"Sir, illegal parking po tayo." Bungad nito sa kanila.

Mabilis na napatayo nang maayos ang dalawa. "What?!" sabay na hindi makapaniwalang tanong nila.

"This part of town is a tow-away area," pag-explain ng pulis.

Masamang tiningnan ni Jack si Sam. "Damn, they're towing my sexy bike." Inis na bulong niya.

"I didn't know about it!" Mabilis na pagtatanggol ni Sam sa sarili.

Parehas na wala silang nagawa habang pinapanuod na isinasakay ang mamahaling motor ni Jack sa towing truck.

"Medyo paki-ingatan lang po si Babe. Hihingin ko pa po 'yan sa may-ari!" Paki-usap ni Sam sa mga nagtotow.

Muli siyang tiningnan nang masama ni Jack.

"Diba ibibigay mo naman talaga 'yan sakin?" Kampanteng saad ni Sam.

Inis na lang na napa-iling si Jack.

"At isa pa, kailangan mong sumama sakin sa presinto." Saad ng pulis kay Jack.

Sabay na napatingin si Jack at Sam sa pulis.

"You've violated the Executive Order No. 26. Nationwide smoking ban order , Sir."

"What?!" Sabay na hindi muling makapaniwalang tanong ng dalawa.

Pinagbuksan ng pulis nang pintuan si Jack.

"Oh, hindi na ako ang may kasalanan niyan." Tila nang-aasar na saad ni Sam

Galit siyang tiningnan ni Jack bago sapilitang sumakay sa sasakyan.

Nagulat naman si Jack nang sumakay din si Sam sa police car.

"Tinatamad ako maglakad eh. Papababa na lang ako pag malapit na tayo sa sakayan papunta sa school." Dahilan nito.

"I can't believe you." Inis na saad ni Jack habang naniningkit ang mga mata niya sa galit. 

Galit siyang sumandal sa upuan. He crossed his arms and looked outside. "What's up with you Pascuas always throwing me to police cars and precincts?" inis na bulong niya nang maalala niya kung paano siya nakapunta sa unang pagkakataon sa isang presinto dahil kay Summer.

Dumating sila sa presinto pero hindi nakababa si Sam sa sakanyan papuntaa sa school niya dahil nakatulog ito.

Sinadya ni Jack na hindi ito gisingin. Nang bumaba na siya ay hindi niya pa rin ito ginising. Imbes ay isinara niya nang malakas ang pintuan nang sasakyan pagkababa niya upang magising ang bata sa gulat.

"Huy! Teka!" Sigaw ni Sam nang makita niyang naglalakad na si Jack papasok sa presinto kasabay nang pulis.

Hinabol niya ang mga ito at sumabay sa paglalakad. "Why aren't you leaving?" Nagtatakang tanong ni Jack sa kanya.

"Hintayin na kita matapos dito. Magbabayad ka lang naman ng penalty eh. Tapos sunduin na natin si Babe sa imbakan ng sasakyan?"

Jack rolled his eyes. He thought the kid he knew 8 years ago grew into a matured man.

Binigay niya ang susi ng motor kay Sam. "Don't tell Summer I brought you here."

Mabilis na kuminang ang mga mata ni Sam. "Hindi ko naman talaga sasabihin pero, maraming salamat sa isang napakagandang suhol!" tuwang tuwang ika nito.

The police men asked for Jack's ID. He was hesitant to give them his ID as this may reach the media and it is for sure that his face will be at every news papers' headline first thing in the morning.

"I want my lawyer." Biglang saad ni Jack.

Lahat ng mga pulis ay napatigil sa ginagawa nila at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

BY THE WAY, IT'S NOW JACK DARYL FROSTWhere stories live. Discover now