Labing-pitong taong gulang palang si Maria ay namamasukan na siya bilang kasambahay sa Pamilya Villanueva sa Batangas.
Nang maka ilang bwan na siya rito ay may mga ilan na siyang nakikilala.
Piyesta noon sa isang baranggay sa Batangas,sa magulang ng padre de pamilya ng mga Villanueva.Pumunta sila roon kasama ang kanyang mga amo.At dahil piyesta may prosisyon.
Sumama si Maria sa prosisyon kasama ang pamangkin ng kanyang amo.
At doon niya nakilala si Reden.Unang kita palang niya dito ay masasabi niyang may paghanga na siya kaagad sa lalaki.Masmatangkad ito sa kanya,maputi,matangos ang ilong,may dimple at medyo singkit ang mata nito.
Dahil siya ay teen-ager pa lang at may pagka malandi,hiningi niya ang number ito sa kasama niyang si Jenny.
Umabot ng gabi at medyo naging ka-close na niya si Reden,kaya naman lalo siyang nagkaroon ng paghanga sa lalaki.
Kinabukasan,umuwi na sila sa bahay ng kanyang amo.Agad na nag paload si Maria upang tawagan si Reden.
Lumipas ang mga araw,linggo at bwan na magkatawagan sila na Reden lalong lumalim ang nararamdaman nya sa lalaki,kaya't nang ligawan siya nito ay kaagad niyang sinagot.
Hindi lingid sa kaalaman niyang may iba pa itong girlfriend.
"Bahala na" aniya sa sarili..
----------------
"Maria" Ang tawag sa kanya ng kanyang among babae na si Ate Mae
"Ate?" Agad siyang lumapit dito
"Ening pag dumating ang iyong kuya Paolo, uuwi ka muna sa inyo ha.Isang bwan lang naman yun titigil dito,di may kasama kami.Edi bago kita pabalikin ulit pag paalis na ang iyong kuya." sabi nito sa kanya na ang tinutukoy ay ang asawa nitong kasalukuyang nasa barko.Dahil isa iting seaman.
"sige po Ate" sagot nya dito.
makailang araw lang dumating na ang amo niyang lalaki.Kaya't kinabukasan napag pasyahan niyang doon muna dumiretso sa kanyang ina sa Manila.
Namalagi siya doon ng isang bwan.Naging madalang na silang magka tawagan ni Reden kaya't ng umuwi siya sa kaniyang probinsya sa Quezon
ay sinagot niya ang matagal nang nanliligaw sa kanya na si Ritchie.
"Pag binati mo ako ng Happy birthday saktong alas-dose sige, tayo na"
sabi niya dito habang kausap niya ito sa cellphone.
"sige basta tayo na ha pag nabati kita wala nang bawian" sagot nito sa kaniya.Nahihimigan niya sa boses nito na parang masaya.
"Oo nga.pero pag lumagpas ng kahit isang segundo haha tapos ka"
Maya-maya nga nag ring ang cellohone nya.
Nang i-open niya ito
1 message received
"Happy 18th birthday Maria.Ayan ha eksaktong 12:00 a.m yan.Tayo na ha wala nang bawian yan"
Napangiti naman siya sa effort nito.Hindi niya akalain na magagawa ng lalaki ang pinagagawa niya dito.
Pogi si John Ritchie,
matangkad,matangos ang ilong,singkit,kissable lips at sa edad nitong dese-siete ay macho ito.Marahil sa banat ito sa trabaho.
Lumipas ang mga araw at naging maayos ang relasyon nilang dalawa.Magkalapit lang ang bahay nila pero sa cellphone lang sila nag uusap madalas.At kung magkasama naman sila ay parang hindi sila mag boyfriend/girlfriend dahil pareho silang nahihiya sa isa't isa..
