Ulan, ulan,ulan
Saan ka nanggaling?
Ikaw ba ay luha
ng kalangitan?
Ulan, ulan, ulan
Saan ka nagbuhat?
Totoo bang ikaw
Ay galing sa dagat?
Ulan, ulan, ulan
Nang ikay dumating
Ang aking pagtulog
Ay naging mahimbing.
Ulan, ulan, ulan
isa kang biyaya,
na didilig sa lupa
at dadaloy sa sapa.
