Prologue

19 1 0
                                        

Avacyn's POV

             Nakaupo sa sala ng condominium nya si Ava at ang kanyang editor at tahimik silang naga-arrange at nage-edit ng bagong story nya. Magkaharapan sila at nasa pagitan nila ang coffee table kung saan naka-lapag ang mga papel na naglalaman ng bago nyang istorya.

"Hey, are you serious right now? Are you really going to go through this nang ganyan ang ayos mo?" Sabi ng editor nya na si Gianne Rockwell

"What? Is there something wrong with what i'm wearing? It's fine, mage-edit lang naman tayo." Ava said, raising a delicate eyebrow.

*Sigh* "Alam ko naman iyon, pero bakit wala kang suot na pants at bra? You're even wearing a see through button down white shirt. For fuck's sake, hindi naman tayo magse-sex dahil kailangan ko pang ipasa sa editor-in-chief namin 'to. Are you tempting me?" Litanya pa ni Gianne.

"Aww poor baby! Whatever, just get your job done and move along. Bakit, naaakit ka ba?" Avacyn smirked. Kahit ata wala syang gawin ay maakit at maakit pa din si Gianne sa beauty nya. As i thought. Boys will be boys.

Napahilamos nalang si Gianne sa mukha nya. No, hindi sya dapat maakit dito. Kailangan nyang magpigil para matapos na agad ang trabaho nila, lalo na sya. Napagalitan na nga sya kahapon ng editor-in-chief ng Literotika department sa Sapphire kaya hindi pwedeng masabon nanaman ulit sya. This is all her fault. Kainis. Sinusubukan ata ako nitong babaeng ito. He clenched his teeth in annoyance.


"So, kailan tayo ulit magda-date, hubby?" Biglang tanong ni Avacyn na ininagulat naman ni Gianne

"Date nanaman?! Kaka-date lang natin kahapon ahh?!" Singhal nya dito.

"What's wrong? Tinapos ko naman na lahat ng projects ko, wala na akong upcoming story na dapat i-update at higit sa lahat, i pulled an all nighter because someone decided that it's best to have sex wi------" panimula ni Avacyn. Shit, hindi nanaman ako mananalo pag nakipag-debate 'tong babaeng 'to. Sa isip isip ni Gianne. Without much choice on the matter, he sighed once again and decided to just nod with a grunt.

Nagulat naman sya nang bigla syang dambahin ni Avacyn kaya't medyo natumba sya but he still managed to catch his footing.

"Yaaaaaay!!!! Thank you, hubby! I'll get ready na para hindi ka matagal maghintay. I love you!" Masayang sabi ni Avacyn sabay takbo papunta sa kwarto nya para nga mag-ayos na ng sarili.

Napangiti nalang tuloy si Gianne at napailing habang nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Avacyn na pinasukan nito.


Here we go again...Will i ever be able to say no to that woman? Nah. Lord, bigyan nyo po ako ng lakas ng loob, at self-control. You can never know what will it be this time. So please lord, kailangan ko po nun. Baka gahasain nanaman po ako ni Ava, huhu. Thank you po Lord. Amen.

After a few moments, lumabas na ng kwarto nya si Avacyn. Simple lang ang damit na suot nya, isang t-shirt na color black at black na skinny jeans na may ilang butas sa bandang tuhod at thighs. Naka-vans lang din sya. Natuto na kasi sya na kapag normal na damit like designer dress and stilletos ang gamit nya, masyado syang agaw pansin at agad syang nakikilala ng ilan sa mga fans niya. Bukod doon ay nagmumukhang chupipay nya si Gianne kapag magkasama sila at ganoon ang suot nya.

"C'mon, let's go hubby!" And then, their date today has started.

Author-nimWhere stories live. Discover now