Dyamante
Ang tulang ito ay handog para sa mga babaeng pinaasa, niloko, di iningatan o pinakawalan nalang ng walang dahilan at babaeng di pinahalagahan
Babae ako
Kailangan iningatan
Babae ako
Kailangan pinapahalagahan
Babaeng dapat tinuturin tulad ng dyamante
Dyamanteng iningatan ng sino man
Dyamanteng pinapahalagahan kahit ano pa man
Dyamanteng sasabihin mong "Uy akin yan"
Yung handa kang mawala ang lahat para sa kanya
Yung handa kang mawalan ng laya kapalit Ng kanya
Yung handa kang gawin lahat ano man Yan
Yung handa kang ipaubaya sya sa iba basta't masaya sya kahit nandun sya sa piling ng iba
Ako ay isang dyamante, isang babae
Babaeng dapat nirerespeto ng kalalakihan
Babaeng minamahal di sinasaktan
Babaeng iniingatan hindi pinapamigay lang
Babae ako pero ba't sinaktan mo
Babae ako pero ba't di mo marespeto
Babae ako, babaeng walang gumawa kung di ibigin ang isang tulad mo
Pero hindi mo nakita ang halaga nito
Ito ako
Nagmimistulang martir sa pagmamahal sayo
Babae pa rin naman ako
Pero ako yung babaeng pampalipas nalang ng oras mo
Nasaan ang mabubulaklak na kataga mo?
Tulad ng " iingatan kita wag kang mag alala"
"Wag kang mag alala mahal na mahal kita"
"Ikaw ng nag iisang dyamante sa buhay ko"
Ang lahat ng Ito ay iyong mga pangako
Mga pangakong ikaw rin mismo ang pumako
Pangakong sa simula pa lang di na dapat pinaniwalaan
Dapat sa simula pa lang dapat di na
Sa simula mo lang pinaramdam na mahalaga ako
Sa simula mo lang sinambit na mahal mo ako
Sa simula mo lang pala akong bibigyang respeto
Sa simula lang pa ang lahat ng ito
Dyamante tila isang babae
Babaeng iniingatan di sinasaktan
Babaeng pinapahalagahan di iniiwan
Dyamante ako kaya't ingatan mo
