"What happened back there? Hindi pa tayo tapos diba?" tanong ni Patrick.

"Tapos na." sagot ko. "Umuwi na tayo." dagdag ko pa.

"Pero..." sabay na sabi nilang dalawa.

"Umuwi na tayo." matigas na sambit ko. Hindi naman na sila nakipagtalo pa at saka na lang kami tuluyang umalis ng building.

"Half day?" tanong ni Mama H nang makarating kami sa apartment. Wala na si Gela at ang mga kasama pa naming sina Jacky at Maya. Siguro ay pumasok na rin sila sa kanya-kanya nilang nga trabaho.

"Hindi po, ma." sabi naman ni Maqui.

Landlady namin si Mama H mula pa nung college kami. Sa totoo lang ay sa kanya na ako nakatira mula pa nung mamatay ang mga magulang ko nung fourth year highschool ako. Kaibigan kasi siya ni mama at dahil nasa probinsya naman ang iba naming kamag-anak ay siya na ang kumupkop at nagpaaral sa akin. Matandang dalaga si Mama H. Pero di siya tulad ni Ma'am Clarisa na ubod ng sungit. Mabait siya at lahat kaming boarders niya ay tinuturing na niyang mga anak.

"Anong nangyari?" tanong niya habang nilalagay sa mesa ang kanin at ulam. "Kumain na muna kayo. Nagluto ako ng Caldereta."

"Ay nako mother. Wit kita uurungan diyan. Favorite ko to eh." masiglang sabi naman ni Patrick sa kanya saka na kumuha ng plato at kubyertos.

"Julie, anak. Anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka?" tanong niya sa akin saka pa ko hinipo sa noo. Kinuha ko naman ang kamay niya saka ako tumingin sa mga mata niya. "Sabihin mo sa akin anak. Anong problema?"

"Ma, andito na uli siya." iyak ko.

Sa mga salita ko pa lang na yun ay agad na niya akong niyakap. Hindi na namin kailangan sabihin ang pangalan niya. Automatic na sa amin ni Mama H kung sino ang tinutukoy ko dahil simula pa lang nun ay alam na niya ang kwento namin ni Elmo.

"Paano mo nalamang andito na siya? Nagkita ba kayo? Tinawagan ka ba niya? Nagkausap na ba kayo? Ano?" sunud-sunod na tanong niya. Hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya at umiyak lang lalo.

"Uhm... Ano kasi, ma. K-kami yung nag-interview kay Elmo para sa magazine namin." sagot ni Maqui para sa akin.

"Ganun ba?"

"Yes mother. Nakakaloka nga eh. Alam niyo kanina napansin ko, ang landi nung mokong na yun. Alam niyo yun? Parang wala siyang ginawang kagaguhan nun kung makaasta siya. Bakit?! Porket siya ang first love nitong si Julie Anne my friend eh gaganyan na siya?! Aba!" sabi ni Patrick sabay subo ng kanin. "Bhagszndmdisyse..." sinapak naman siya ni Maqui at muntik pa niyang mabuga ang pagkain niya. "Ano ba!"

"Bakla, pwede lunok muna bago kwento? Baka nagets namin diba?" ani Maqui.

Uminom muna ng tubig si Patrick saka siya muling nagsalita.

"Ang sabi ko, baka akala ni Elmo makukuha niya uli si Julie sa mga palandi-landi niya. Aba! Ano? Siya lang anak ng Diyos? Kanya na lang lahat ng pabor? Kanya lahat ng sarap tapos kay Julie lahat ng hirap? Anong kagaguhan yan ha?!"

"Pat..." sabi ko.

"Patrick's right, bes. Actually..."

"Hm. Maqui hindi ka artista. Wag magsabi ng actually..." pigil ni Patrick.

