Chapter 10: Eyes on You

Start from the beginning
                                    

  Natamaan ako sa sinabi niya. Oo nga mahal ko si Zohar pero ako ba ang mahal niya? Mas mahihirapan lang talaga siya kung sakaling sasabihin ko ang totoong nararamdaman ko sa kaniya.

  "Not all love stories has a happy ending. Some love stories has to end in a tragic way to send us lessons and teach us to face the reality. It's not cruel at all. It is actually a happy ending on the part of someone who finds happiness because you've sacrificed."

   Kumislap ang mga mata ko habang nakatingin kay Zohar. Wala akong masabi sa kaniya. Ginawa niya ang sa tingin niya ay tama. Hindi ako nagkamali na mahalin ang isang tulad niya. Napaka-understanding at mapagmahal.

  "Pero kay Sam, nagkamali ka."

  Natawa siya nang mahina at bahagyang tumango. "Ang tanga ko sa part na pinakawalan ko siya tapos nahanap niya iyong taong para sa kaniya sa maikling panahon na pinakawalan ko siya. Bumalik ako pero huli na."

  "Masaya na din siya ngayon. Masaya ka na rin naman." Sabi ko at umarko ang isang kilay niya.

  "Kay Sharee?"

  Ngumuso ako. Hindi ko na nga binanggit iyong pangalan tapos sinabi niya pa.

  "Sino pa ba?"

  "She's a nice girl. That's all."

   T-That's all? Napaiwas ako ng tingin kay Zohar at hinawakan ang pisngi ko na nag-iinit.

   "Hey, Anya. Bakit ka pala nagtanong ng ganito sa akin? May lalake ka na bang gusto?" Kuryosong tanong niya. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko na nakakunot ang noo niya.

  "H-Hindi ah. Tinanong ko lang. Ikaw, baka ikaw may gusto ka na kay Sharee."

  Tiningnan niya ako ng isang bored na ekspresiyon. "I'm not. Hindi ganun kabilis mag-invest ng feelings sa isang tao. Hindi porque masaya ka kasama siya, mahal mo na agad."

"Hindi porque masaya ka kasama siya, mahal mo na agad."

  Hanggang ngayon na nakauwi na kami ay iniisip ko pa din iyon. Ang childish nga namang pakinggan, masaya ka lang kasama siya tapos mahal na agad? Hindi ganun iyon. Kalokohan.

  Nakahiga na ako ngayon sa kama ko pero iniisip ko talaga iyong mga sinabi kanina ni Zohar. Hindi niya mahal si Sharee pero masaya siyang kasama niya si Sharee? Hindi kaya gusto niya si Sharee? Ugh, nakakabaliw.

  Nababaliw na naman ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Aist, mali ba na umasa ulit?

   Napabuntong-hininga na lamang ako at pumikit para makuha ang tulog ko.

-*-*-

   Nagising ako sa liwanag mula sa araw. Napakunot ang noo ko dahil may nakadagan sa may tiyan ko. Dahan-dahan akong bumangon at nakita ko si Kleng na nakapulupot ang kamay sa bewang ko.

   Sandali akong natigilan at pagkatapos ay napangiti. Simula nung mapunta na kami dito, sinubukan na namin na ihawalay ng kuwarto si Kleng para masanay pero mukhang hanggang ngayon ay namimiss niya pa rin ako na katabi sa kama.

  Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Ingat na ingat ako na  baka magising ko siya.

   Wait--- ngayon ang unang araw ng pagpasok ni Kleng sa school! Agad akong napabalikwas at marahan na ginising ang kapatid ko.

   "Hmmm..." Ungol nito at napanguso ako. Ayoko sana siyang gisingin pero alam ko na excited na din siyang pumasok.

  "Kleng, gising ka na. May pasok ka na ngayon."

   Nakita ko na nagmulat agad ito ng mata niya. Napailing ako. Papungas-pungas itong naglakad sa banyo.

  Kinuha ko ang uniporme nito sa aparador at inihanda na para pagkatapos niyang maligo ay bihis na lamang. Grade 2 na ito ngayon sa edad na otso. Nakakabilib lang dahil makikita ko na ito muli na nag-aaral.

   Mabilis itong natapos at tinulungan ko muna siyang mag-ayos ng sarili niya bago ako naligo.

   Napagdesisyonan namin na bumaba nang matapos kami parehas.

   "Tara na, kain na tayo at ihahatid kita sa school mo." Nakangiting sabi ko. Gumanti rin siya sa akin ng isang ngiti.

  "Ang ganda ng uniform natin, Ate." Namamanghang sabi niya.

  Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at bahagyang ginulo ang buhok nito.

   Magkahawak kamay kaming lumabas ng kuwarto hanggang sa bumaba sa hagdan.

   "Good morning, Princess Claire." Bati ni Zohar pagkababa namin.

  "Good morning, Kuya." Balik na bati nito.

   "Excited ka na?"

   "Yes po!" Nangniningning ang matang sabi nito.

  "Then let's eat. Ihahatid ko kayo ng ate mo." Aniya at nginitian din ako. At ayon, napailing ako habang nagpipigil na ngumiti nang malawak.

   Gaya ng sinabi ni Zohar. Hinatid namin si Kleng sa school. Hawak ko ang kabilang kamay ni Kleng at ganun din si Zohar sa kabila. Napakalapad ng ngiti ni Kleng habang naglalakad kami papunta sa klasrum niya.

   Nakakatuwa. Iyan iyong ngiti na gusto kong makita sa mukha ni Kleng. Nakakagaan ng pakiramdam.

   "Hello po, Mr. Gustavo." Bati nung teacher na nakangiti kay Zohar. Mukhang nagpapacute.

   "Ms. Wendy, sa'yo na namin iiwan itong si Claire. Parang kapatid ko na iyan kaya paki-bantayan." Seryosong sabi ni Zohar at hindi ko mapigilan ang pagkawala ng ngiti sa labi ko.

  "Sige po, Mr. Gustavo. Akala ko anak niyo." Natatawang sabi ng magiging guro ni Kleng.

  "No, but she's a precious kid."

  "She is. Sige po, ako na bahala."

  Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko hanggang sa makabalik kami sa sasakyan. Sobrang ibang-iba ang aura ni Kleng kanina nang pumasok siya sa loob ng klasrum nila. Hindi siya mukhang kinakabahan o anuman.

   Namalayan ko na lamang na nasa tapat na ako ng campus at kailangan ko ng umalis. Pinagbuksan ako ni Zohar ng pintuan at agad naman akong bumaba.

  "Salamat, Zohar."

   Natawa siya nang mahina at bahagyang napakamot ng batok.

  "You can always count on me, Anya. Sorry talaga kung nitong mga nakaraang araw ay hindi maganda ang mood nating dalawa."

  Umiling ako. "Sorry kasi ang immature ko."

  "Immature?"

  Tumango ako. "Nagtatampo ako."

   "Nagtatampo? Why?" Nagtatakang tanong niya. Humugot ako nang malalim na hininga bago muling nagsalita.

  "Akala ko nakalimutan mo na ak--- I mean kami ni Kleng tapos si Sharee na iyong lagi mong kasama." Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa sinabi ko. Really? Muntik ko ng sabihin na ako lang talaga iyong nakalimutan ni Zohar. Ugh.

   "What? No. Hindi ko kayo nakalimutan. I'm sorry if you feel that way but always remember that my eyes is on you, Anya. I'm always watching you. I'm always asking the house maids to keep me updated about your whereabouts. I'm always there, Anya. Always."

  May init na bumalot sa puso ko sa sinabi ni Zohar. Ako din naman, my eyes is on him too.

  

  

 

Love Scars [✔]Where stories live. Discover now