~÷°prologue°÷~
Bata pa lamang si Lia ng mamatay Ang kanyang mga Magulang sa isang aksidente,dahil doon nawalan sya ng pakialam sa mga nasa paligid niya,naging masungit at laging na ka pokerface Ang mukha niya,nakalimutan nya na ring tumawa paminsan minsan,"stone girl" yan Ang karaniwang tinatawag sa kanya ng mga tao dahil sa malabatong ugali at emosyong tinataglay niya. Ngunit Ang mas magandang nangyari sa buhay niya ay ang pagiging matapang at pagkakaroon nya ng tiwala sa sarili.Bago mamatay Ang mga magulang niya ay may naiwang sulat para sa kanya na naging sanhi ng sobrang pagkagulat niya,hindi man nya gustong lumipat ay nararapat,dahil mayroon siyang mabigat na responsibilidad na gagampanan, at sa pagpunta niya dito'y may hindi inaasahang malalaman at makikilala, ito kaya'y may kinalaman sa kanya?Ngunit paano kung pinagtagpo sila ng panahon pero hindi itinadhana sa tamang pagkakataon.Handa kaya siyang labagin Ang nasa propesiya? O hahayaan nya na lamang na mangyari Ang mga bagay na dapat mangyari?.
---------------------------------------------------------------------------------------------
--Lia--
Madalas akong nakatingin sa kawalan sa may harap ng aking bintana, nagdarasal na sana'y mawala ang lahat ng sakit na nadarama.
Paminsan minsa'y napapahikbi bakit emosyo'y laging nakabigti, tila wari ko'y nakakulong sa isang malagim at madilim na panahon kung saan lahat ng sakit ay nagtitipon tipon.
Bawat araw na gumigising ako parang gusto ko na lamang mawala sa mundo.
Mahigit ilang dekadang taon na ang lumipas magbuhat ng mawala ang aking mga magulang,walang Oras,araw,segundo at taon na hindi ko sila naaalala.
Gusto ko mang limutin ang malagim na trahedya nayon sa aking buhay ngunit hindi ko alam kung paano ito sisimulan.Nawalan ako ng pakealam sa paligid at naging malamig na rin ang pakikitungo ko sa mga tao.
Tuwing dumadaan at namamasyal ako sa labas ng aming bayan, tila mga tao dito'y nananahimik sa tuwing nasisilayan ang pigura ko.
Pagkatakot at pangamba yan ang masisilayan mong guhit sa kanilang mga mata,batid ko'y Isa ako sa katakot takot na nilalang sa kanila.
Oo hindi ako katulad nila,hindi ako isang ordinaryong tao lamang na maaaring makisalamuha sa kanila. Dahil ako ay isang -----
Nabalik ako sa aking huwisyo ng narinig Kong tinawag ako ni Yaya Sena.
Simula ng mawala ang aking mga magulang ay siya na ang naiwang tagapag alaga sa akin, iniwan ng aking mga magulang ang lahat ng aming ari arian at inilagay sa pangalan ni Yaya.
"Lia,maiwan muna Kita dito at may bibilhin lang ako" sigaw ni yaya Mula sa ibaba.
"OK" maikli Kong sagot sa kanya. Ng mapatingin ako sa dakong kaliwa,muli Kong nasilayan ang puting papel na nakapatong sa cabinet na sa alaala ko'y hindi mawawala
Flashback...
Napakaingay ng buong paligid wala kang maririnig kundi ang mga patak lamang ng ulan na nanggagaling sa labas.
Alas yete na ng gabi heto ako at nagmumuni muni habang nakadungaw sa bintana at nag aantay sa pagdating nina mommy at daddy.
Kanina pa pauli uli si yaya dito sa aking kwarto at pinipilit akong patulugin,bukas na ang pinakahihintay Kong mahalagang araw sa buong buhay ko,at ito ang pagdiriwang ng pasko.
Nakalipas na ang limang oras ngunit wala pa rin akong nakikitang anino ng aking mga magulang kaya minabuti kong humiga na lamang sa aking kama at hahayaang lamunin ng antok ang aking sarili.....
Pabagsak na sana ang talukap ng aking mga mata ng bigla ko na lamang narinig ang tunog ng telepono...sa lakas at gulat ko rito'y tila parang kaba sa aking dibdib ay namumuo
Kukunin ko na sana at sasagutin ang tumatawag sa telepono ng kasalukuyang bumukas ang pinto ng aking kwarto,iniluwa nito ang naghahakay na si Yaya Sena papunta sa kinalalagyan ng telepono
"Hello good evening,this is Carter's residence,how can I help you?"...antok na antok na sagot ni Yaya sa nagsasalita Mula sa telepono
--makalipas ang 2 segundo'y muli na namang nagsalita si Yaya.
"What??OK, on the way na" sigaw ni yaya na tila nakapagpawala sa matamlay niyang sistema subalit bakit tila puro pangamba,kaba at takot ang aking nadarama ng bigla na lamang siyang tumingin sa aking direksyon kalakip ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ba ang problema.
Niyakap at hinagkan ako maigi ni YAya na halos Hindi na ko makahinga
"Yaya?wha--t happe--ned?"utal kung tanong kay yaya dahil Hindi na ko makahinga ng maluwag. Gusto Kong malaman kung ano Ang nangyari sa pag uusap nila ng nasa telepono
"Lia matulog ka na,hindi ka na dapat gising ng ganitong Oras" sagot ni yaya,ngunit bakit Hindi nya masagot Ang isang simpleng tanong ko sa kanya
Imbes na tanungin ko ulit Siya ay minabuti ko na lang na sundin Ang utos niya dahil hindi dapat nagpupuyat Ang labing isang taong gulang na bata tulad ko.
Hiniga at kinumutan ako ni yaya, pagkatapos ay kinantahan nya ako ng lullaby na dati rati'y sabay na kinakanta ng aking mga magulang.
Naramdaman ko ang antok sa aking buong sistema at sa kalauna'y Di ko namalayan ang pagtiklop ng talukap ng aking mga mata.
Nagising ako sa isang maliwanag at may sikat na araw,naalala ko ay hindi ko pala naisarado kagabi ang bintanang aking pitagtambayan.
Ngunit sa isang saglit ay napuno ng saya ang aking buong sistema ng maalala kong araw na nga pala ng pasko ngayon kaya naman dali dali akong lumabas sa aking silid at bumababa upang tingnan kung mayroon ng salo salong inihanda ang aking mga magulang subalit namuo ang pagkadismaya sa akin ng Makita kong wala man lang nakahain sa hapag kainan kundi ang mga ordinaryong agahan lamang namin na kinakain tuwing umaga.
"Yaya" tawag ko kay yaya ngunit laking gulat ko ng wala man lang sumagot sa akin kundi ang Isa lang naming katulong,Wala na akong nagawa ng kausapin na ako sabihing umalis lamang daw si Yaya Sena at may aasikasuhing importante.
Bumalik ako sa aking kwarto pagkatapos sabihin yon ng katulong namin dahil sigurado akong tungkol lamang sa pamilya ang aasikasuhin ni Yaya Sena.
Umupo at yumuko ako sa tabi ng aking kama ng mapansin kong may isang sobre na nakapatong sa ibabaw ng aking cabinet.Hindi ko alam kung saan galing ito dahil Wala akong maalalang naglagay nito dito kaya dahil sa curiosity ko ay bunuksan at tiningnan ko ito.
Laking gulat ko ng malaman Kong para Sakin pala ang sulat na ito
Dear Lia Athena Venush Carter,
Athena anak,alam kong ngayong binabasa mo ito'y Wala na kami,ngunit nais ko lamang ipabatid sa iyo na ikaw ay hindi isang ordinaryong Tao lamang.Mahirap ipaliwanag ngunit nais kong matanggap mo ang iyong buong pagkatao ng walang pag aalinlangan.Ilang taon naming itinago sa iyo ang katotohanan subalit sana'y mapatawad mo kami ng iyong ama. Ikaw ay nakatakda,malaki ang responsibilidad mo bilang isang prinsesa,ako at ang iyong ama ay Hari at reyna sa ating kaharian at ikaw lamang ang kaisa isang tagapagmana ng trono,nawa'y patawarin mo kami kung hindi ka namin matutulungan sa iyong responsibilidad,Patawarin mo rin sana kami kung ikaw ang naging kabayaran sa aming paglabag sa propesiya noon.Sana ay malabanan mo ang kasamaan at manaig ang kabutihan sa ating mundo.Sana'y ikaw ang manatili at manalo sa inyong dalawa ng nakatakda.Nawa'y wag kang padadaig sa iyong nararamdaman bagkus ay gamitin mo ang iyong utak.
'only one will remain and the other one will succumb'
Tandaan mo ito dahil ito ang pinakamalalang mangyayari sa buong Buhay mo,basta tandaan mong anjan lang kami lagi sa tabi mo handang umagapay at protektahan ka.
Love,
mommy and daddy
Pagkatapos kung basahin iyon ay patuloy nang bumuhos ang luha ko.
End of Flashback.
Hanggang ngayon ay sariwa parin ang sugat na tinamo ko sa aking nakaraan kaya naman ni pagtawa ay nakalimutan ko ng magawa.
At ako si Lia Athena Venush Carter the pure Goddess of all, na magsisimula ng lakbayin ang pinakamalaking hamon ng buhay ko.
A/N
This is my first story sa wattpad and I hope you'll like it
VOUS LISEZ
The Painful Prophecy(Aristocracy Academy)
FantasyBata pa lamang si Lia ng mamatay Ang kanyang mga Magulang sa isang aksidente,dahil doon nawalan sya ng pakialam sa mga nasa paligid niya,naging masungit at laging na ka pokerface Ang mukha niya,nakalimutan nya na ring tumawa paminsan minsan,"stone g...
