MIDNIGHT INTRUDER
“Hala, andiyan na ang aswang! Takbo!”
Kasabay ng sigaw na iyon ay ang pagkaripas ng takbo ng mga batang kanina lang ay binabato ang aking maliit na bahay.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo at napailing. Naloloka ako! Kahit mga bata ngayon ay sobrang judgmental na!
Bumalik ako sa loob ng bahay at napatitig sa repleksiyon ko sa salamin. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa aking mukha. Ang kutis ko'y sobrang puti o mas tamang sabihin na maputla, abot hanggang sa aking pang-upo ang itim at tuwid kong buhok, natural na matalim kung tumitig ang aking mga mata. Nakasuot pa ako ng puting bestidang mahaba ang manggas at abot hanggang sa aking sakong na karaniwan kong isinusuot dahil ito ang trip ko.
Mas mukha akong white lady kesa sa aswang! O pwede ring mangkukulam. Pretty na mangkukulam!
“Kasalanan mo naman kasi Yvonne, kung bakit ka napagkakamalang aswang. I mean look at you! Ba't ka kasi ganiyan manamit? 'Di ka naman dating ganiyan.” Naalala ko pang sinabi sa akin ng kaibigan kong si Girly nang minsan niya akong bisitahin dito sa bago kong bahay.
I only sighed. She didn't know a single thing because I didn't tell her what made me like this. I was once a typical woman. Normal kung manamit at nag-aayos. I was once living on an apartment with my officemate. We were living just fine until she brought her boyfriend there. I was friendly because I thought he was nice. But I was so wrong. He tried to rape me, naabutan kami ng girlfriend niya. In the end, ako pa ang napasama. Umalis ako roon kahit wala naman akong kasalanan, napunta ako rito, and the rest is history. Dati pokpok ang tawag sa akin, ngayon aswang na. Hanep talaga ang Pilipinas. Puno ng hurado na huhusgahan ka kahit di ka naman nagtatanghal.
—
12:00 am. Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong ungol at daing sa labas.
“Ahhh!”
Kumalat ang kilabot sa aking sistema at nanlaki ang aking mga mata. And it sinked in to me, nasa loob ng bahay ko ang tao!
Animo'y nanigas ako sa aking pagkakahiga nang marinig ang pagkabasag ng kung ano sa aking sala. Sunod-sunod ang aking naging paglunok nang marinig ang malakas na yabag, hingal, at pagdaing ng isang tao na parang siya ay nasasaktan.
Kinapa ko ang kutsilyong nasa ilalim ng aking unan at dahan-dahang tumayo at naglakad papunta sa pinto ng aking kwarto.
“Now my skin is ruined! those judgmental people! Mamatay na kayong lahat!”
Napangiwi ako sa sobrang lutong at gigil ng kaniyang pagkakasambit roon. Sa kabilang banda ay lumambot ang aking puso. Katulad ko rin pala siya.
Wala sa sariling isinandal ko ang buong bigat ko sa pinto. Napatili na lamang ako nang bumukas iyon at tuluyan akong bumagsak sa sahig. Hindi pala naka-lock!
“The hell?”
Ramdam ko ang kaniyang mga yabag palapit sa akin habang panay pa rin ang aking daing. It was not long when I saw a man's built kneeling down on my side as he watched me closely.
“Ano'ng ginagawa mo rito?” Sabay pa naming bulyaw sa isa't-isa. Bumalik ang aking takot at natatarantang kinapa ang sahig upang mahanap ang kutsilyo ngunit nabigo ako.
Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya.
“L-Lumayo ka sa'kin!”
Mabilis kong kinapa ang switch ng ilaw at di nagtagal ay bumaha ang liwanag sa paligid.
“Dang!”
Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang kaniyang kalagayan. He was sans shirt kaya kita ko ang malaking sugat sa kaniyang tagiliran. Nag-angat siya ng tingin at napalunok ako. Sobrang talim ng kaniyang titig at ang mata niya! Kulay itim ang isa habang asul naman sa kabila!
“What are you doing here?” Nakangiwi siyang tumayo habang hawak ang kaniyang sugat.
“I-Ikaw ang dapat kong tanungin niyan! Bahay ko 'to kaya bakit ka nandito? Magnanakaw ka ano?”
Pagak siyang tumawa. “Anong nanakawin ko rito? Iyang kaldero mo?” Sarkastiko niyang saad.
He took a step forward making me step back. Namilog ang aking mga mata habang tumiim naman ang kaniyang titig sa akin.
“H-Huwag kang lalapit!” Dinuro ko siya. “Aswang ako!”
His brows knitted for a while before the corner of his lips rose. Pansin ko ang pamumutla niya kaya napatingin ako sa kaniyang sugat.
“Really? So kakainin mo ako?”
“Oo! Kaya 'wag kang lalapit.”
Sumimangot siya at inismiran ako.
“Aswang my ass! Enough with that crap and help me clean my wound, Miss.”
Umiling ako nang humakbang siyang muli palapit. “Aswang nga ako! Rawr!”
He stared at me blankly. Napaupo siya at sumandal sa dingding habang mabilis ang paghinga. Gusto kong umalis at i-report siya pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong nililinis ang sugat niya. Nakapikit lamang siya hanggang sa natapos ako.
“Kailangan mong madala sa ospital.”
Marahan siyang nagmulat at pinakatitigan ako. His eyes... it's breathtakingly beautiful.
“Aren't you afraid?” He whispered raspily while still eyeing me intently.
Napalunok ako. “Aswang ako, ba't ako matatakot?”
“Aswang ako...” Biglang saad niya na ikinataas ng kilay ko.
“Nangangain ka rin?”
He flashed a playful grin. “Uhuh...”
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Alam ko namang hindi siya seryoso, just like me na nagpapanggap lang na aswang.
“Edi mag aswangan tayo—”
Napasinghap ako nang bumaon ang kaniyang ulo sa aking leeg at kinagat kagat ako roon. Sinapak ko siya.
“Gusto mong masaksak ulit?”
Mahina siyang humalakhak at sumandal ulit sa dingding.
“Dahil ba sa mga mata mo kaya ka napagkakamalang aswang?”
Tahimik lamang siya habang nakatitig sa akin. I smiled.
“Don't worry, alam ko ang pakiramdam ng hinuhusgahan kaya 'di ko gagawin sa'yo iyon. Wala naman talaga silang alam tungkol sa'yo. Kahit anong gawin mo—maging mabuti ka man o hindi, people will still have something to say against you. Hayaan mo na. Basta alam mo sa sarili mo na wala kang inaapakang iba. Ang ganda nga ng mga mata mo e.” Napatitig ako sa tagiliran niya. “Grabe lang ang ginawa nila sayo.
He smiled. “You're different... I wanna keep you. Pakagat nga ulit.”
Sinampal ko na siya. Manyakol rin e.
