Uno: Ang Sultana ng Pinagbuklod na Kapuluan

Start from the beginning
                                    

     Napukaw ang atensyon ni Haliya matapos niyang marinig ang tanong ni Lilagretha. May kakaiba sa tanong ng rani at hindi niya ito lubos na nagugustuhan. Tila may tinatago muli sa kanya si Anastacio.

     Isang ngiti ang sinagot nina Tacio at Naida kay Lilagretha. Buo na ang loob ng mga matatandang babaylan sa kung ano man ang ibig sabihin ng rani sa kanyang katanungan.

     Biglang lumiwanag ang buong silid sa tore. Nasa hindi-kalayuan sina Saavedra, Simeon at Selena na nagtutulong-tulong upang magbukas ng isang temporyal na patungo sa Namayan. Sa kanilang lahat na naroon, tanging si Simeon pa lamang ang nakapunta sa Namayan kaya’t siya ang Nagbubukas ng temporyal. Tinutulungan siya nina Leena at Saavedra sapagkat malaking enerhiya ang kanilang kakailanganin upang gumawa ng lagusan sa napakalayong lugar mula sa Minolo. Natapos na ang kanyang paghahanda; nalikha na nila ang daanan patungo sa Namayan.

     “Mag-iingat kayong lahat sa Namayan. Rani, nawa’y maging matagumpay ang inyong pakikipag-usap kay Sultana Bu’an.” wika ni Saavedra.

     “Susunod kami agad sa inyo kapag natapos na kami sa mga kinakailangang paghahanda dito sa Minolo.” dagdag naman ni Simeon.

     Dedma at walang kahit anong sinabi si Selena ngunit nabatid ni Haliya na nakatitig sa kanya ang kanyang tita. Gamit ang kanyang bertud na pulseras, ang Ladlaw, na may kakayahang marinig ang iniisip at sinasabi ng isang tao ay nabatid ng dalaga ang tahimik na pahayag ng kapatid ng kanyang ina. “Mag-ingat kayo sa Namayan. Sana matapos na ang lahat ng ating problema. Iadya kayo nawa mula sa kapahamakan.”

     Inayos muna ni Lilagretha ang kanyang sarili bago siya naglakad papunta sa temporyal. Payak na kasuotang asul na pantaas at pulang palda ang kanyang suot upang hindi siya makaagaw ng atensyon habang siya ay nasa Namayan. Isa pa, nais niyang magpakumbaba sa harapan ng sultanang kanyang kakausapin upang tulungan siyang lapatan ng lunas ang matagal na niyang bitbit na hinaing sa loob ng kanyang katawan. “Halina! Pupunta na tayong Namayan!” sigaw ng rani na mabilis na tumakbo papalapit sa temporyal.

     Nagtinginan sina Haliya, Venus at Rosendo. Parang sabik kasi si Lilagretha na nagtungo papunta sa temporyal na tila isang batang gagala sa isag panibagong lugar. Sumunod din naman ang kanyang grupo makalipas ang ilang sandali.

     “Anastacio, hindi mo pa sinasabi kay Haliya, hindi ba?” tanong naman ni Zenaida.

     “Hindi na niya kailangan pang malaman ang ating gagawin, Naida.” tugon naman ni Tacio sa matandang babaylan.

     “Malalaman din niya ang ating gagawin. Bakit hindi mo pa sabihin habang maaga pa, habang may panahon ka pa?” mapilit namang usig ni Naida kay Tacio.

     “Ngayon pa lang kami ulit nagkita Naida. Hindi naman tama na salubungin ko ng pighati ang galak at tuwa na pinamalas sa akin ni Iya. Sa takda at tamang panahon, sasabihin ko din sa kanya.” pagtatapos ni Tacio na tumungo papalapit sa temporyal. Sinundan naman siya ni Naida.

     Matapos makapunta ng lahat sa temporyal ay tila nilamon silang lahat ng nakakabulag na liwanag. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na silang lahat sa tore ng Minolo.

***

     Matalas na kumislap ang mukhang walang mga mata ni Galang Kaluluwa. Natanaw niya ang isang kislap ng pagkakataon na matagal na niyang hinihintay. Nagmadali siyang nagtungo sa trono ng Banwa upang iulat ang kanyang natanaw sa malayong bansa ng Minolo.

     “Banwa, patawarin ninyo nawa ang aking panghihimasok habang ikaw ay nagpapahinga ngunit may mahalaga akong balita na dapat iparating sa inyo.” usal naman ni Galang Kaluluwa kay Banwa na bagot na bagot na nakakalumbaba sa kanang kamay nito habang nakaidlip.

ATAS: Ang Misyon ng DayanghirangWhere stories live. Discover now