"What do you mean? Siguraduhin mong maganda ang dahilan na iyan dahil kung hindi ipapa-expel ko kayo!" Inis na sabi ko at ngumisi pa ito saka umiling. Saka tuluyan niya na akong hinarap. Nakita kong pinigilan siya nung isa pero nagtuloy parin ito.

"Tss. He called last night at sinabing sasamahan niya raw muna iyong girlfriend niya." Nakangising sabi niya at napaawang ang bibig ko sa narinig.

S-Seriously? May girlfriend na siya? WTF?! Aba't hindi ako na-inform.

"And who's that unlucky girl?" Pigil ang pagkainis na tanong ko saka tumaas ang isang kilay ko.

"Sagot!" Naiinis na ako dahil na rin sa nalaman ko ngayon lang. How dare him? Bakit wala man lang siyang sinabi saakin?

"Tss. That was what he said. He'll just take care of her. Huwag kang mag-alala 'cause even us nagulat sa sinabi niya. Hindi man lang ipinakilala saamin." Nakangiwing sabi niya at napapikit nalang ako saka bumuntong hininga.

Hay! Ang lalaking iyon talaga!

"Kaya pala nilayuan niya si Ellaine noong nilapitan siya nito noong magpunta kami sa Bar last Friday." Dag-dag naman nung isa niyang kaibigan na nalimutan ko na ang pangalan.

Wait! Last Friday? E iyon yung araw na magpunta siya sa mansyon, ah.

"What time did you hung-out?" Seryosong tanong ko.

"Tanghali kami nagpunta roon. Siguro mga six o'clock naman siya umalis."

Oh! So dumiretso siya sa bahay na nakainom? Takte talaga!

"Alam niyo den kung asaan siya ngayon, Baltazar?" Tanong ko at nagulat naman siya sa itinawag ko sakanya. E sa hindi ko alam pangalan niya e.

"Ummm...Ang sabi niya nasa may ospital daw siya. Pero ang hindi niya sinabi ay kung saang ospital niya idinala iyong gf niya." Wika niya saka tumango na lang ako at tinalikuran sila't naglakad.

I need to see him at para makita ko na rin kung sino ang kinababaliwan niya.

"By the way," Lumingon ulit ako sakanila.

"Salamat sa impormasyon, three wise men." Kumindat ako sakanila saka ngumisi at kinawayan sila. Cute nilang tatlo. Cute nilang pag-uuntugin.

Habang naglalakad ay medyo may clue na ako kung asaan siya. Maaaring doon siya sa ospital na pag-aari nila, malamang. Lagot talaga siya saakin!

"WAHAHAHAHAHA!" Halakhak ko na parang mangkukulam. Umalingaw-ngaw ito sa buong hallway kaya napatakip ako kaagad sa bibig ko.

Hindi naman ako nababaliw, diba?

Agad akong nagtungo sa may parking lot ng school para kunin na ang mahal kong motor na si Dark.

Habang naglalakad na ako papunta doon ay may narinig akong kumakanta, at pamilyar ito saakin. Napaka-ganda rin ng boses na ito ng isang babae.

But that lullaby is very familiar.

" I will be here for you..."

" Eventhough I'm far away..."

" Always remember I am forever within your heart..."

" I promise..."

Ang kantang iyon. Walang kahit na sinong makakaalam ng lyrics ng mga iyon dahil,

Dahil si Mama lang ang madalas kumanta nun saamin ng kapatid ko.

Heiress(Part One:COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora