Prologue

5 1 0
                                        


Hexcer's pov

Nandito ako ngayon sa may burol at kitang-kita ko mula rito ang bayan, ang bayan ng Elest

Mapayapa ang bayan at kay gandang tignan mula rito ang bayan

Nga pala, ako si Hexcer Toms, isa akong Curse blood

Meron akong lightning attribute at ice attribute. Pangarap kong maging isang Voyager dahil gusto kong maglibot at pumunta sa mga magagandang lugar

Umuwi na ako sa bahay dahil nagtatakipsilim na

Hindi pa ako nakarating sa bahay nang may narinig akong malakas na kalabog ng pinto

Dali-dali akong pumasok sa bahay at nadatnan ko doon ang mga Alceros, ang Alceros ay mga kawal nang gobyerno

"Ibigay mo ang iyong pera, matanda" sabi nung mukhang lider nang mga Alceros

"A-t b-bakit naman?" Tanong ni tatay Fredo

"Buwis" simpleng sagot nung lider nila

Dali-dali naman na tumakbo si tatay sa ikalawang palapag

"Hoy!" Pag aagaw ko nang atensyon nang mga Alceros

"Bata, anong ginagawa mo dito?" tanung nung isang Alceros

"Kayo dapat ang tinatanong ko nyan dahil nandito kayo sa pamamahay namin" sagot ko sa kanila

"Aba, matapang kang bata ka ahh, kilala mo ba kami? Kilala mo kung sinong bina bangga mo?" sabi rin nung isa

"Wala akong pake kung isa kayong tuta ng gobyerno, àt dahil don magagawa nyo na ang mga gusto nyo sa mga kagaya naming mahirap lamang?" Sambit ko sa kanila

"Gusto mo bang mamatay bata?" Tanong nung lider nila habang naka ngisi nang nakakaloko

Nagpalabas naman ito nang mga tinik, so thorn attribute ang sa kanya

"Sige gawin mo lang" sabi ko at unti unti ring nag yeyelo ang kamay ko at nagiging knuckles

Mabilis namang bumulusok ang mga tinik papuntang direksyon ko

Ginamit ko naman ang lightning ko at pinalibutan ang katawan ko

Mabilis akong tumakbo sa kaliwa ko para maka-ilag sa mga tinik

"May kakayahan ka bata at isa ka ring Curse Blood? So sad dahil mas malakas ako sayo" sabi nung lider at hindi pa rin nawawala ang ngisi nito

Minamaliit niya ba ako? Kahit papano ay marunong naman ako lumaban dahil sa nag eensayo ako nang sekrito

Pinawala niya ang mga tinik niya habang nakatingin pa rin saakin

"Mga Alceros, iligpit niyo yang batang yan" utos nung lider nila

"Masusunod, leader" sagot nung mga kawal

Nagpalabas naman sila nang mga iba't ibang mga armas nila, so mga weapon wielder lang pala sila? So weak

Lima sila lahat kasama na yung lider nila

Ang dalawang nasa unahan ay may bat na merong thorns sa dulo, ang isang nasa likod ay may sibat pero silver yung dulo nito, ang isa namn ay mayroong bronze broad sword

Sinugod ako nung isang may bat na may tinik sa dulo nito at iniwasiwas ang weapon nito pero nailagan ko agad ito dahil ginamitan ko nang 1% nang lightning ko at kasabay nang pag ilag ko ang pag hook sa kanya sa kanyang tagiliran kaya meron na akong opening para maka atake at dali-dali ko itong sinikmuraan kaya ayun, tumba

Sinugod naman ako nung isa at iniwasiwas ang malaki nitong bat na may tinik, fi-nroze ko naman ang braso ko at sinangga ang atake niya gamit ang frozen arm ko

Unnoticeable HeroesStories to obsess over. Discover now