pakilig😅

445 11 11
                                        

Naglalakad si Girl sa hallway ng school building, nang mabangga nya ang isang gwapong lalaki..
GIRL: Ay sorry.. Di ko sinsadya.
BOY: (Pinupulot ang nalaglag na gamit) Bulag ka ba?! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!!
GIRL: Sorry na nga e.. Di ko naman sinasadya. Nagmamadali kase ako..late na ako.
BOY: ako kung nagmamadali ka.. Antanga tanga mo.. Bwisit ka.. Panira ka ng araw!! Dyan ka na nga !! (binangga si girl sa balikat sabay madaling umalis)
Maluha-luha si Girl dahil sa masasakit na sinabi ni Boy sa kanya at sa kahihiyan na inabot nya madami kaseng mga estudyante ang nakakita sa nangyari..
GIRL: (may nakita sa floor,isang kwintas na may pendant na heart) sa masungit na lalaking yun siguro ito, sa isip-isip nya
Itinago ni Girl ang kwintas, at agad nyang naisip na ibalik ito sa masungit na lalaki ngunit male-late na sya sa klase kaya napagpasyahan nyang bukas na lamang nya ito isasauli..
*KINABUKASAN*
BOY: (Kausap ang Bestfriend nya) pare, ano na gagawin ko? Naiwala ko yung Kwintas.. Mahalaga saken yun.. Regalo saken yun ni mama bago sya mawala.
BESTFRIEND NI BOY: Baka kung san mo lang nailagay.. Alalahanin mo mabuti..kaw naman kasi.
BOY: (natigilan, may biglang naalala) Yung babae kahapon!! Yung nakabangga ko, kasama yatang nahulog ng gamit ko yung kwintas.. Baka nakita nya yung kwintas at pinagkainteresan..
Nagmadali si Boy na nagtungo sa hallway kung saan sila nagkabangga ni Girl Kahapon. Pinagtanung-tanong nya kung saan makikita yung babaeng hinahanap nya..
MAYA-MAYA..
ESTUDYANTE: Yung babae ba na nakabangga sayo kahapon ang hinahanap mo?
BOY: Oo, Alam mo ba kung san ko sya makikita?
ESTUDYANTE: Ah.. Oo nandun sya sa Library.. Dun ko sya madalas makita twing lunch break
BOY: Sige salamat..
Nagmamadaling umalis si Boy upang puntahan ang kinaroroonan ni Girl..
*SA LIBRARY*
Papalabas na si Girl ng Library dala ang librong hiniram nya nang maalala nya ang kwintas na itinabi nya sa kanyang bag.. Kinuha nya ito at pinagmasdan..
GIRL: (pinagmamasdan ang kwintas) napakaganda naman nitong kwintas at mukhang mamahalin, napakahalaga siguro nito dun sa masungit na lalaking yun.
Maya-maya pa'y papalapit na si boy sa Library nang makita ni Boy si Girl na hawak ang kwintas, dali-dali nitong nilapitan ang babae.
BOY: hoy babae.. Bakit nasayo yan??! Siguro balak mong ibenta yan noh?! Siguro sinadya mo akong banggain kahapon para makuha mo yan.. Magnanakaw ka pala!!
GIRL: Hindi.. Di totoo yan.. Balak ko nga isauli sayo to ngayon.. Tsaka hindi ako magna….
Bigla na lamang hinablot ni boy ang kwintas na nasa kamay ni Girl bago pa maituloy ng babae ang kanyang paliwanag..
BOY: Wag ka na magsinungaling.. Huling huli na kita.. Magnanakaw ka!! Alam mo ba kung gaano kamahal to ha??!! palibhasa mahirap ka eh, pag nakakakita ka ng mamahalin na gamit pera kaagad ang nasa isip mo!! Gusto mo kaagad pagkakitaan!! Hampas-lupa ka!
GIRL: Oo tama ka, mahirap lang kame, patay gutom, hampas lupa.. Oo totoo yun.. Pero ito lang sasabihin ko sayo Mr. Richkid, mahirp lang kame, hamak na labandera lang ang nanay ko, pero hindi nya kame pinalaki para manlamang ng kapwa at magnakaw.. Pinag aaral nya kame ng mga kapatid ko sa marangal na paraan.. Palibhasa hindi mo maranasan ang buhay mahirap kaya ganyan ka na lang manghusga samin.. Yang kwintas na yan.. Balak ko isauli yan sayo.. Hindi ko pag iinteresan yan kahit kailan..
Dali-daling umalis si Girl habang umiiyak..
natameme na lang at parang nakosensya sa mga masasakit na nasabi nya kay Girl
BOY: teka miss.. Sandali….
Itutuloy……
Comment 👇 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 05, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

pakilig story😍Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora