Nasa school ako ngayon at inayos ko ang mga notebooks ko sa bag ko.
Maya maya pa ay may lumapit sakin na isang babae.
"So final na talaga ang desisyon mo?" sabi niya sakin
"Eh wala naman akong magagawa ehh..." sagot ko naman
"So iiwan mo na talaga ako?" Malungkot na sabi niya
Siya ay si Kate Gail Salvacion, best friend ko since elementary.
"Bestfriend naman! Wa'g kang mag-alala... bibisita rin ako dito sa school na'to..." Sabi ko at kinuha na ang bag ko.
Uuwi na ako sa bahay.
"Best friend, mamimiss kita..." Sabi ni Kate papalapit sakin at niyakap ako.
"Ako rin best friend..." sabi ko at feeling ko maiiyak na ako.
Maya maya pa ay kumalas narin kami sa yakapan namin.
"Ohh tama na nga ang drama! Ihahatid na kita sa enyo!" Sabi niya at ngumiti pero kita ko parin ang lungkot sa mga mata niya.
"Ikaw kasi ehh, Let's go!" Sabi ko naman at nginitian rin siya.
Lumabas na kami sa school at sumakay na kami sa kotse niya.
Uwian na at kanina pa nagsi-uwian ang mga tao dito sa school, kami na lang pala dalawa ni Kate ang naiwan dito.
"Bestfriend naman kasi! Wa'g ka na kasing lumipat sa ibang school!" Sabi ni Kate habang nagmamaneho.
"Gustuhin ko man pero lilipat narin kasi kami sa ibang tirahan at tsaka sabi ni mom, sa Bangtan University na daw ako mag-aaral kasi malapit lang daw yun sa bagong titirahan namin..."
"Hayst, gano'n ba? segeh... pero ipangako mo sakin na hindi mo'ko kakalimutan Suljie..."
Kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko, seryosong seryoso talaga siya kapag ganon.
"Pangako..." Sabi ko at nginitian siya.
"Ohh nandito na tayo..." sabi niya kaya lumabas na kami sa kotse. Hindi ko pala namalayan na dumating na kami.
"Pasok ka na muna sa loob best..." sabi ko
"Ahm wag na! nagtext na kasi si mom sakin na umuwi na daw ako sa bahay kasi may ipapabili siya sa'kin..."
"Ahhh gano'n ba? Segeh best papasok na ako sa loob, mag-iingat ka ha? And thank you so much sa pag hatid..."
"Wala yun bye na, tawagan mo kaagad ako pag makarating na kayo don ha?"
"Sure..."
Then sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot ito.
Pumasok narin ako sa loob nang bahay namin.
"Suljie anak magbihis ka na agad dahil aalis na tayo..."
"Okay mom..." Pero bago ako umakyat sa kwarto ko ay nagmano muna ako kay mom at dad.
Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko. Mamimiss ko'to hays...
Matapos akong mag bihis ay bumaba narin ako, ready na ang mga gamit namin. Ngayon na kami lilipat sa bago naming tirahan.
Hayst. Seryoso mamimiss ko talaga tong bahay nato at tsaka ang dami ring ala-ala ang maiiwan dito.
"Let's go..." Sabi ni dad at sumakay na kami sa kotse.
-------------------------------------------------------------------------------------
● Vote, Comment And follow for the updates ●
YOU ARE READING
BANGTAN UNIVERSITY (Tagalog)
RandomPaano kung makikilala mo ang Pinakasikat na Bts boy group sa school niyo? magiging magulo ba ang iyong buhay? o magiging masaya? Tunghayan sa storya na ito upang iyong malaman. BANGTAN UNIVERSITY by strawberrykim24
