Kailan? (POEM)

104 8 7
                                    

***

Yung tipong ang tagal niyo nang mag bestfriend and then one day bigla mo na lang mari-realize na may something special ka nang nafi-feel para sa kanya. Hindi mo alam kung paano o kung dapat mo bang sabihin yung nararamdaman mo kasi baka pag sinabi mo mawala lang yung friendship na iniingatan niyo. 

***

KAILAN? 

Written by YummyCooKies // K

Tuwing ika'y aking tinititigan

natatanong ko aking sarili kung kailan

Tayo ay tunay na magkaibigan

Di matatawaran ating mga pinagsamahan

Sa pagdaan ng oras at panahon

Bagong damdamin ang umusbong sa akin ngayon

Di ko alam paano sasabihin

Ito ba'y dapat kong aminin

Sa mga mata at ngiti mo

ako ngayo'y sobrang nalilito

Sa isang araw di maaaring ika'y di ko isipin

Di ko na maiwasan itong aking damdamin

Mabilis ang pag tibok nitong puso ko

sa tuwing ako'y tinitingnan mo

Paano ko ba ipagtatapat sa'yo

Nakakatakot na baka lahat sa atin ay magbago

Pag-ibig na nga yata itong aking nadarama

Kailan ko kaya masasabi sayong MAHAL KITA?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kailan? (POEM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon