Prologue

21 1 0
                                        


"Sige na Ezaiah, sumama ka na muna sa papa mo."..naiiyak na usal ni Dame habang pinipilit ang kanilang walong taong gulang na anak na sumama sa kanyang ama papunta sa Conto De Fadas. Hindi kasi akalain ng mag-asawa na maagang lalabas ang kakaibang kakayahan ng anak. Ilang beses ng nagkaroon ng aksidente sa pinapasukan nitong paaralan ng dahil sa hindi sinasadyang paglabas ng kapangyarihan ng anak. Natatakot sila na baka may makaalam ng sekreto ng pamilya kung hindi makokontrol ng anak ang kapangyarihan nito. Kaya napagdesisyunan nilang ipadala muna ito sa mundo ng kanyang ama upang mapag-aralang kontrolin ang kakayahan meron nito.

"Ma, can you go with us?".. Naiiyak na din na tanong ni Ezaiah na hindi pa rin kumakawala sa pagkayakap sa ina. Ilang beses na din siyang nakapunta ng Conto de Fadas dahil sa dinadala siya ng ama doon, pero iba ang mangyayari ngayon dahil doon muna siya maninirahan pansamantala kasama ang ama.

"Gusto kong sumama pero hindi pwede. -".. Gusto mang samahan ni Dame ang mag-ama ay hindi na pwede, dahil hindi na siya makakatungtung kailanman sa kahariang yun dahil sa nangyari noon. "Sorry Baby, I can't. Wag kang mag-alala kasama mo naman si papa di ba? Hindi ka papabayaan dun. Nandun sina Lolo mo at ang tita Xyra mo. May mga kalaro ka din doon di ba..-"..paghaplos niya sa pisngi ng anak. Simula ng magkaintindi ang anak na si Ezaiah ay pinaliwag na nila dito ang kakaibang mundong meron sila, kaya kahit naturingang bata pa ay alam na nitong hindi siya normal gaya ng iba.

"Pero, wala kang kasama dito ma.. -".

"Hush baby, i'll be fine. Dadalawin mo naman ako di ba?"..

"Opo mama.. -"..sabay yakap ulit ng bata kay Dame. Napatingin naman si Dame sa asawa na nanunuod lang sa kanila at may bakas ng lungkot ang mga mata.

"Sige na baby, kailangan niyo ng umalis ni Papa.. -"..ng bumitaw ang bata ay agad itong kinarga ni Kiel.

"Mahal, wag ka ng umiyak pumapangit ka lalo eh.. -"..pagbabasag nito sa malungkot na atmosperyang bumabalot sa kanila.

"Nakakainis ka.. -".paghampas ni Dame sa braso ng tumatawang asawa. Maging ang anak ay ngumiti na din sa wakas.

"Wag kang mag-alala mahal, babalik din kami agad, di ba baby?"..

"Naman papa, ayokong mag-isa dito si Mama eh kaya gagalingan ko talaga para makauwi tayo agad at saka dadalaw naman tayo kay mama di po ba?"

"Of course baby.. "..sagot ni Kiel at ngumiti ng tipid kahit walang kasiguraduhan. Hindi kasi nila alam kung magiging madali sa anak ang pagkontrol ng kapangyarihan nito lalo pa't hindi lang isang elemento ang meron siya. Pero sana kayanin niya.






----------



Author's note:

Sequel Story po ito ng "Im Dame and this is my almost a fairytale story"  at ng "A road to a happily ever after"  pero yung anak na po nila ang bida sa story na 'to.

Thank you. 😘

EZAIAH ELYSIAN: The Untold Fairytale StoryWhere stories live. Discover now