Malaki ang aking paghanga
Sa katulad niyang dalaga,
na walang kapantay ang ganda
at nakakaakit pa.
Ang sarap niyang pagmasdan
Kung tingnan sa malayuan;
Sa kaniyang kagandahan
at taglay niyang katalinuhan,
Kaya ako'y napalaban
Sa aming pinag-usapan,
Parang ako'y natauhan
marami akong natutunan.
Ang aking hinahangaan,
Aking pinahahalagahan
ang mga pagsasamahan
hindi ko malilimutan.
