Chapter 22: Drunk

Começar do início
                                    

“Mainit. Tumigil-tigil ka ngang bata ka.”

“Lola naman. Minsan lang naman ako maglambing. Pero la, pwede na ba ako magdala ng pusa dito sa bahay?” Nakangiti kong tanong sakanya pero tinitigan lang ako ni lola at tinaasan ng kilay. Hindi ko tuloy mapigilang huwag mapasimangot. May nakita kasi akong cute na pusa kanina sa daan. Mukhang inabandona kasi ito kaya naaawa ako.

“Lola naman malaki na ako. Kaya ko na mag-alaga ng pusa. Isa pa, namimiss ko na kasi yung alaga ko kina tita.”

“Ikaw talaga. Kung hindi mo lang kamukha ang nanay mo.” Sabi nito at saka ako inamba ng yakap. Gustong-gusto ko talaga kapag si lola ang yumayakap saakin. Pakiramdam ko kasi ay siya ang mommy ko.

“Kaya ba ayaw mo akong pabalikin dito noon kasi naaalala mo si mommy?”

“Ay! Tumigil ka na nga! Hindi na kita papayagang mag-alaga ng pusa.” Tumayo na rin ito at naglakad papunta sa kusina. “Hazel maghain ka na.” Narinig ko pang sabi nito bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. Pumanhik na rin ako sa kwarto ko para na rin magshower at magpahinga sandali bago kumain.

Hindi ko pa yata maiuuwi ang pusang nakita ko kanina sa daan. Kawawa naman siya.

Nasa sala ako at nagbabasa ng novel nang pumasok ang lasing na si Damian. Naka white shirt lang siya at hawak-hawak niya sa kanang kamay niya ang isa sa mga damit na binigay ni lola. Madaling araw na at obvious naman na ako nalang ang gising ngayon. Nginitian pa ako nito at umupo rin sa tabi ko.

“You stink! Umakyat ka na nga.” Tinakpan ko ang ilong ko dahil amoy alak talaga siya ngayon.

“Nakita mo kami kanina. Habit mo talagang makinig ng usapan ng iba, ano?” mahina lang ang pagkakasabi nito pero maayos pa naman siyang magsalita.

Lasing siya oo, pero hindi naman pwedeng sinsabi niya yan. Kasalanan ko bang lagi ko siyang nadadaanan? Sila itong paharang-harang sa dadaanan ko.

“Edi sana pumunta naman kayo sa pribadong lugar para mag-usap.” Sagot ko saka ako tuluyang humarap sakanya. Nakapikit siya at parang stressed siya. “Did you make her cry?” Isinandal ko ang kaliwang braso ko sa sofa habang nakahawak sa sentido ko. Tinaas ko na rin ang dalawang paa ko para maging komportable ako. Na-bother kasi ako sa sagot ni Pauline kanina. Umiiyak siya pero hindi naman daw siya sinaktan ni D.

“Did I?” huminga siya nang malalim. “Baka nga pinaiyak ko siya.”

“Bakit? Ano bang nangyari?”

“Sinaktan niya ako noon.” Halos pabulong nalang siya kung sumagot at halatang patulog na rin siya. “Sobrang... nasaktan ako Jeling.” Tumawa pa siya bago muling nagsalita. “Huwag ka ng magtanong baka kasi masagot ko.”

Nang mapansin kong matagal na siyang tahimik ay binato ko siya ng unan para hindi niya ako tulugan.

“Umakyat ka na nga. Matulog ka sa taas. Kapag nakita ka ni lola dito, ikaw din ang kawawa.” Pero imbes na sundin niya ako ay kung anu-ano pa ang sinasabi niya.

“Ang tangos ng ilong ko, diba?”

“Oo na.” Sagot ko nang hindi nakatingin sakanya.

“Jeling?”

“Sabing JL ang itawag mo saakin, e.” hindi na ako makapagbasa dahil sakanya. Kahit kalian ay panggulo talaga siya. Isinara ko na ng tuluyan ang librong binabasa ko at tumingin sakanya. Mukha talaga siyang kawawa. Pero totoo ang sinabi niyang matangos ang ilong niya. Medyo mahaba rin ang pilikmata niya. Nakakatawa lang siya ngayon dahil pulang-pula ang mukha niya. Siguro ay dala na rin ng kalasingan niya.  

“kalian ba tayo magbi-baseball ulit?” Muli itong pumikit at itinaas na nga niya ng tuluyan ang mga paa niya. Dahilan kaya napatayo ako bigla. “Bakit ba kasi natuto kang magsuot ng palda? Mas maganda pa rin sayo ang sweatpants.”

“Bahala ka nga sa buhay mo.”

“Jeling... kapag tinawag kitang JL, can I kiss you goodnight?” Natatawa pa sya nang tanungin niya ako. Lasing nga talaga siya. “I can kiss girls that I don’t even like.” The nerve of this guy!

“Well, too bad! FYI, I’m not just a girl that you can always kiss, D. I’m a woman and I don’t kiss boys like you.” Iniwan ko nalang siyang mag-isa dahil ayaw ko na siyang makausap.

“Magbaseball tayo ulit! Or watch me play drums!” sigaw pa niya. Siraulo talaga. Balak ba niyang gisingin sina lola?

Pero siguro totoo ngang nasaktan siya at hindi si Pauline. Pero kahit ganun, dapat ay hindi pa rin niya hinayaan na lumuhod ang babae sa harapan niya. Hindi pa rin dapat niya iniwan itong mag-isa. Jerk talaga.

***

Happy Halloween! *0*

Search niyo lang account ni sir cards! Ricardo Damian Romo ang kanyang pangalan sa fb XD

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora