MESSY POV
'Grabe ka-hassle sa school! Ang daming assignments, activities, tsaka requirements. Langya! Ka-haggard.'
Nagbihis agad ako ng pambahay na damit at saka nahiga sa aking kama.
'Haaaaah! Grabeeeee! Namiss ko na tong kama ko feeling ko talaga ilang taon akong di nakatulog dito.'
Nang unti-unting pumipikit ang talukap ng aking mata ay bigla namang bumukas ang pinto ng aking kwarto at may tumatalon-talon sa kama ko.
"Ateeeee! Alam mo bwa Ate bwinigyan ako ni Teacher ng stawrs tingnan mo oh!"tuwang-tuwa na sabi ni Jessy.
"Ano ba Jessy tumigil ka na! Nagpapahinga ako ei!"inis kong sabi.
"Ateeeee naman ei! Dito muna ako! Lalaro tayo ei! Tumayo ka na dyan."sabi nito at inalog-alog ako.
"ANO BA JESSY! SABI NANG NAGPAPAHINGA AKO EI! LUMABAS KA NA NGA!"inis na sigaw ko dito.
"Uwaaaah! MOMMYYYYYY! Waaaaaaaah! MOMMYYYYY!"umiiyak nyang sabi.
"Ano nanaman bang nangyayari dito Messy? Bakit umiiyak Jessy? Ano na naman bang ginawa mo kay Jessy?"inis na sabi ni Mommy.
"Si Jessy kase! Sinabihan ko nang nagpapahinga ako ayun nagtatatalon sa kama ko."inis ba sabi ko.
"Parang ganun lang Messy? Papaiyakin mo na yang kapatid mo."inis nitong sabi.
"Kitang pagod na pagod ako sa klase ko Mom tsaka hirap na hirap na nga rin akong mag-adjust sa shift ko ei. Ngayon na nga ako makakapag-pahinga ng maayos ei."inis kong sabi.
"Bata yang kapatid mo Messy! Alam mo namang mababaw luha nyan ei."sabi nito.
"Ewan ko sa inyo."inis kong sabi.
"Grounded ka this week Messy! No gadgets and ATM cards."galit nitong sabi at umalis ng kwarto ko.
"Blah! Blah! Blah! Pssh. Grounded daw akala mo talaga ei! Sarap din talagang isako ng kapatid kong yun na bida-bida."inis kong sabi.
Bumaba naman ako ng kama at kinapkap sa baba nito ang maliit na kabinet ko na nakalagay rito. Nang makapa ko na ay hinila ko ito. Binuksan ko naman ito at tiningnan ang mga perang nakalagay rito. Napansin ko naman ang litrato naming dalawa ni Ate Krissy.
'I really miss Ate Krissy kung andito sana sya edi ngayon may kakampi ako. Pssh. Buti nalang at di ako magastos. Magagamit ko rin toh.'
-------------------------------------------------------------
"Ate please tama na! Ayoko na! Uwaaaaa! Mommy tulong!"sigaw nito.
"Sa tingin mo matutulungan ka nila Mommy? No you're not!"sabi ko at ngumiti ng malademonyo.
Kinuha ko naman ang mga jolen at sinubo sa kanya isa-isa. Wala akong pake kung mamamatay sya dahil dyan. Pssh. Mas okay pa nga yun ei mawawalan na ng bida-bida.
"Ate di ako makahinga."sabi nito.
Tila nagbingi-bingihan ako at ang bawat pagsigaw nya sa sobrang pamimilipit ay musika sa aking tengga. Nang mapansin kong wala na itong buhay ay kumuha ako ng lubid at itinali ito sa kisame at doon ko sya isinabit. Habang palabas ng kwarto ay nakaramdam ako ng takot at pagkabalisa.
'Papatayin rin kita.' rinig kong bulong ng kung sino.
"WAAAAAAAAAAAAH!"sigaw ko at napabangon sa sobrang takot sa napanaginipan.
"Ayos ka lang ba Messy?"tanong ni Mommy at niyakap ako.
"Mommy si Jessy po?"tanong ko rito.
"Sinong Jessy?"takang tanong ni Mommy.
"Yung kapatid ko po?"tanong ko.
"Ano ka ba Messy may asawa't anak ka na di mo pa rin tanggap ang pagkamatay ng kapatid mo?"tanong ni Mommy.
"Mom I kill him. I kill my brother."umiiyak kong sabi.
"No baby you're not the killer. You didn't kill your brother."sabi nito.
"Mom maniwala ka saken pinatay ko sya."umiiyak kong sabi.
"Messy wag mong sisihin ang sarili mo. Di mo kasalanan yun it's Krissy. Di sya ikaw kaya kumalma ka lang Messy bago ka na naman kainin ni Krissy."sabi nito.
"Did you miss me Mom?"sabi ko at ngumiti ng malademonyo.
"Krissy your back?"taka nitong tanong.
"Do you like my gift for you? Or should I give you a new one."sabi ko.
"Krissy please lubayan mo na ang katawan ni Messy! Your ruining her life."sabi nito.
"Bakit Mom? Nung naghihingalo ako sa hospital pinabayaan nyo ko at di pa kayo nahiya ah! Patay na nga ako nun pero kinuha nyo pa ang puso ko at dinonote pa kay Jessy! Kaya bagay lang yun sa kanya. Sayang nga ei dapat pala chinopchop ko pa sya."sabi ko.
"Krissy please stop this!"pagmamakaawa nito.
"Now you're begging me? Sa tingin mo mapapatawad kita? No! Kahit ano pang gawin mo unless you will kill yourself in front of me."nakangiti kong sabi.
"Demonyo ka Krissy!"sabi nito.
"Matagal na ngayon mo lang nalaman."sabi ko rito.
Bigla nya naman akong sinabuyan ng holy water at sinuotan ng rosary. Nandilim ang lahat at natumba naman ako.
I'm Messy and I'm not an ordinary person. Minsan nagigising ako kung saan-saan na may katabing bangkay at ako ay punong-puno nang dugo. Tuwing magigising ako ay wala akong maalala kundi ay natutulog lamang ako sa aking kwarto. I kill a thousands of persons but I didn't know how I do it. My life is like a mess like my name.
