo ng Acerria na kanilang ginagalawan ay iniligtas nito bunga ng mga kasakiman ng kanilang lahi.

Ngayon ay matiwasay nang namumuhay ang lahat. Walang inggit at panibugho dahil ang lahat ng nilalang ay pantay-pantay. Nasa bawat nilalang lamang kung paano pakibagayan ang lahat ng kanilang kahinaan. . .

WAKAS...

HUNTING KENDRA(The Last Vampire)COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें