Simula

14.6K 200 18
                                    

Mend Her Broken Heart

Prologue

HINAWI NI ALEXA ang kulay puti at rosas na kurtina pagkatapos ay lumabas ng silid. She swayed her hips... taas-noo, lakad elegante. Napahinto ang lahat ng nasa drawing room. All eyes were on her. Parang tunog na lamang ng takong ng kanyang sapatos ang maririnig sa buong paligid.

"You look stunning," nakangising wika ng best friend niya na bumasag sa katahimikan. Ngumisi rin siya bilang tugon. Iminuwestra nito ang full body mirror na nasa gawing kaliwa ng silid.

Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang repleksiyon. Elegante siyang tingnan sa suot niyang gown na siya mismo ang nagdisenyo. It was a white tube-top ball gown ornamented with pearls and intricate embroidery.

Of course, she needed to look her best at the most important occasion. Only she deserved the best. Only she could make the best.

"Are you ready?"

Umangat ang isang kilay ni Alexa nang makita sa repleksiyon kung sino ang nasa likuran niya. It was her older sister. Hinagod niya ng tingin ang imahe nito sa salamin. Next to her, mukha lang itong basahan sa suot na simple at plain na pink dress.

She's still wondering why her sister should be her maid-of-honor. Her parents and every other relative insisted in following the family tradition. Nakasisira lang ito sa engrade niyang entourage. The other guests joining the entourage were carefully chosen by her except for the maid-of-honor. Mas bagay rito na maid lang.

Umangat ang kanyang kilay nang bahagya itong ngumiti matapos pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.

"You're gorgeous," anitong halos bulong.

Ngumisi siya at nagkibit-balikat. "You know I'm always gorgeous, Ate. My groom is lucky to have me, right?"

Batid niyang napa-atras ang kapatid dahil sa kanyang sinabi. Binigyan pa niya ng emphasis ang kanyang pagmamay-ari.

Good! You better back off, Ate. Just back off, ngiting tagumpay niyang sambit sa kanyang isipan.

"Napakaganda mo, Anak."

Agad na lumingon si Alexa nang marinig ang boses ng kanyang ina. Napakalapad ng ngiti nito habang nakatitig sa kanya. Umabot hanggang sa mga mata ang bakas ng kaligayahan habang papalapit ito sa kanyang puwesto.

Napangiti siya, sa unang pagkakataon ay pinuri siya ng kanyang ina. Sa unang pagkakataon ay napansin siya nito.

Or so she thought.

Kaagad na naghuramentado ang kanyang puso sa iritasiyon nang mabilis nitong niyakap ang kanyang kapatid.

Scratch that, she's not her sister. She's never going to be.

Mukhang nakalimutan na ng kanyang ina ang pagkakaroon ng isa pang anak. Nakalimutan na ang existence niya.

Napailing siya nang maramdaman ang kirot sa kanyang puso. Hindi niya dapat maramdaman ang hapdi. She was supposed to be the happiest person in the entire universe today.

It was after all her freaking wedding. Siya ang bida. Nasa kanya dapat ang atensiyon. Siya dapat ang pinuri, siya dapat ang niyakap. But as usual, hindi na naman siya napansin.

Tumalikod siya at huminga nang malalim. No, that won't affect her. Sanay na siya. Hindi na iyon bago sa kanya. Dapat ay immune na siya. Damn! Ang sakit pa rin!

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang bumuhos ang mga pesteng alaala. Hindi pa man nagsisimula ang araw niya ay unti-unti na iyong nasira.

Bata pa lamang ay alam na ni Alexa kung ano ang karapatan niya. Kung ano ang kanyang pagmamay-ari. She's the legitimate child. Ngunit hindi niya iyon maramdaman.

Halos araw-araw ay isinangkot niya ang kanyang sarili sa iba't-ibang klase ng gulo. Inaway niya ang kanyang mga kaklase para lamang ipatawag ang kanyang ina sa guidance office. Sinabunutan, inagawan ng laruan, mayroon din siyang tinapunan ng pintura noon sa art class.

'Di bale nang napahiya at napagalitan siya kung kapalit naman niyon ay kaunting segundo sa piling ng magulang. Nilabag niya ang mga batas sa paaralan upang kahit saglit man lang ay tapunan siya ng kanyang ina ng kahit katiting man lang na atensiyon.

But Adelaide Mendez never came. She never rescued her from troubles. Hindi siya nito nilimusan kahit kaunting pagmamahal.

But she was always there for her sister. Birthdays, school events at sa kahit ano pa mang okasyon ay present ang Mommy niya. Wala itong pinalagpas na sandali.

"MOMMY, AMPON BA AKO?" minsan ay naitanong ni Alexa. Grade four siya noon. Nanalo siya bilang Ms. United Nations ngunit hindi dumalo ang kanyang mga magulang. Ang daddy niya ay nasa business meeting. Ang kanyang yaya at driver lamang ang kasama niya. Ang mga ito lamang ang pumalakpak para sa kanya.

Noong araw na iyon ay kasali sa quiz bee si Valerie. Magkaiba ang kanilang eskuwelahan dahil ayaw niya itong makasama. Sa bahay ay ito na ang bida, hindi na siya papayag na hanggang sa eskuwelahan ay ito pa rin.

Gaya ng inaasahan, present ang kanyang mommy sa event ng ate niya.

Nangunot ang noo ng kanyang ina pagkatapos ay bahagyang humalakhak. "Of course not."

"Bakit parang si Ate Valerie lang ang anak mo?" tanong niyang pinigil ang sarili na humikbi.

Bahagya itong ngumiti at hinaplos ang kanyang pisngi. Sa mura niyang edad ay hindi niya mawari ang emosiyon sa mga mata ng kanyang ina.

PINALIS NI ALEXA ang namuong butil ng luha sa kanyang pisngi. Pilit niyang pinahinto ang pagbulusok ng nakaraan. No! She's not going to let the damn memory ruin her make up... her best day.

"My future husband is waiting for me," kaswal niyang sabi at hinarap ang kanyang 'pamilya.'

Batid niyang muling natigilan si Valerie. Kahit kailan ay hindi niya ito ituturing na kapatid. Half-sister niya lang ito, ngunit maging ang koneksiyong iyon ay hinding-hindi niya matatanggap.

Valerie stole her mother's love. She stole everything that was supposed to be hers.

Now, it's payback time. Tiyak na malaking halaga ang sisingilin niya.



Mend Her Broken Heart (Original Version) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon