CHAPTER ONE :

6 0 0
                                        






     ALAS TRES NA NG UMAGA  nasa harap pa rin ng laptop niya si Spark. mabilis na tinitipa ng mga daliri ang mga tiklado. na wari'y nagpapaligsahan sa bawat tiktak ng orasan. Nakabuhos ang atensyon niya sa ginagawa kaya di niya nararamdaman na malakas na pala ang ulan sa labas.

Patuloy parin kasi ang pagdaloy ng ideya sa kanyang utak kaya hindi niya kayang sayangin ang bawat minutong dumadaan.Napahikab siya, saka naman kumalam ang tiyan. She remember, hindi pa pala siya kumakain ng dinner.  Masyadong nakatuon ang konsentrasyon niya sa isinusulat  na manuscript para sa isang publishing house, kaya pati pagkain nalimutan na niya. Dahil sagana pa sa ideya ang utak ipinagpatuloy niya muli ang pagtitipa.  Napangiti siya sa outcome ng ginawa, nakatapos siya ng apat chapters sa isang gabi. 


Sumapit ang ika-3 ng umaga. May kalamigan na ang kanina'y maalinsangan na panahon. Huminto sa pagtatype si Spark. Marahan siyang tumayo at inunat-unat ang nangalay na braso at binti. Ini-off niya ang may kalumaang electric fan. Nang-apuhap ng wardrobe sa cabinet at isinuot. Pumunta siya sa may kaliitang kusina niya at nagpakulo ng tubig. Kelangan niya ng energizer. Her old time favorite, ang Kape. Coffee is life nga talaga. Nang makitang kumulo ang tubing sa takure,nagsalin na siya sa kanyang tasa at nagtimpla , black coffee no sugar solved na.
"Hmm, this is what you called life" aniya sa sarili habang inaamoy ang mabangong aroma ng kape.
Ineenjoy pa niya ang kanyang kape ang makaramdam siya ng malakas na pag-ihip ng hangin at ng sundan niya ng tingin kung saan nangagaling Nalimutan din pala niyang isara ang bukas na bintana, Dala-dala ang puswelo ng kape ,tinungo niya  ang bintana at isasara sana yun nang mapansin ang malakas na patak ng  ulan.

"Ahh, kaya pala, may sira na talaga ang pahanon." aniya sa isipan.
"Kahapon lang ang init-init tapos ngayon parang ililipad ang bahay na kinaroroonan niya. Nawala na din ang tuluyan ang kanyang antok. Madaming tumaktakbo sa isipan niya pero ngayon tatawagan nalang siguro niya kung sino pa ang gising na mga kaibigan. Meron pa nga ba.Naiiling nalang siya habang tuluyan ang sinara ang bintana.

.

=================

.

" And the winner issss ......... Candidate No. 11.......
Miss Mary Mj Jane Moran" Masayang  anunsyo ng Host ng nasabing  Pageant ng mga sandaling iyon.


Pakiramdam ni Mj tuluyan ng tumigil ang pag-inog ng mundo. Maging ang sariling paghinga ay huminto din. Napalitan iyon ng malakas na tambol ng kanyang puso. Hindi pa rin nagsisink in sa kanya ang sinabi ng Host.


" Congrats Mj ikaw ang nanalo. Oh! tinatawag ka na." nakangiting bati sa kanya ng kapwa Contestant na nasa tabi niya.Pakiramdam niya'y namanhid ang buong katawan sa tensyon. Pero sa kabila ng ito'y nagsimulang lumandas ang masaganang luha sa kanyang pisngi.


Hindi siya makapaniwala .

Siya ang tinanghal na panalo ng Search for Miss Phillippines 2019. Siya na isang simpleng " Mary Jane Moran. Siya na biniyayaan ng pambihirang pagkakataon na mapili at sasabak sa gaganaping Miss International sa susunod pang mga buwan na gaganapin sa Italy.Para siyang nagising nag marinig ang masigabong palakpakan at paswitan ng mga audience

."Thank you Lord,I did It! " nausal niya.


Naitakip niya ang dalawang palad sa mukha upang pigilan ang paghulagpos ng hikbi.Bagamat inaasahan na niya ito dahil malakas ang pakiramdam niya na mananalo siya. Gayunpaman hindi pa din niya mapigilang magulat ng marinig ang pangalan niya.


Siya ang huling finalist na tinawag, May kanya-kanya na silang pwesto sa magic five . Nasagot din niya ng maayos ang final question.Tumutok ang spotlight sa kanyang kinatatayuan.Lalo niyang naramdaman ang pagmamalaki sa kanyang nakuhang tagumpay.Lumapit ang apat na finalist sa kanya at binati siya. Pinaligaran siya ng court ng paupuin siya at patungan ng korona.Sa pagkakataong iyon , hinayaan niyang malayang maglandas ang luha sa kanyang mga pisngi.Para sa kanyang magulang ang tagumpay na natamo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE ,FRIENDSHIP  and DISGUISE Stories to obsess over. Discover now