Natuon ang pansin ko sa tattoo nito sa leeg, sa bandang kanan. Umabot ang tattoo nito sa kanang braso nitong matipuno. Ang aura nito ay tila isang bad boy kaya bumagay lang ang tattoo na nakaukit sa balat nito.

Nabigla ako nang bigla nitong mabitawan ang  hawak na wine glass at bumagsak iyon sa tile na sahig. Nabasag iyon at kumalat ang likido sa sahig.

Bigla itong kumilos para pulutin ang wine glass pero kaagad din itong napatuwid ng tayo at napadaing habang sapo ang daliri nitong may dugo.

Awtomatiko akong naglakad patungo dito at kinuha ang panyo mula sa bulsa ko. Hinawakan ko ang daliri nito at nilapat ang hawak kong panyo sa sugatang daliri nito.

"Okay lang po ba kayo, Sir?" Tanong ko habang ang atensyon ay nasa daliri nito, hindi ko pinansin ang mumunting boltahe ng kuryente na naramdaman ko nang hawakan ko ang kamay nito.

Umangat ang tingin ko at nagsalubong ang mga mata namin. Napakurap ako nang mapatitig sa itim na itim na kulay ng mga mata nito.

Bigla nitong binawi ang daliri mula sa akin na tila ba napaso ito.

"I-I'm okay." He said and took a step backward.

Bigla kong na-realized ang ginawa ko. Hinawakan ko ito!

"Nako! Sorry po. H-Hindi ko po sinasadya." Hinging paumanhin ko at kinagat ang ibabang labi.

That was a stupid act! Hindi ko dapat ito hinawakan. Magiging boss ko ito at ang lakas ng loob kong hawakan ito!

At ito ang unang pagkakataon na ako ang unang humawak sa isang lalaki na hindi man lang ako nakaramdam ng anumang takot sa dibdib.

"Okay lang." Sambit nito at hinawakan nito ang panyo na nasa daliri ko. "Thank you for this." Anito sa panyo at tumingin sa akin.

"Please, sit down. Gagamutin ko lang 'to." Anito at kaagad na tumalikod.

May kinuha ito mula sa drawer ng wooden table nito at inumpisahang gamutin ang sugat nito.

Naglakad ako patungo sa mahabang sofa at umupo doon habang hinihintay itong matapos.

"What's your name?" Narinig kong tanong nito.

"P-Po?" Napatingin ako dito at nakita kong nakaupo na ito sa swivel chair, sa harap ng table nito.

Hinamig ko ang sarili. Hindi ko alam pero kanina pa tumitibok ng napakalakas ang puso ko. Dahil siguro kinakabahan ako kaya ganito ang tibok ng puso ko.

"Tinatanong kita kung ano ang pangalan mo." Sambit ng baritonong boses nito.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Mukhang nag-uumpisa na itong mag interview.

"Noime Ysabelle Cuballes po, Sir." Magalang na sagot ko.

"Ilang taon ka na?" Patuloy na tanong nito habang ang mga mata ay nakatutok sa laptop na nasa harapan nito.

"26 po ako, Sir." Muling sagot ko.

Umangat ang tingin nito sa akin.

"Are you sure kaya mong magtrabaho sa club ko?" Muling tanong nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"You're only 26 and you look so innocent. Hindi ka nababagay sa club na 'to. Maipapangako mo bang magagawa mo ng maayos ang trabaho mo?"

Ilang sandali akong natigilan at kapagkuwan ay tumango.

"Yes, Sir. Gagawin ko po ng maayos ang-"

"Sa club ay hindi maiiwasan na may mga bastos na customers, lalo na ang mga kabaro ko. You're tall and beautiful at isama pang maganda ang katawan mo. Agaw pansin ka sa mga kabaro ko. Paano kapag binastos ka? Anong gagawin mo?" Diretsong tanong nito, nakatitig sa mga mata ko na tila sinusubukan ako.

Phoenix Series #7: My Sweetest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now