Kuya kong crush ng bayan ~

Start from the beginning
                                    

Mapusok. Para kaming mga mgnanakaw na nagmamadali at bilang na bilang ang sandali. Parang mawawala na ang isa't-isa sa amin at walang paki-alam kung mapupunit ang mga damit o magkabali-bali ang aming mga buto sa higpit at mabilisang pagpadama ng aming kasabikan at pagkauhaw sa isa't-isa.

Maya-maya, kinarga na niya ako sa kanyang mga bisig at inihiga sa aking kama.

(Torrid Scene. For request please email me at getmybox@hotmail.com although right now, it's not yet available but if you email me, I'll get back to you as soon as it's done.)

At doon, nalasap naming muli ang tamis ng aming pagmamahalan.

Noong mahimasmasan na, "Kuya... hindi ka na babalik pa ng Canada?"

"B-babalik pa, tol... nandoon kasi ang anak namin ni Sandy na pamangkin mong tisoy... na guwapong-guwapo." Pag-emphasize niya sa salitang 'pamangkin na tisoy'. "At sa akin ipinamana ni Sandy ang mga negosyo at ari-arian niya. Ipinagkaloob na kasi sa kanila ang mga mana kahit buhay pa ang mga magulang nila upang matuto daw silang tumayo sa sarili at magpalago sa ibinahagi sa kanilang mga negosyo..."

May lungkot naman akong nadarama sa narinig. Mistulang may isang sibat ang tumusok sa aking puso. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang plano niya sa akin. Ngunit naunahan na rin ako ng hiya. "B-bakit mo pala ipinalakad ang pagwalang-bisa sa pagiging Iglesias mo?" ang naitanong ko na lang.

"Wala lang, parang nawalan na kasi ako ng pag-asa noong di mo na ako kinibo eh. Ang tulis-tulis kaya ng mga titig mo, tumatagos sa buto ko. Parang gusto mo na akong lamunin ng buo e." Sabay pabirong pananampal ng marahan sa mukha ko na may halong panggigigil. "Antaray ng... utol ng puso ko! Hmmm!" At kurot uli sa pisngi ko. "Kung di lang kita mahal, inilaglag na kita d'yan sa bintana eh." dugtong niya, turo sa binatana ng kwarto ko sabay tawa, hindi alam na may lungkot akong itinatago.

"E, di sige, subukan mo" ang naisagot ko na lang.

"Huwag na.... Paano naman to?" Sabay turo din niya sa kanyang pagkalalaking gising pa rin ng kaunti.

Sabay kaming nagtatawanan.

Hinalikan niya ako sa bibig.

Maya-maya, naging seryoso ang mukha niya. Tinitigan ako. At ewan kung ano ang sumagi sa isip niya ngunit, "Tol... tandaan mo palagi, kahit na anong mangyari, huwag kang bibitiw sa pagmamahal mo sa akin. Mamatay man ako, sana ako pa rin ang laman ng puso mo. Dahil ako... hindi kita bibitiwan tol; kahit ano man ang mangyri. Pangako iyan." Sambit niya habang nilaro-laro ng daliri niya ang mukha ko. "Maipangako mo rin ba sa akin iyan tol?" dugtong niya.

Naging seryoso din ako. Pinangmasdan ko ring maigi ang mukha niya, hinaplos din ito, "Pangako kuya... Mamahalin kita habambuhay; sa buhay na ito, at kung sakaling mayroon pa akong susunod pang mga buhay, ikaw pa rin ang mamahalin ko." sabay yakap sa kanya.

Nagyakapan kami. Mahigpit, ramdam ng isa't-isa ang bawat galaw ng aming kalamnan, ang bawat pintig ng aming puso...

Tahimik.

"Ano pala iyong hiniling mo kay Papa?" tanong ko noong biglang maalaala ang sinabi ni papa sa last will niya.

"Ah, iyon ba?" ang sagot niya, nag-isip at tinitigan ako.

Ewan pero parang may ibig sabihin ang mga titig na iyon, di ko lang lubos na maintindihan ang laman ng kanyang isip.

Sasagutin na niya sana ako noong bigla namang may kumatok sa kwarto. "Kuya? Nand'yan ka ba? Buksan mo ang pinto, kuya! May sasabihin ako!"

Si Noel.

Nagkatinginan kami ni Kuya Rom at binitiwan ang pigil na halikhik. Syempre, nakahubad kaming pareho. Dali-dali kaming bumalikwas sa pagkahiga at pinulot ang mga damit na nagkalat at pagkatapos ay isinuot ang mga iyon. Inayos na rin ni kuya Rom ang nagkalat na mga gamit at ang mga rosas at pizza na nakalatag sa sahig sa harap ng pintuan. Dali-daling inilagay niya ang mga ito sa mesa sa music corner ng kwarto.

Kuya Kong Crush Ng BayanWhere stories live. Discover now