"Tsk. Patrick Anthony Espinosa. Pwede wag na mambasag?" ani Maqui. "As I was saying, napansin ko rin kasi kanina yung sinasabi ni Patrick. He's trying to flirt with you as if nothing happened between you two. Na alam mo yun? Parang hindi man lang ba niya inisip kung gaano kalaki yung kasalanan niya sayo? He threw away your ten years of an almost perfect relationship! Tapos after five years of break-up eh parang walang nangyari? Gago pala siya eh!"

"Maqui, anak..."pigil sa kanya ni Mama H. "Baka naman mahal pa rin ni Elmo si Julie."

"Ma, kung mahal niya ang kaibigan ko hindi niya magagawang lokohin si Julie. Kung mahal niya talaga si Julie hindi siya aastang gago. Diba?!" galit na sambit ni Maqui saka pa niya hinampas ang mesa at saka pa tumayo.

She's mad at him. She's been mad at him for the past five years because of what happened to me and I can't blame her. Siya ang naperwisyo sa lahat ng nangyari sa akin.

"Plangak! Idol talaga kita Frencheska eh. Bakit di ka na lang naging abogado?" ani Patrick sabay kain uli.

"Mahal ang law school." sagot naman ni Maqui sabay upo ulit.

"Pero Maqui, anak. Limang taon na ang lumipas. Malay mo naman ay gustong makipag-ayos ni Elmo kay Julie kaya ganun na lang ang kilos niya. Malay mo..."

"Ma, mali eh. Hindi dapat ganun. Kung gusto niyang makipag-ayos dapat noon pa lang ginawa na niya. Pero ano? Hinayaan niya lang diba? Ni hindi man lang siya nagpaliwanag kay Julie kung bakit ginawa niya yun. He never told her why he did that and he never even chased her when she broke up with him. Oo andun tayo sa part na si Julie ang nakipaghiwalay. Pero ma, hindi naman makikipaghiwalay si Julie kung hindi siya nasaktan ng sobra eh. Ten years, ma. They've been together for ten long years but Elmo threw everything away."

"Maq tama na." awat ko sa kanya.

"Bwiset kasi eh! Okay ka na Julie eh. Bumabalik ka na sa dati. Pero tanginang Elmo kasi yan eh. Bakit ba kasi bumalik ng Pilipinas yan ha? Para ano? Guluhin nanaman ang buhay mo? Bullshit siya kamo!" sigaw niya saka na umalis ng dining area at umakyat sa kwarto namin.

Naiwan kaming tatlo nina Mama H at Patrick dito sa baba. Hindi pa rin ako matigil kakaiyak dahil sa sinabi niya kanina sa interview. Bakit nga ba ganun siya umasta? Ang daya naman niya.

"Mother, gorabels na akiz sa baler ko. Medyo gumagabi na. Ang beauty ko baka mapagdiskitahan ng mga shonget na tambay sa kanto niyo. Kaya gora na me ha?" paalam ni Patrick. "Julie, magpahinga ka na girl ha? Beauty rest na." aniya pa saka ako niyakap.

"Sorry, Pat. Kung pati kayo ni Maq nadadamay sa kagagahan ko."

"Waley yun girl. Powerpuff girls tayo eh. All for one, one for all bayanihan of the people! Hahaha." bahagya naman akong natawa saka na lang napailing. "Bongga! Tumawa ka rin! Osige na. Gora ka na sa taas at uuwi na akiz. Bukas na lang ha?"

"Okay. Ingat ka bakla ha? Thank you."

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong tulungan si Mama H na magligpit. Naabutan kong tulog si Maqui at nakatalikod pa sa akin.

"Sorry, Maq kung nadadamay kayo sa problema ko ha? Tama ka naman eh. Okay na ko nung wala siya. Pero hindi na ata makakabalik ang dating Julie, Maq. Kasi yung dating Julie yung Julie na may Elmo eh. Yung dating Julie kasi yung Julie na sinama ni Elmo nung iniwan niya ko." sabi ko saka pinunasan ang luha ko. "Sorry talaga, Maq."

The ExWhere stories live. Discover now