si seungwoo, wooseok, yohan at hangyul kaibigan ko na yan since grade school kaya close na kami niyan.. yung iba naman since highschool pa lang.

umupo na kaming lahat sa hapag kainan at nagusap

biglang tumunog nanaman ang doorbell.. kinakabahan nanaman ako

" ikaw na magbukas nun sian" sabi ni papa..

teka lang naman

" p-po?"

" sige na sian" sabi ni mama.

at ayun binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang pamilya ni wooseok..

teka shet kinakabahan talaga ako.. WAIT BAKIT BA AKO KINAKABAHAN??!!

" oh ang ganda ganda naman ni sian oh! " sabi ni tita at niyakap ako..

" thank you po tita hehe, lets go inside na po?" sabi ko at tumango naman sila..

at dun ko nakita ko si wooseok...

ang puso ko teka lang ang gwapo niya

" merry christmas yan" sabi niya at niyakap ako

" wag mo nga akong yakapin nandito parents mo " mahina kong sabi... ngumisi naman siya

" dont worry.."

——

we started eating na at katabi ko pa si wooseok jusko..

nagcountdown na sila at ang lamig ng kamay ko.. jusko bakit ba ako kinakabahan..

" MERRY CHRISTMAS!!" sigaw nilang lahat

" tita tito! labas muna kami papanoorin namin ang fireworks!!" sabi ni yohan at tumango at ngumiti naman sila mama..

pero hindi sumama si wooseok so kami nalang dalawa at yung parents namin.. jusko ayoko na

" wooseok, sian may tanong sana kami "

eto na yung kinakatakutan ko..

" ano po yon? " tanong ni wooseok..

" may something ba sa inyo ng anak ko?"

————

" uy wooseok ang cute niyo talaga ng kapatid ko! " sabi ni kuya ni wooseok at kinilig naman ako

tumawa naman si wooseok at inakbayan ako..

" sige na ihatid mo na sa amin yan ha!" sabi ni kuya

"of course naman" sabi ni wooseok..

dumating na kami sa bahay namin at nandun sa gate si mama at papa at naguusap

" oh nak, wooseok! " tawag ni mama sa amin at nagmano naman si wooseok..

" kayo talaga ha, may namamagitan ba sa inyo?" natatawang tanong ni mama at natigilan kami..

" wala naman tita cloooosse lang talaga kami" natatawang sabi ni wooseok

parang nadisappoint ako.. pero sekreto lang pala kami... baka kasi ipapunta pa ako sa ibang bansa kapag malaman nila

after that incident, hindi ko alam bakit biglang hindi na ako pinapansin ni wooseok.. hindi na niya din ako chinachat...

at sa huli nagbreak kami.. at hindi ko nalaman ang dahilan..

————

" p-po?" nauutal na sabi ni wooseok..

" may namamagitan ba sa inyo?" seryosong tanong ni papa

nanlalamig at kinakabahan nanaman ako..

" honestly po.. bumalik po ako dahil sa kanya.."

" nanliligaw po ako kay sian.." dagdag niya

teka sinabi niya...

" kung sana po pwede lang po sa inyo"

" dalaga na talaga ang anak namin oh! of course naman basta alagaan mo lang to! " sabi ni papa

" pwede mo na nga yan jowain! hindi na namin yan ipapadala sa ibang bansa " natatawang sabi ni mama at tumawa naman ang parents ni wooseok

teka ayos lang daw sakanila??!! teka ang puso kooo

" sige na punta kayo sa terrace at panoorin niyo ang fireworks" suhestiyon ni mama at tumango kami

———

" legal na pala tayo" natatawang sabi ni wooseok...

" i think its the right time na.."

" huh..? "

" cho sian pwede na ba maging tayo?"

ang puso ko ㅜㅜ

" oo ... " natatawang sabi ko..

niyakap niya ako at hinalikan ang ulo ko..

" i love you sian, merry christmas "

" i love you too, merry christmas "

" ANG LANDI NIYO!!!" biglang may sumigaw sa ibaba at nakita namin sila kuya..

this must be the best christmas ...

LOST | k.wooseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon