B

1.4K 71 6
                                    

"Doc, wala pa rin po bang makitang match para sa akin?" Tanong ko habang magkatabi kaming umupo ni Doctor Panganiban sa isang bench na nasa gilid ng lobby ng hospital.

Malungkot siyang lumingon sa akin.

"Wala pa Miss Galura, but huwag kang mawalan ng pag asa dahil hindi kami susuko sa paghahanap ng match mo." Sagot niya.

"I..ilang buwan nalang ba ang natitira sa buhay ko?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya.

"I can't tell you kung hanggang kelan na lang ang buhay mo dito sa mundong ibabaw kasi hindi ako Diyos. Isa lang ang paalala ko sayo, alagaan mong mabuti ang sarili mo." Sabi niya.

Hindi ako sumagot dahil alam ko na alam niya kung hanggang kelan nalang ako dito, ilang buwan na kaming naghahanap ng pweding maging donor ko sa bone marrow transplant pero bigo silang makahanap dahil ang sabi nila ay rare daw ang dugo ko kaya sila nahihirapan.

Nawala ako sa aking pag iisip nang may dumating na ambulansya at may binababa itong isang duguan na babae. Halos hindi na makita ang mukha ng babae dahil sa naliligo ito sa sarili niyang dugo.

Agad na tumayo si Doctor Panganiban at sinalubong niya ang bagong dating na pasyente.

"Anong nangyari?" Dinig kong tanong ni Doc habang mabilis nila itong dinala sa emergency room.

Sumunod naman ako dahil sa curuios akong malaman ang kalagayan ng pasyenteng yon. Ilang sandali pa ay may nakita ako na mag asawang mayaman na dumating kasama ang isang mestisang babae.

"Where's my daughter?" Tanong niya sa nurse.

"Mr. Howell nasa ER pa po ang anak ninyo." Sagot ng nurse.

Ilang sandali pa ay nakita kong lumabas si Doctor Panganiban. At agad naman itong sinalubong ng mga magulang ng pasyente.

"Doc, kumusta ang anak namin?" Tanong ng ina niya.

"Ma'am, madami pong dugo ang nawala sa kanya, and yung blood type po ng dugo ng anak ninyo ay mahirap hanapin. Wala po kaming stock ng dugo na kagaya ng dugo niya dito sa hospital namin." Sabi ng Doctor.

"Please call the blood bank at tanungin mo kung may type B negative ba silang dugo." Utos ng Doctor sa nurse.

"B negative ako." Sabi ng Daddy niya.

"Gareth no, hindi ka pweding magdonate sa anak mo dahil under medication ka." Sabi ng babae.

"Doc, wala pong available na dugo sa blood bank." Sabi ng nurse.

Nagsimula ng umiyak ang  ina ng pasyente.

"Tita, huminahon po kayo. Makakaligtas si Denise." Sabi ng mestisang babae habang kinocomfort niya ang ginang.

"Mr. Howell, kailangan nating maabunuhan ng dugo ang anak ninyo ngayon din or we lose her." Sabi ng doctor.

Nakikita kong nag iiyakan na ang mag asawa.

"No Doc, please save her, kaisa isang anak namin si Denise. Ilang taon kaming naghihintay para lang mabiyayaan ng anak kaya please, hindi ko kakayanin na mawawala siya sa amin." Paki usap ng ginang habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmasadan ko silang umiiyak. Sa unang tingin mo pa lang sa mag asawang ito ay alam mo ng mayaman sila dahil sa pananamit nila. Pero heto sila ngayon, posibleng mawala ang anak nila kapag hindi ito maabunuhan ng dugo. Kaya naman lumapit ako sa kanila at nagsalita.

"Dok, pwedi akong maging blood donor niya. Pareho kami ng blood type ng pasyente." Sabi ko.

Nabigla naman ang mga nurse pati si Doc sa naririnig nila, habang nakatingin sa akin ang mga magulang ng pasyente. Lumapit sa akin si Doc Panganiban.

"Miss Galura? Are you serious? Hindi mo ba alam na maari mong ikamatay ang gagawin mong yan?" Sabi ni Doc.

Tumango ako at ngumiti.

"Kung mamamatay lang rin naman ako Doc, so be it. Pero bago ako mamatay ay gusto kong may mailigtas na buhay. If dugo ko ang makakaligtas sa buhay ng babaeng yan ay handa akong maging blood donor niya." Sabi ko.

Lumapit ang ginang sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Salamat, salamat at may busilak kang puso hija." Sabi ng ginang.

Hindi pa rin nagsalita si Doc Panganiban. Kaya naman nagsalita akong muli.

"Doc, please isipin mo nalang na pinagbigyan mo ako sa huling kahilingan ko." Sabi ko.

"Alright Miss Galura. Let's go inside." Sabi niya.

Sumunod ako at pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang nag aagaw buhay na babae. Maganda siya at mukhang artista, unang beses akong humanga sa isang babae at sa babae pang ito. Hindi makapaniwala ang mga nurse nang makita nila akong humiga sa isang bed na malapit sa pasyente. Hanggang sa may magsalita na isang nurse at yon ay walang iba kundi ang nurse na laging umalalay sa akin kapag nanghihina ako.

"Glaiza? Sigurado ka ba sa desisyon mong ito? Alam ba ito ng Mama mo?"tanong  niya.

Ngumit ako.

"Poch, matanda na ako and kahit naman hindi papayag si Mama ay hindi na mababago ang desisyon ko. So please, gawin na ninyo ang gusto ko bago pa mahuli ang lahat." Sabi ko.

Umiling iling siya pero kinuha na niya ang gamit para simulan na ang pagsalin ng dugo. Tinusok niya ang needle sa aking kaliwang kamay at ilang sandali pa ay nakita ko ng unti unting dumadaloy ang dugo ko papunta sa isang bag kung saan nakakabit naman ito sa kamay ng pasyente.

Sa mga sandaling ito ay tanggap ko na na mawawala na ako. Sa mga sandaling ito ang tanging ipinagdasal ko na sanay maisalba ng dugo ko ang babaeng ito. Pagod na din akong makikipaglaban para sa buhay ko, kaya naman panahon na siguro para sumuko.

"Glaiza, are you okay?" Tanong ni Doc Panganiban.

"Yes Doc. How about her? Mabubuhay pa ba siya?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.

"Nainvolved siya sa road accident which is nahit ng tenwheeler truck ang kanyang sasakyan kaya siya bumangga sa concrete fence." Sagot ng Doctor.

"Hindi mo ba kilala ang pamilya niya Glaiza?" Tanong niya.

Umiling ako.

Ngumiti siya.

"Ikaw lang siguro ang hindi nakakakilala sa kanila. Anak siya ng isa sa pinakamayang pamilya dito sa bansa natin. Her family owned some hotels and may mga resorts sila sa iba't ibang lalawigan ng ating bansa." Sabi ni Doc.

Ngumiti ako.

"So, hindi pala ako nagkakamaling isave ang buhay niya. Siya ang nag iisang tagapagmana sa family business nila kaya ganun nalang ang lungkot ng mga magulang niya kanina." Sagot ko.

Bumuntong hininga si Doc.

"Glaiza, iniisip ko ang kalagayan mo. Alam mong magdudulot ng hindi maganda sa katawan mo ang ginawa mong ito. Pero bakit mo ba pinipilit?" Tanong niya.

"Doc, pagod na akong makipaglaban. I had enough fight to spare my life. Pero dumating na ako sa point ng buhay ko na nawawalan na ako ng pag asa, at tanggap ko ng anytime soon ay posible na akong mawala sa mundong ito. Kaya hindi ko ipagkakait ang pagkakataong makatulong sa iba." Sagot ko.

Hinaplos niya ang aking noo.

"You have a good heart Glaiza. Sana lang, hindi sayangin ng babaeng ito ang pangalawang buhay na ibinigay mo sa kanya. Sana lang gamitin niya sa tama ang buhay niya this time." Sagot niya.

"It's up to her Doc kung paano niya paiikutin ang buhay niya, basta ako, masaya ako dahil natulungan ko siya." Sagot ko.

Nakatingin nalang sa pasyente si Doc. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga sandaling ito. Basta ako, pagkatapos nito ay uuwi na akong probinsya. Gagamitin ko ang natitirang sandali ng aking buhay para makapiling si Mama dahil alam ko na ito nalang ang magagawa ko para sa kanya ang samahan siya habang may hininga pa ako.

IF I STAY ( A RaStro Fanfiction)Where stories live. Discover now