𝟐𝟎𝟎𝟕'
“Ano ba naman 'tong sulat mo, Ang haba!” Hagikhik ng isang batang babae nang maagaw nya ang sulat mula sa kaibigan nya.
Nahihiyang tiningnan naman ng isa pang bata ang kaibigan nya at sinubukan pang agawin ang sulat mula dito pero agad 'yun naitago ng batang babae sa likod nya.
“Aalis kana e'. Syempre susulitin 'ko na.” Napayuko sa hiya ang batang lalaki. Hawak nya ang ballpen at nangingiti padin sa hiya.
“Sige kakawayan kita sa eroplano kapag andun na ako.” sabi ng bata at mahinang tumawa habang nakatingin sa sulat.
“Waaaaag! Wag mo muna basahin.” pigil ng lalaki at hinabol ang bata.
Paikot-ikot sila sa kubo na bahay ng batang lalaki. Naghahabulan at nang mapagod sila ay umupo sila pasandal sa isang malaking puno.
“Basta pag malaki kana ha? Hahanapin kita tapos maglalaro padin tayo ng tagu-taguan at habol-habulan ha?” tanong ng batang lalaki.
“Oo naman. Tayo padin dapat ang magkakampi sa taya-tayaan ha?” sang-ayon ng kaibigan nito.
“Balik ka ha?”
“Oo nga.”
“Ih! Baka kasi hindi kana bumalik e'.”
“Babalik nga ako. Promise.”
“Sige. Promise ha?”
“Oo. Promise.”
Palubog na ang araw. Nagusap lang sila at nagkulitan sa ilalim ng puno.
Walang muwang sa mundo.
Nangako sa isat-isa.
