"Elzyah! Ayusin mo yang nakabusangot mong mukha! Darating ang mga tiya mo tas Yan ang ibubungad mo!" Sermon sa kanya ni Elena, ang kanyang ina.
Derederetsong nagtungo sa kusina si Elzy para kumuha ng tubig sa ref. Binuksan niya iyon at kumuha ng pitsel at naglagay sa isang baso at saka ininom.
"Ma, kasalanan ko ba na kung anong iginanda ng pangalan ko ay siya namang ikinapanget ng may ari" inis na sagot ni Elzy at ipinatong ang baso sa may tabi ng lababo.
"Ewan ko ba sayo at pinakikinggan mo ang pinagsasasabi ng mga tsismosa nating kapitbahay!" Tila ba ay nagpaparinig ang boses ni Elena sa mga ale na nakatambay sa tindahan na katabi lamang ng kanilang bahay. Sinadya nya talagang laksan iyon upang marinig ng nasa labas.
"Kung ako sayo Elzyah, lumabas ka nalang ng bahay at maglibot libot. Hindi ako makapaglinis ng ayos sayong bata ka!" dagdag pa ni Elena at kinurot sa tagiliran si Elzy.
Tatakbong lumabas ng bahay si Elzy na nakabusangot ang mukha. Napayuko siya ng may mayapakang papel. Binuklat niya ito at binasa ang nilalaman.
"To All Students of Herbert University, this is the list of contest that you may like:
Vocal Solo
Cooking Contest
Artistic Contest
Sabayang Pagbigkas
Teatro
Pagsulat ng Sanaysay
Story Telling
If you want to join. Kindly go to the information desk and look for Denise Castillo for you to be list in the following contest" pagbabasa niya sa nakasulat sa papel.
Sigurado siya na galing ito sa paaralan nila. Sa Herbert University rin kasi siya pumapasok. Napaisip siya. Gustong gusto niyang sumali sa mga gantong patimpalak. Ngunit wala siyang lakas ng loob para sumali. Sa totoo lang ay nahihiya lang siya. Natatakot kasi siyang magkamali sa oras ng laban.
Nagulat siyang ng liparin ang papel na hawak. Sinubukan niya pa itong habulin ngunit siya pa ang napahamak. Napasubsob siya sa putikan. Ang lagkit pa naman nito sa katawan at mahirap alisin.
Itinayo niya ang sarili at iwinisik ang putik na nasa katawan niya.
Mas lalo siyang napikon. Bukod sa hindi niya natandaan ang pangalan ng tao sa information desk ay nalublob pa siya sa putik.
'Isa sa pinakamalas na araw sa buhay ko' sabi niya sa isip at naglakad pauwi ng bahay.
Natanaw niya mula sa gate ang nanay niya na nakikipagkwentuhan sa kanyang mga tiya sa may sala. Nakabusangot ang mukha niya na pumasok ng bahay.
Natigilan ang lahat ng nasa loob pati ang nanay at mga tiya niya.
"A-Anak, anong nangyari sayo?" may halong pagtataka sa boses ni Elena.
"Mahabang kwento! Atsaka wala ako sa mood ma" sagot ni Elzy habang nakapamewang at pumasok sa banyo.
Sa loob siya nagpapadiyak sa inis. Para siyang naglalakad na tsokolate na natunaw sa araw.
Itinuon niya ang ulo niya sa pader at hinayaang umagos ang tubig na nagmumula sa shower pababa sa kanyang katawan.
"Bakit sa putik pa ako bumagsak! Pwede namang padapain nalang ako!" inis na singhal niya sa sarili habang kinukuskos ng towel na may sabon ang balat na may bahid na putik.
Nang matapos siya sa panliligo ay nagtungo siya sa kwarto niya at nagbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay pabagsak siyang humiga sa kama at tumingala sa kisame.
Inaalala niya kasi kung sasali ba siya sa paligsahan. Nangingibabaw kasi sa kanya ang kaba at takot na baka magkamali at pagtawanan ng mga tao.
Ipinilig niya ang ulo niya at sinampal ng mahina ang pisnge para bumalik sa ulirat. Napagpasiyahan niyang lumabas muli kahit natatakot maligo na naman sa putik.
"Mag iingat na talaga ako" pangako niya sa sarili niya.
Derederetso siyang naglakad at di alintana ang init ng araw. Hanggang sa mapatigil siya ng mahagip ng mata ang magagandang bulaklak sa Isang Hardin.
Nakita niyang bukas ang gate kaya pumuslit siya papasok. Gusto gusto niya kasi ang halimuyak ng mga bulaklak Pati na rin ang kulay ng mga ito.
Pumitas siya ng isang bulaklak at inamoy ito. Umikot ikot siya para damhin ang mabangong halimuyak at ang hangin na humahampas sa kanya.
DU LIEST GERADE
Perfectly Imperfect
RomantikMay mga tao talagang huhusgahan ka sa panlabas na anyo at hindi sa loob. Ni Perpekto man o hindi ay huhusgahan ka. Then, Who are they to judge you right? Witness Elzy's story, she is a girl. An average girl. She loves to sing but not as confident a...
